Add parallel Print Page Options

34 At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang (A)lahat ako, (B)mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't (C)aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

Read full chapter

45 Nasusulat sa mga propeta, (A)At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumalapit sa akin.

Read full chapter

26 Datapuwa't (A)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (B)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (C)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

Read full chapter

10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (A)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

Read full chapter

Datapuwa't tungkol sa (A)pagiibigang kapatid ay (B)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (C)mangagibigan kayo sa isa't isa;

Read full chapter

20 At (A)kayo'y may pahid ng Banal, at (B)nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.

Read full chapter

27 At tungkol sa inyo, ang (A)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (B)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

Read full chapter