Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
One verse. Every morning. Get the free Verse of the Day email.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
New Bible Gateway. Take the quick tour.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

1 Juan 2  Ang Biblia (1978)

2 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay (A)may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:

2 At (B)siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan (C)din naman.

3 At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung (D)tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

4 (E)Ang nagsasabing, (F)Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, (G)ay sinungaling, at ang katotohanan ay (H)wala sa kaniya;

5 Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal (I)ang pagibig ng Dios. (J)Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:

6 Ang nagsasabing siya'y (K)nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.

7 Mga minamahal, (L)wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos (M)na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.

8 Muli, (N)isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; (O)sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at (P)ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.

9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hangga ngayon.

10 (Q)Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y (R)walang anomang kadahilanang ikatitisod.

11 Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.

12 Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang (S)inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan.

13 Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula (T)ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig (U)ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama.

14 Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.

15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, (V)ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. (W)Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.

16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at (X)ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

17 At (Y)ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.

18 Mumunting mga anak, (Z)ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang (AA)anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

19 Sila'y nangagsilabas sa atin, (AB)nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin (AC)ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, (AD)upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.

20 At (AE)kayo'y may pahid ng Banal, at (AF)nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.

21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi (AG)dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.

22 Sino ang sinungaling (AH)kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.

23 Ang sinomang (AI)tumatanggi sa Anak, (AJ)ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.

24 Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo (AK)naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama.

25 At ito ang pangakong (AL)kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.

26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.

27 At tungkol sa inyo, ang (AM)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (AN)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (AO)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (AP)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.

29 Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo (AQ)na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya.

Cross references

  1. 2:1 : Rom. 8:34.
  2. 2:2 : Rom. 3:25; 1 Juan 4:10.
  3. 2:2 : Juan 1:29; 11:51, 52.
  4. 2:3 : Juan 14:15; 15:10; 1 Juan 3:22, 24; 5:2, 3.
  5. 2:4 : 1 Juan 1:6.
  6. 2:4 : 1 Juan 3:6.
  7. 2:4 : 1 Juan 4:20.
  8. 2:4 : Juan 8:44; 1 Juan 1:8.
  9. 2:5 : 1 Juan 4:12, 17.
  10. 2:5 : 1 Juan 4:13.
  11. 2:6 : Juan 15:4, 5, 7.
  12. 2:7 : 2 Juan 5.
  13. 2:7 : 1 Juan 3:11.
  14. 2:8 : Juan 13:34.
  15. 2:8 : 1 Tes. 5:5, 8.
  16. 2:8 : Juan 1:9.
  17. 2:10 : 1 Juan 3:14.
  18. 2:10 : 2 Ped. 1:10.
  19. 2:12 : Gawa 13:38; 1 Juan 1:7.
  20. 2:13 : 1 Juan 1:1.
  21. 2:13 : 1 Juan 5:18.
  22. 2:15 : Rom. 12:2.
  23. 2:15 : Mat. 6:24; Sant. 4:4.
  24. 2:16 : Sant. 4:16.
  25. 2:17 : 1 Cor. 7:31.
  26. 2:18 : 2 Tim. 3:1.
  27. 2:18 : Mat. 24:5, 24; 2 Tes. 2:3, 4; 1 Juan 4:3; 2 Juan 7.
  28. 2:19 : Gawa 20:30.
  29. 2:19 : Juan 17:12; 18:9.
  30. 2:19 : 1 Cor. 11:10.
  31. 2:20 : 2 Cor. 1:21.
  32. 2:20 : tal. 27; Juan 14:26.
  33. 2:21 : 2 Ped. 1:12.
  34. 2:22 : 1 Juan 4:3; 2 Juan 7.
  35. 2:23 : Juan 5:23; 15:13.
  36. 2:23 : 1 Juan 5:12.
  37. 2:24 : 1 Juan 4:12, 13, 15, 16.
  38. 2:25 : Juan 17:2, 3; 1 Juan 5:11.
  39. 2:27 : tal. 20.
  40. 2:27 : Juan 14:17.
  41. 2:28 : Col. 3:4; 1 Juan 3:2.
  42. 2:28 : 1 Juan 4:17.
  43. 2:29 : 1 Juan 3:7, 10; 3 Juan 11.
Next
1 Juan 1
1 Juan 3
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway