Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Panaghoy 1-2

Mga kapanglawan ng binihag na Sion.

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao!
Siya'y naging parang isang bao, (A)na naging dakila sa gitna ng mga bansa!
Siya na naging (B)prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi;
Sa lahat ng (C)mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya:
Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil (D)sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod;
Siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan;
Inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa (E)takdang kapulungan;
Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga:
Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
Ang kaniyang mga kalaban ay naging (F)pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa;
Sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon (G)dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang:
Ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion:
Ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan,
At nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una:
Nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya,
Nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay;
Lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't (H)kanilang nakita ang kaniyang kahubaran:
Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; (I)hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas;
Kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw;
Masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay;
Sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay (J)pumasok sa kaniyang santuario,
(K)Yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
11 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay;
Ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa.
Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
12 Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan?
Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin,
Na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
13 Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan;
(L)Kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako:
Kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.
14 Pamatok ng aking mga pagsalangsang (M)ay hinigpit ng kaniyang kamay;
(N)Mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan:
Ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.
15 Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na (O)aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko;
Siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata:
(P)Niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha;
Sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin:
Ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
17 (Q)Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya;
Nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban:
Ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos:
Inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan:
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya (R)nila:
(S)Nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan,
Habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; (T)ang aking puso ay namamanglaw;
Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik:
(U)Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin;
(V)Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa:
Iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
22 Magsidating nawa ang (W)lahat nilang kasamaan sa harap mo;
At gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang:
Sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.

Ang kapanglawan ng Sion ay nagmumula sa Panginoon.

(X)Ano't tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit!
(Y)Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa (Z)ang kagandahan ng Israel,
At hindi inalaala ang kaniyang (AA)tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit.
Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa:
Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda;
Kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: (AB)kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong (AC)sungay ng Israel;
(AD)Kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway:
At kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, (AE)kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban,
At pinatay ang lahat na maligaya sa mata:
Sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel;
Kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan;
At kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
At (AF)kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang (AG)mga dako ng kapulungan:
Ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at (AH)sabbath sa Sion,
At (AI)hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.
Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario;
Kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio:
(AJ)Sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion;
(AK)Kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba:
At kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; (AL)nanganglulupaypay kapuwa.
Ang kaniyang mga pintuangbayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang:
(AM)Ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na (AN)hindi kinaroroonan ng kautusan;
Oo, (AO)ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
10 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, (AP)sila'y nagsisitahimik;
(AQ)Sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang:
Itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
11 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso,
Ako'y lubhang nahahapis, (AR)dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.
12 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina,
Saan nandoon ang trigo at alak?
Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan,
Pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? (AS)sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem?
Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion?
Sapagka't ang iyong sira ay (AT)malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
14 Ang iyong mga propeta ay (AU)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (AV)inilitaw ang iyong kasamaan, (AW)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (AX)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
15 Lahat na nangagdaraan ay (AY)ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo;
Sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi,
Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao (AZ)Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
16 Ibinukang maluwang ng (BA)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (BB)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (BC)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (BD)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (BE)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(BF)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (BG)ang itim ng iyong mata.
19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (BH)mga pagpupuyat;
(BI)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (BJ)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(BK)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
21 Ang binata at ang matanda ay humihiga (BL)sa lupa sa mga lansangan;
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak:
Iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; (BM)iyong pinatay at hindi ka naawa.
22 Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako;
At walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon:
Yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.

Mga Hebreo 10:1-18

10 Sapagka't ang kautusan na may (A)isang anino (B)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (C)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.

Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.

Nguni't (D)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

Sapagka't di maaari na (E)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.

Kaya't (F)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,

(G)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (H)sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.

10 Sa (I)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (J)katawan ni Cristo na (K)minsan magpakailan man.

11 At katotohanang ang bawa't saserdote (L)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (M)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (N)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;

13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang (O)kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.

14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay (P)kaniyang pinasakdal magpakailan man (Q)ang mga pinapagiging-banal.

15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo (R)rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,

16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila

Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon;
(S)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso,
At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

18 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978