Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ezekiel 11-13

Ang mga masasamang pinuno.

11 Bukod dito'y itinaas ako (A)ng Espiritu, at dinala ako sa (B)pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, (C)nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;

Na nagsasabi, (D)Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; (E) ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.

Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.

At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.

Inyong pinarami (F)ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (G)Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.

Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.

At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.

10 (H)Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo (I)sa hangganan ng Israel; (J)at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

11 Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;

12 At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian (K)ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.

13 At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y (L)nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?

Ipinangako ang muling pagkakatayo at pagbabago ng Israel.

14 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

15 Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.

16 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario (M)sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.

17 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (N)Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.

18 At sila'y magsisiparoon, at (O)kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.

19 At (P)aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman;

20 Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: (Q)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.

21 Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, (R)aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.

Ang katapusan ng pangitain.

22 Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin (S)ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at (T)ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.

23 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa (U)ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.

24 At itinaas ako (V)ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.

25 Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.

Ang katulad ng pagkakabihag.

12 Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na (W)may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan.

Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon.

Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin, at iyong ilabas doon.

Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: (X)sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel.

At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin.

At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, (Y)Anong ginagawa mo?

10 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (Z)Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila.

11 Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: (AA)kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag.

12 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.

13 Ang akin namang panilo ay aking (AB)ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at (AC)aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; (AD)gayon ma'y hindi niya makikita, (AE)bagaman siya'y mamamatay roon.

14 At aking pangangalatin sa bawa't dako (AF)ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at (AG)aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

15 At kanilang malalaman na ako (AH)ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain.

16 Nguni't (AI)magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

17 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

18 Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot;

19 At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, (AJ)dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon.

20 At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

21 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

22 Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay (AK)tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan?

23 Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain.

24 Sapagka't (AL)hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang (AM)pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel.

25 Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain (AN)ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios.

26 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

27 Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, (AO)Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo.

28 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita, kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoon.

Kinamuhian ang mga bulaang propeta dahil sa pangangako ng kapayapaan.

13 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!

Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako.

Kayo'y hindi sumampa (AP)sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon.

(AQ)Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; (AR)at hindi sila sinugo ng Panginoon: at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.

Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.

At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, (AS)o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.

10 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, (AT)Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, (AU)kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:

11 Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon.

12 Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.

14 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

15 Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;

16 Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.

Sa aba ng mga propetang bulaan.

17 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila,

18 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?

19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at (AV)dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buháy ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.

20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.

21 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

22 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay (AW)inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;

23 Kaya't (AX)hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Santiago 1

Si Santiago, na (A)alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati (B)sa labingdalawang angkan (C)na nasa Pangangalat.

Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;

Yamang nalalaman (D)na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay (E)gumagawa ng pagtitiis.

At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging (F)sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.

Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay (G)humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.

Nguni't (H)humingi siyang may pananampalataya, (I)na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad (J)ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.

Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;

Ang taong (K)may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.

Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri (L)sa kaniyang mataas na kalagayan:

10 At ang mayaman, (M)dahil sa siya'y pinababa: sapagka't (N)siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.

11 Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy (O)ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.

12 (P)Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap (Q)ng putong ng buhay, (R)na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.

13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:

14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila (S)ng sariling masamang pita at nahihikayat.

15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, (T)kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay (U)namumunga ng kamatayan.

16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.

17 Ang bawa't mabuting kaloob (V)at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa (W)Ama ng mga ilaw, (X)na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.

18 (Y)Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, (Z)upang tayo'y maging isang uri ng mga (AA)pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.

19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't (AB)magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, (AC)magmakupad sa pananalita, (AD)magmakupad sa pagkagalit;

20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

21 Kaya't (AE)ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, (AF)na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.

22 Datapuwa't maging (AG)tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.

23 Sapagka't (AH)kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa (AI)salamin:

24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.

25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na (AJ)kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.

26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso (AK)samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.

27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating (AL)Dios at Ama ay ito, (AM)dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, (AN)at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978