Add parallel Print Page Options

Sapagka't (A)ang pangulo ng Siria (B)ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at (C)sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan:

Read full chapter

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Damasco.

23 Tungkol sa Damasco. Ang Hamath ay (A)napahiya, at ang Arphad; sapagka't sila'y nangakarinig ng mga masamang balita, sila'y nanganglulupaypay: may kapanglawan sa dagat; hindi maaaring tumahimik.

24 Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam.

25 Ano't hindi pinabayaan ang bayan (B)na kapurihan, ang bayan na aking kagalakan?

26 Kaya't ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan, at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

27 At ako'y magsusulsol ng (C)apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni (D)Benhadad.

Read full chapter

Ganito ang sabi ng Panginoon: (A)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (B)Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (C)sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.

Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni (D)Ben-hadad.

At aking iwawasak ang (E)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

Read full chapter