Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
2 Samuel 10

Ginapi ni David ang Ammon at ang Siria(A)

10 At nangyari pagkatapos nito, ang hari ng mga Ammonita ay namatay, at si Hanun na kanyang anak ay nagharing kapalit niya.

Sinabi ni David, “Pagpapakitaan ko ng kagandahang-loob si Hanun na anak ni Nahas, gaya ng pagpapakita sa akin ng kagandahang-loob ng kanyang ama.” Kaya't nagsugo si David sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod upang aliwin siya tungkol sa kanyang ama. At dumating ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga anak ni Ammon.

Ngunit sinabi ng mga pinuno ng mga anak ni Ammon kay Hanun na kanilang panginoon, “Inaakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama, kaya't siya'y nagsugo ng mga tagaaliw? Hindi kaya nagsugo si David sa iyo ng kanyang mga lingkod upang siyasatin ang bayan, at upang tiktikan, at upang ito ay magapi?”

Kaya't dinakip ni Hanun ang mga lingkod ni David, at inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna, sa kanilang pigi, at sila'y pinaalis.

Nang ito ay ibalita kay David, siya'y nagsugo upang salubungin sila, sapagkat ang mga lalaki ay lubhang napahiya. Sinabi ng hari, “Manatili kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas, pagkatapos ay bumalik na kayo.”

Nang makita ng mga Ammonita na sila'y naging kasuklamsuklam kay David, ang mga Ammonita ay nagsugo at inupahan ang mga taga-Siria sa Bet-rehob, at ang mga taga-Siria sa Soba, dalawampung libong kawal na lakad, at ang hari sa Maaca na may isanlibong tauhan at ang mga lalaking taga-Tob na labindalawang libong lalaki.

Nang ito ay mabalitaan ni David, kanyang sinugo si Joab at ang lahat ng hukbo ng mga makapangyarihang lalaki.

Ang mga Ammonita ay nagsilabas at humanay sa labanan sa pasukan sa pintuang-bayan; at ang mga taga-Siria ng Soba, ng Rehob, at ang mga lalaking taga-Tob at mga taga-Maaca ay nasa parang.

Nang makita ni Joab na ang labanan ay nakatutok sa kanya sa harapan at likuran, pumili siya ng ilan sa mga hirang na lalaki sa Israel at inihanay sila laban sa mga taga-Siria.

10 Ang nalabi sa kanyang mga tauhan ay inilagay niya sa pamamahala ni Abisai na kanyang kapatid, at kanyang inihanay sila laban sa mga Ammonita.

11 Kanyang sinabi, “Kung ang mga taga-Siria ay napakalakas para sa akin, ay tulungan mo nga ako; ngunit kung ang mga Ammonita ay maging napakalakas para sa iyo, darating naman ako at tutulungan kita.

12 Magpakatapang ka, at tayo'y magpakalalaki para sa ating bayan, at para sa mga lunsod ng ating Diyos; at gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti.”

13 Kaya't lumapit si Joab at ang mga taong kasama niya sa pakikipaglaban sa mga taga-Siria; at sila'y nagsitakas sa harap niya.

14 Nang makita ng mga Ammonita na ang mga taga-Siria ay nagsitakas, sila man ay nagsitakas din sa harap ni Abisai, at nagsipasok sa lunsod. Kaya't bumalik si Joab mula sa paglaban sa mga Ammonita at dumating sa Jerusalem.

15 Subalit nang makita ng mga taga-Siria na sila'y nagapi ng Israel, sila'y nagtipun-tipon.

16 Nagsugo si Hadadezer at dinala ang mga taga-Siria na nasa kabila ng Ilog Eufrates; at sila'y dumating sa Helam na kasama ni Shobac na puno ng hukbo ni Hadadezer sa kanilang unahan.

17 Nang ito'y ibalita kay David kanyang tinipon ang buong Israel at tumawid sa Jordan, at dumating sa Helam. At ang mga taga-Siria ay humanay laban kay David, at lumaban sa kanya.

18 Ang mga taga-Siria ay tumakas sa harap ng Israel; at pumatay si David sa mga taga-Siria ng mga kalalakihan ng pitong daang karwahe, at apatnapung libong mangangabayo, at sinugatan si Shobac na pinuno ng kanilang hukbo, kaya't siya'y namatay doon.

19 Nang makita ng lahat ng hari na mga lingkod ni Hadadezer na sila'y nagapi ng Israel, sila'y nakipagpayapaan sa Israel at napasakop sa kanila. Kaya't natakot ang mga taga-Siria na tumulong pa sa mga Ammonita.

2 Corinto 3

Mga Lingkod ng Bagong Tipan

Magsisimula ba kaming muli na purihin ang aming sarili? O kailangan ba namin, gaya ng iba, ng mga sulat ng papuri sa inyo, o mula sa inyo?

Kayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao:

ipinapakita(A) ninyo na kayo'y sulat ni Cristo na iniingatan namin, isinulat hindi ng tinta, kundi ng Espiritu ng Diyos na buháy, hindi sa mga tapyas ng bato kundi sa mga tapyas ng puso ng tao.

Gayon ang pagtitiwalang taglay namin sa pamamagitan ni Cristo tungo sa Diyos.

Hindi sa kami ay may kakayahan mula sa aming sarili upang angkinin ang anuman na nagmula sa amin, kundi ang aming kakayahan ay mula sa Diyos;

na(B) ginawa kaming may kakayahan na maging mga lingkod ng bagong tipan, hindi ng titik, kundi ng Espiritu, sapagkat ang titik ay pumapatay, subalit ang Espiritu ay nagbibigay buhay.

Ngunit(C) kung ang pangangasiwa[a] ng kamatayan na nasusulat at nakaukit sa mga bato ay may kaluwalhatian, anupa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kanyang mukha, na ang kaluwalhatiang iyon ay lumilipas,

paanong ang pangangasiwa[b] ng Espiritu ay hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian?

Sapagkat kung ang pangangasiwa[c] ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ang pangangasiwa ng katuwiran ay lalong may higit na kaluwalhatian.

10 Tunay na sa ganitong kalagayan, ang dating may kaluwalhatian ay nawalan ng kanyang kaluwalhatian, dahil sa kaluwalhatiang nakahihigit dito.

11 Sapagkat kung ang bagay na lumilipas ay may kaluwalhatian, ang nananatili ay may higit pang kaluwalhatian.

12 Yamang kami ay mayroong gayong pag-asa, kami ay kumikilos na may malaking katapangan,

13 hindi(D) gaya ni Moises, na naglagay ng talukbong sa kanyang mukha upang hindi makita ng mga anak ni Israel ang katapusan ng bagay na lumilipas.

14 Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pamamagitan ni Cristo ito inaalis.

15 Subalit hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa ang kautusan ni Moises,[d] may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

16 Ngunit(E) kapag ang isang tao ay bumabaling sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis.

17 Ngayon, ang Panginoon ay siyang Espiritu, at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, mayroong kalayaan.

18 At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Ezekiel 17

Ang Talinghaga ng Agila at ng Baging

17 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

“Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinghaga sa sambahayan ni Israel;

at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Isang malaking agila na may malalaki at mahahabang pakpak na punô ng mga balahibo, na may sari-saring kulay ang dumating sa Lebanon, at kinuha ang dulo ng sedro.

Kanyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyon, at dinala sa isang lupaing kalakalan; inilagay niya sa isang lunsod ng mga mangangalakal.

Pagkatapos ay kinuha niya ang binhi ng lupain, at itinanim sa isang matabang lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kanyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce.

Ito ay tumubo at naging mayabong na puno ng baging na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyo'y nanatili sa kinaroroonan niya; at ito'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagkadahon.

Ngunit may iba pang malaking agila na may malaking pakpak at maraming balahibo, at ipinihit ng puno ng baging na ito ang mga ugat nito sa kanya, at isinupling ang kanyang mga sanga sa dako niya upang kanyang diligin ito. Mula sa pitak na kanyang kinatataniman

inilipat niya ito sa isang mabuting lupa sa tabi ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging.

Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Lalago ba iyon? Hindi ba niya bubunutin ang mga ugat niyon, at puputulin ang mga sanga niyon, upang ang lahat ng sariwang umuusbong na mga dahon niyon ay matuyo? Hindi kailangan ang malakas na bisig o maraming tao na ito'y mabubunot sa mga ugat.

10 Narito, nang ito'y ilipat ng taniman, lalago ba ito? Hindi ba ganap na matutuyo kapag nahipan siya ng hanging silangan—at matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya?”

Ang Kahulugan ng Talinghaga

11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

12 “Sabihin(A) mo ngayon sa mapaghimagsik na sambahayan: Hindi ba ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? Sabihin mo sa kanila: Narito, ang hari ng Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang kanyang hari at mga pinuno at kanyang dinala sila sa Babilonia.

13 Siya'y kumuha ng isang anak ng hari at nakipagtipan siya sa kanya, at kanyang isinailalim siya sa panunumpa. (Dinala niya ang mga pinuno ng lupain,

14 upang ang kaharian ay mapangumbaba at hindi makapagmataas, at sa pag-iingat ng kanyang tipan ay makatayo ito.)

15 Ngunit siya'y naghimagsik laban sa kanya sa pagpapadala ng kanyang mga sugo sa Ehipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at malaking hukbo. Magtatagumpay ba siya? Makakatakas ba ang taong gumagawa ng gayong mga bagay? Masisira ba niya ang tipan at makakatakas pa?

16 Habang buháy ako, sabi ng Panginoong Diyos, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari kung saan siya ginawang hari, na ang sumpa ay hinamak niya at sinira niya ang pakikipagtipan sa kanya, siya nga'y mamamatay sa Babilonia.

