Old/New Testament
Ang apat na kerubin na pangitain ni Ezekiel.
1 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na (A)ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga (B)pangitain mula sa Dios.
2 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng (C)pagkabihag ng haring Joacim,
3 Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na (D)saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, (E)ay sumasa kaniya.
4 At ako'y tumingin, at, narito, (F)isang unos na hangin ay (G)lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.
5 At mula (H)sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao;
6 At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.
7 At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang (I)na parang kulay ng tansong binuli.
8 At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak (J)sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito:
9 Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y (K)hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy.
10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila.
11 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan.
12 At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; (L)kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon.
13 Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga (M)bagang nagniningas; (N)parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.
14 At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang (O)kislap ng kidlat.
Ang apat na gulong na pangitain ni Ezekiel.
15 (P)Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito, ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay, sa bawa't isa ng apat na mukha ng mga yaon.
16 (Q)Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
17 Pagka yumaon, nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon.
18 Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga llanta na puno ng mga mata sa palibot.
19 At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon, ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas.
20 (R)Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila; doon pinaparoonan ng espiritu; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
21 Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon, ang mga ito'y nagsisiyaon; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
Ang kaluwalhatian na pangitain ni Ezekiel.
22 At sa ibabaw ng ulo (S)ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na (T)bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo.
23 At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon.
24 At (U)nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na (V)parang hugong ng maraming tubig, (W)parang tinig ng (X)Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
25 At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
26 At sa itaas ng langit (Y)na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan (Z)na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.
27 At ako'y nakakita (AA)ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon.
28 (AB)Kung paano ang anyo ng bahaghari (AC)na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng (AD)kaluwalhatian ng Panginoon. (AE)At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.
Ang tawag sa Propeta.
2 At sinabi niya sa akin, (AF)Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu (AG)ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
4 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (AH)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.
5 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (AI)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.
6 At ikaw, anak ng tao, (AJ)huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
7 At iyong sasalitain (AK)ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.
8 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (AL)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.
9 At nang ako'y tumingin, narito, (AM)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (AN)ay nandoon;
10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (AO)sa loob at sa labas; at may (AP)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.
11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay (A)na hindi nakikita.
2 Sapagka't (B)sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.
3 Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (C)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (D)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.
4 Sa pananampalataya si (E)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.
5 Sa pananampalataya si (F)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:
6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.
7 Sa pananampalataya si Noe, (G)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (H)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (I)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (J)katuwiran na ayon sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si (K)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.
9 Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (L)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:
10 Sapagka't (M)inaasahan niya ang bayang (N)may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at (O)gumawa ay ang Dios.
11 Sa pananampalataya (P)si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:
12 Kaya naman (Q)sumibol sa isa, sa kaniya (R)na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.
13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (S)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (T)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.
14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.
15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.
16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (U)Dios (V)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (W)sila ng isang bayan.[a]
17 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;
18 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, (X)Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:
19 Na inisip na (Y)maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang (Z)halimbawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978