Old/New Testament
Ang pangitain ng mga tuyong buto.
37 Ang (A)kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako (B)sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto.
2 At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; (C)ikaw ang nakakaalam.
4 Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.
5 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking (D)papapasukin ang (E)hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.
6 At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Ang mga buto na tuyo ay nagkaroon ng buhay.
7 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto.
8 At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila.
9 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa (F)apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.
10 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, (G)at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.
Ang mga buto na tuyo ay katulad ng bayan ng Panginoon.
11 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, (H)Ang ating mga buto ay natuyo, (I)at ang ating pagasa ay nawala; (J)tayo'y lubos na nahiwalay.
12 Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (K)aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin (L)kayo sa lupain ng Israel.
13 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko.
14 At (M)aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.
Ang muling pagsasama ng Juda at Israel.
15 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:
16 At ikaw, anak ng tao, (N)kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, (O)Sa Juda at sa (P)mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: (Q)Sa Jose, na siyang tungkod ng (R)Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:
17 At (S)iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.
18 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?
19 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.
20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo (T)sa harap ng kanilang mga mata.
21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (U)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:
22 At gagawin ko (V)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (W)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;
23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (X)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (Y)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.
Si David ang magiging kanilang hari.
24 At ang aking lingkod na si David ay (Z)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.
25 At (AA)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (AB)magpakailan man: at si David na (AC)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng (AD)tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario (AE)sa gitna nila magpakailan man.
27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
28 At malalaman ng mga bansa na (AF)ako ang Panginoon na (AG)nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.
Ang hula tungkol sa Gog. Sasalakay sa Israel.
38 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 (AH)Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha (AI)sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa (AJ)Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,
3 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
4 At aking ipipihit ka sa palibot, (AK)at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:
5 (AL)Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante;
6 (AM)Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni (AN)Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.
7 Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila.
8 (AO)Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na (AP)napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y (AQ)magsisitahang tiwasay, silang lahat.
9 At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating (AR)na parang bagyo, ikaw ay magiging parang (AS)ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo.
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:
11 At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man;
12 (AT)Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pagaari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa.
13 Ang Seba, (AU)at ang (AV)Dedan, at ang mga (AW)mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng (AX)lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pagaari, upang kumuha ng malaking samsam?
14 Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman?
15 At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, (AY)mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo;
16 At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari (AZ)sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, (BA)pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.
Ang galit ng Panginoon laban sa Gog.
17 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?
18 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay (BB)sasampa sa aking mga butas ng ilong.
19 Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, (BC)Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel;
20 Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa.
21 At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid.
22 (BD)At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga (BE)pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
23 At ako'y pakikitang dakila (BF)at banal, at ako'y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Ang pagbagsak ng Gog.
39 At ikaw, (BG)anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
2 At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita (BH)mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel;
3 At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan.
4 Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka.
5 Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.
6 At ako'y magpapasapit ng apoy (BI)sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa (BJ)mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
7 At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at (BK)malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.
8 (BL)Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita.
9 At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at (BM)sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;
10 Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; (BN)at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.
Ang libingan ni Gog at ng kaniyang karamihan.
11 At mangyayari sa araw na (BO)yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog.
12 At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, (BP)upang kanilang linisin ang lupain.
13 Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios.
14 At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, (BQ)na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila.
15 At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa (BR)libis ng Hamon-gog.
16 At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain.
Ang dakilang hain ng Panginoon.
17 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, (BS)Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.
18 Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang (BT)patabain sa Basan.
19 At kayo'y magsisikain ng taba (BU)hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.
20 At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.
21 At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila.
22 Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.
23 At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli (BV)ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y (BW)ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
24 Ayon sa kanilang karumihan (BX)at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.
Ang Israel ay muling itatayo.
25 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (BY)Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong (BZ)sangbahayan ni Israel; at (CA)ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.
26 At sila'y (CB)mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila;
27 Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa.
28 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;
29 (CC)Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't (CD)binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.
2 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (A)mga bulaang propeta, na (B)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (C)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (D)ang Panginoon (E)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
2 At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (F)daan ng katotohanan.
3 At (G)sa kasakiman sa mga (H)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.
4 Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (I)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (J)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;
5 At ang dating sanglibutan ay (K)hindi pinatawad, datapuwa't (L)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
6 At pinarusahan niya ng pagkalipol (M)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:
7 At (N)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (O)pamumuhay ng masasama
8 (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (P)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):
9 Ang (Q)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;
10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (R)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (S)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (T)magsialipusta sa mga pangulo:
11 Samantalang ang (U)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.
12 Datapuwa't ang mga ito, na (V)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
13 Na nangagbabata ng masama na (W)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (X)magpakalayaw kung araw, (Y)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (Z)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (AA)nangakikipagpiging sa inyo;
14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,
15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (AB)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;
16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (AC)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (AD)mga ulap na tinatangay ng unos; (AE)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;
18 Sapagka't, (AF)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;
19 Na pinangangakuan ng (AG)kalayaan, (AH)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.
20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (AI)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (AJ)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (AK)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978