Old/New Testament
Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.
9 Gayon man ay (A)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (B)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (C)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.
2 Ang (D)bayan na (E)lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
3 (F)Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang (G)pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng (H)Madian.
5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (I)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (J)anak na lalake; at ang (K)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (L)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (M)Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (N)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (O)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (P)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
8 Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,
9 At malalaman ng buong bayan ng (Q)Ephraim, at ng nananahan sa (R)Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,
10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.
11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng (S)Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;
12 (T)Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga (U)Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. (V)Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
13 Gayon ma'y (W)ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.
14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, (X)sa isang araw.
15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.
16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.
17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay (Y)marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. (Z)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
18 Sapagka't ang kasamaan ay (AA)sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; (AB)walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.
20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, (AC)at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain (AD)bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
21 (AE)Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at (AF)sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. (AG)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
Ang galit ng Panginoon ay ginanap ng Asiria, na sa huli ay parurusahan din.
10 Sa aba nila na (AH)nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
2 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng (AI)dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
3 At ano ang inyong gagawin sa (AJ)araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian?
4 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi (AK)napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
5 Hoy, taga Asiria, na (AL)pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pagiinit.
6 Aking susuguin siya (AM)laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, (AN)upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, (AO)o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.
8 Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang (AP)aking mga pangulo ay hari silang lahat?
9 Hindi baga ang (AQ)calno ay (AR)gaya ng Carchemis? hindi ba ang (AS)Hamath ay gaya ng (AT)Arphad? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 (AU)Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria;
11 Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga (AV)diosdiosan?
12 Kaya't mangyayari, na (AW)pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, (AX)aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
13 (AY)Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan:
14 At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao; at ako'y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan: at walang magkilos ng pakpak, o magbuka ng bibig o sumiyap.
15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon, o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy.
16 Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag (AZ)sa isang araw.
18 At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat.
19 At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti, na anopat mabibilang ng bata.
Ang mga nalabi ay babalik.
20 At mangyayari (BA)sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at (BB)ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, (BC)hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21 (BD)Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios.
22 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, (BE)ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
23 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.
Sumama rin ang Asiria.
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.
25 Sapagka't (BF)sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa (BG)Madian sa bato ng Oreb: at ang (BH)kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari (BI)sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa (BJ)pinahiran.
28 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa (BK)Migron; sa (BL)Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan:
29 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na (BM)nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.
30 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae (BN)ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth!
31 Madmena ay palaboy; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa (BO)Nob: kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion, na burol ng Jerusalem.
33 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.
34 (BP)At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal, at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.
3 Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—
2 Kung tunay na inyong narinig (A)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;
3 (B)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (C)sa akin ang hiwaga, (D)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.
4 Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (E)sa hiwaga ni Cristo;
5 Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (F)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;
6 Na ang mga Gentil (G)ay mga tagapagmana, at mga (H)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,
7 (I)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (J)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.
8 Sa akin, na ako (K)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (L)kayamanan ni Cristo;
9 At (M)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (N)na lumalang ng lahat ng mga bagay;
10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (O)mga kapangyarihan (P)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
11 (Q)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:
12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (R)pagpasok (S)na may pagasa sa pamamagitan (T)ng ating pananampalataya sa kaniya.
13 Kaya nga ipinamamanhik ko (U)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (V)na pawang kapurihan ninyo.
14 (W)Dahil dito (X)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,
15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (Y)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,
16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (Z)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (AA)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;
17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (AB)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (AC)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.
18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (AD)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.
20 Ngayon sa makapangyarihang (AE)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (AF)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,
21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978