Old/New Testament
Ang pangitain ng kasuklamsuklam na Jerusalem.
8 At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at (A)ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay (B)dumating sa akin doon.
2 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; (C)mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal (D)na nagbabaga.
3 At kaniyang (E)inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako (F)ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako (G)sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; (H)na kinaroroonan ng upuan (I)ng larawan ng panibugho, (J)na namumungkahi sa paninibugho.
4 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay (K)nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa (L)kapatagan.
5 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan.
6 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam.
7 At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader.
8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan.
9 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito.
10 Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot.
11 At nagsitayo sa harap nila ang (M)pitong pung lalake sa (N)mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni (O)Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, (P)Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa.
13 Sinabi rin niya sa akin, (Q)Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa.
14 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.
15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito.
16 At dinala niya ako (R)sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan (S)ng malaking pintuan at (T)ng dambana, (U)ay may dalawang pu't limang lalake, na (V)sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at (W)kanilang sinasamba (X)ang araw sa dakong silanganan.
17 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.
18 Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: (Y)at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin.
Ang pangitain ng pagpatay sa mga makasalanan.
9 Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay.
2 At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas (Z)na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong (AA)dambana.
3 At (AB)ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka (AC)ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.
5 At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag;
6 Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at (AD)inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake (AE)na nangasa harap ng bahay.
7 At sinabi niya sa kanila, (AF)Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan.
8 At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem?
9 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay puno ng dugo, at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon.
10 At tungkol sa akin naman, (AG)ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo.
11 At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin.
Ang pangitain ng bagang nagbabaga; ng apat na gulong; at ng kaluwalhatiang umalis mula sa templo.
10 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa (AH)langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na (AI)parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan.
2 At siya'y nagsalita sa lalake na (AJ)nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga (AK)bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin, at (AL)ikalat mo sa bayan. At sa aking paningin ay pumasok siya.
3 Ang mga kerubin nga ay nagsitayo (AM)sa dakong kanan ng bahay, nang ang lalake ay pumasok; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban.
4 (AN)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin, at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay; at (AO)ang bahay ay napuno ng ulap, at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon.
5 At ang (AP)pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita.
6 At nangyari, nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na sabihin, Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin, na siya'y pumasok, at tumayo sa tabi ng isang gulong.
7 At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin, at kumuha niyaon, at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino, na siyang kumuha at lumabas.
8 At lumitaw sa gitna ng mga kerubin (AQ)ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
9 At ako'y tumingin, at narito, apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin, isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin, at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong (AR)berila.
10 At tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may isang pagkakawangis, na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong.
11 (AS)Pagka nagsisiyaon, ay nagsisiyaon (AT)sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon, kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon.
12 At ang kanilang buong katawan, at ang kanilang mga likod, at ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong (AU)ay puno ng mga mata sa palibot, sa makatuwid baga'y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat.
13 Tungkol sa mga gulong, tinawag sa aking pakinig, ang nagsisiikot na mga gulong.
14 At bawa't isa'y may apat na (AV)mukha: ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao, at ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila.
15 At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa (AW)pangpang ng ilog Chebar.
16 At nang magsiyaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila: at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa, ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila.
17 (AX)Pagka sila'y nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka sila'y nangapaiitaas, ang mga ito'y nangapaiitaas na kasama nila: sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon.
18 At (AY)ang kaluwalhatian ng Panginoon (AZ)ay lumabas mula sa pintuan ng bahay, at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin.
19 At (BA)itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin, nang sila'y magsilabas, at ang mga gulong ay sa siping nila: at sila'y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila.
20 Ito ang nilalang na may buhay (BB)na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin.
21 Bawa't isa'y (BC)may apat na mukha, at bawa't isa'y may apat na pakpak; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak.
22 At tungkol (BD)sa anyo ng kanilang mga mukha, ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar, ang kanilang mga anyo at sila rin; (BE)sila'y yumaon bawa't isa na patuloy.
13 Mamalagi nawa ang (A)pagibig sa mga kapatid.
2 Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y (B)walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.
3 Alalahanin ninyo (C)ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.
4 (D)Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: (E)sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
5 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (F)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (G)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.
6 Ano pa't ating masasabi ng buong tapang,
(H)Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot:
Anong magagawa sa akin ng tao?
7 Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng (I)kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.
8 Si Jesucristo ay (J)siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
9 Huwag nga kayong padala (K)sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; (L)hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.
10 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.
11 Sapagka't (M)ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.
12 Kaya naman si Jesus, upang (N)mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay (O)nagbata sa labas ng pintuan.
13 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang (P)kaniyang pagkadusta.
14 Sapagka't dito'y (Q)wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.
15 Sa pamamagitan nga niya ay (R)maghandog tayong palagi ng (S)hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng (T)bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
16 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at (U)ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't (V)sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
17 (W)Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang (X)mangagsusulit; (Y)upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
18 Idalangin ninyo kami: (Z)sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.
19 At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo.
20 Ngayon (AA)ang Dios ng kapayapaan (AB)na muling nagdala mula sa mga patay (AC)sa dakilang pastor ng mga tupa (AD)sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,
21 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa (AE)bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, (AF)na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; (AG)na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
22 Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita.
23 Inyong talastasin na ang (AH)ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya.
24 Batiin ninyo ang lahat ng mga (AI)namiminuno sa inyo, at ang (AJ)lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia.
25 Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978