Add parallel Print Page Options

22 Aking pinawi na (A)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (B)kita.

23 Magsiawit, Oh (C)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (D)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.

Read full chapter