Old/New Testament
Ang pagkakasugo sa Propeta.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; (A)kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.
2 Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. (B)Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.
4 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.
5 Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel;
6 Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na (C)kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon.
7 Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob.
8 Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo.
9 Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa (D)pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
10 Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig.
11 At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na (E)mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.
Ang ordinacion.
12 Nang magkagayo'y itinaas ako (F)ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako.
13 At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng (G)mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong.
14 Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin.
15 Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan (H)sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at (I)ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw.
16 At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
17 Anak ng tao, ginawa kitang (J)bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.
18 Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay (K)mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang (L)kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
19 (M)Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
20 Muli, pagka (N)ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at (O)ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
21 Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
22 At ang kamay (P)ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo.
23 Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas (Q)sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na (R)aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob.
24 Nang magkagayo'y (S)suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay.
25 Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, (T)sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila.
26 At (U)aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
27 Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Inihalimbawa ang pagkulong sa Jerusalem.
4 Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga'y ng Jerusalem.
2 At kubkubin mo, at (V)magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, (W)at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot.
3 At magdala ka ng kawaling bakal, at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan: at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon, at makukubkob, at iyong kukubkubin. (X)Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel.
4 Bukod dito'y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon, (Y)magdadanas ka ng kanilang kasamaan.
5 Sapagka't aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo'y isang bilang ng mga araw, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw: gayon mo (Z)dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel.
6 At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo.
7 At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas; at ikaw ay manghuhula laban doon.
8 At, narito, (AA)ipinaglalagay kita ng lubid, at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila, hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob.
9 Magdala ka rin ng trigo, at ng cebada, at ng habas, at ng lentejas, at ng mijo, at ng espelta, at ilagay mo sa isang sisidlan, at gawin mong tinapay; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw, iyong kakanin yaon.
10 At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang, dalawang pung siklo isang araw: araw-araw ay iyong kakanin.
11 At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal, na ikaanim na bahagi ng (AB)isang hin: araw-araw ikaw ay iinom.
12 At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada, at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin.
13 At sinabi ng Panginoon, Ganito (AC)kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay, sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila.
14 Nang magkagayo'y sinabi ko, (AD)Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako (AE)kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; (AF)o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.
15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo'y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao, at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon.
16 Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin (AG)ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay:
17 Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.
20 Sa pananampalataya'y (A)binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.
21 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay (B)binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.
22 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si (C)Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.
23 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, (D)ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.
24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (E)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;
25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
26 Na inaring malaking kayamanan (F)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (G)ang gantingpalang kabayaran.
27 Sa pananampalataya'y (H)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (I)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.
28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (J)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.
29 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna (K)ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.
30 Sa pananampalataya'y (L)nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.
31 Sa pananampalataya'y (M)hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.
32 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang (N)tungkol kay Gideon, (O)kay Barac, (P)kay Samson, (Q)kay Jefte; tungkol kay (R)David, at (S)kay Samuel at sa mga propeta:
33 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y (T)nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, (U)nangagtamo ng mga pangako, (V)nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,
34 Nagsipatay (W)ng bisa ng apoy, (X)nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, (Y)nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.
35 (Z)Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:
36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:
37 Sila'y pinagbabato, (AA)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (AB)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan
38 ((AC)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.
39 At ang lahat ng mga ito, (AD)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (AE)kinamtan ang pangako,
40 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging (AF)sakdal ng bukod sa atin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978