17 Hindi siya tutulungan sa pakikidigma ni Faraon at ng kanyang makapangyarihang hukbo, kapag itinindig ang mga bunton at itinayo ang mga pader na panlusob, upang pumatay ng maraming tao.

18 Sapagkat kanyang hinamak ang sumpa at sinira ang tipan, narito, sapagkat ibinigay niya ang kanyang kamay, at gayunma'y ginawa ang lahat ng bagay na ito, siya'y hindi makakatakas.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Habang buháy ako, walang pagsalang ang aking panunumpa na kanyang hinamak, at ang aking tipan na kanyang sinira ay aking sisingilin sa kanyang ulo.

20 Aking ikakalat ang aking bitag sa kanya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; dadalhin ko siya sa Babilonia at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kataksilan na kanyang ginawa laban sa akin.

21 At ang lahat ng mga piling lalaki[a] mula sa kanyang pangkat ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawat dako; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita.”

22 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: “Ako mismo ay kukuha ng suwi mula sa dulo ng mataas na sedro at aking itatanim. Sa pinakamataas ng kanyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling, at aking itatanim sa isang mataas at matayog na bundok.

23 Sa kaitaasan ng bundok ng Israel ay aking itatanim iyon, upang ito'y magsanga at magbunga, at maging mainam na sedro, at sa lilim niyon ay tatahan ang lahat ng uri ng hayop, at sa lilim ng mga sanga niyon ay magpupugad ang lahat ng uri ng ibon.

24 At malalaman ng lahat ng punungkahoy sa parang na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punungkahoy, nagtaas sa mababang punungkahoy, tumuyo sa sariwang punungkahoy, at nagpanariwa sa tuyong punungkahoy: Akong Panginoon ang nagsalita at gagawa niyon.”

Mga Awit 60-61

Sa(A) Punong Mang-aawit: ayon sa Shushan Eduth. Miktam ni David; para sa pagtuturo; nang siya ay makipaglaban kay Aramharain at Aram-zobah, at nang patayin ni Joab sa kanyang pagbabalik ang 12,000 Edomita sa Libis ng Asin.

60 O Diyos, kami ay iyong tinalikuran, winasak mo kami.
    Ikaw ay nagalit; O ibalik mo kami.
Iyong niyanig ang lupain, iyong ibinuka;
    kumpunihin mo ang mga sira niyon, sapagkat ito'y umuuga.
Pinaranas mo ng mahihirap na mga bagay ang iyong bayan;
    binigyan mo kami ng alak na inumin na nagpasuray sa amin.

Naglagay ka ng watawat para sa mga natatakot sa iyo,
    upang ito'y mailantad dahil sa katotohanan. (Selah)

Upang ang iyong minamahal ay mailigtas,
    bigyan ng tagumpay sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo kami.

Nagsalita ang Diyos sa kanyang santuwaryo,
    “Ako'y magsasaya, aking hahatiin ang Shekem,
    at aking susukatin ang Libis ng Sucot.
Ang Gilead ay akin, ang Manases ay akin;
    ang Efraim din ay helmet ng ulo ko,
    ang Juda ay aking setro.
Ang Moab ay aking hugasan;
    sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas;
    Filistia, dahil sa akin, sumigaw ka ng malakas.”
Sinong magdadala sa akin sa lunsod na may kuta?
    Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 Hindi mo ba kami tinalikuran, O Diyos?
    At hindi ka ba hahayo, O Diyos, na kasama ng aming mga hukbo?
11 O pagkalooban mo kami ng tulong laban sa kaaway,
    sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao!
12 Kasama ng Diyos ay gagawa kaming may katapangan;
    sapagkat siya ang tatapak sa aming mga kaaway.

Sa Punong Mang-aawit: sa instrumentong may kuwerdas. Awit ni David.

61 Pakinggan mo, O Diyos, ang aking daing,
    dinggin mo ang aking dalangin.
Mula sa dulo ng lupa ay tumatawag ako sa iyo,
    kapag nanlulupaypay ang aking puso.

Ihatid mo ako sa bato
    na higit na mataas kaysa akin;
sapagkat ikaw ay aking kanlungan,
    isang matibay na muog laban sa kaaway.

Patirahin mo ako sa iyong tolda magpakailanman!
    Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak! (Selah)
Sapagkat ang aking mga panata, O Diyos, ay iyong pinakinggan,
    ibinigay mo sa akin ang pamana ng mga may takot sa iyong pangalan.

Pahabain mo ang buhay ng hari;
    tumagal nawa ang kanyang mga taon hanggang sa lahat ng mga salinlahi!
Siya nawa'y maluklok sa trono sa harapan ng Diyos magpakailanman;
    italaga mong bantayan siya ng wagas na pag-ibig at katapatan!

Sa gayon ako'y aawit ng mga papuri sa iyong pangalan magpakailanman,
    habang tinutupad ko ang aking mga panata araw-araw.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001