M’Cheyne Bible Reading Plan
Batas tungkol sa mga Nazareo.
6 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:
3 (B)Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas.
4 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.
5 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang (C)pangahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang (D)buhok ng kaniyang ulo.
6 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga sa Panginoon, ay (E)huwag siyang lalapit sa patay na katawan.
7 (F)Siya'y huwag magpapakarumi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, o sa kaniyang kapatid na lalake, o babae, pagka sila'y namatay: sapagka't ang pagtalaga niya sa Dios, ay sumasa kaniyang ulo.
8 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga, ay banal siya sa Panginoon.
9 At kung ang sinoman ay biglang mamatay sa kaniyang siping, at mahawa ang ulo ng kaniyang pagkatalaga: ay (G)aahitan nga niya ang kaniyang ulo sa araw ng kaniyang paglilinis, sa ikapitong araw ay aahitan niya ito.
10 (H)At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato o dalawang inakay ng kalapati sa saserdote, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
11 At ihahandog ng saserdote ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin at itutubos sa kaniya, sapagka't siya'y nagkasala dahil sa patay, at babanalin ang kaniyang ulo sa araw ding yaon.
12 At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga, at siya'y magdadala ng isang korderong lalake ng unang taon na pinakahandog (I)dahil sa pagkakasala: datapuwa't ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagka't ang kaniyang pagkatalaga ay nadumhan.
13 At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo, pagka natupad na ang mga (J)araw ng kaniyang pagkatalaga: siya'y dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;
14 At kaniyang ihahandog ang kaniyang alay sa Panginoon, na isang korderong lalake ng unang taon na (K)walang kapintasan, na (L)pinakahandog na susunugin, at isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na walang kapintasan na pinakahandog tungkol sa kapayapaan,
15 At isang bakol na tinapay na walang lebadura, mga (M)munting tinapay ng mainam na harina na (N)hinaluan ng langis at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang handog na harina niyaon at ang mga (O)handog na inumin niyaon.
16 At ihaharap ng saserdote yaon sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kaniyang handog dahil sa kasalanan at ang kaniyang (P)handog na susunugin:
17 At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinakahain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga (Q)tinapay na walang lebadura: ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon.
18 (R)At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan.
19 At kukunin ng saserdote ang lutong (S)balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang lebadura sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang lebadura, at (T)ilalagay sa mga kamay ng Nazareo, pagkatapos na makapagahit ng ulo ng kaniyang pagkatalaga:
20 At (U)aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harapan ng Panginoon; (V)ito'y banal sa saserdote, pati ng dibdib na inalog at ng hitang itinaas; at pagkatapos nito'y ang Nazareo ay makaiinom ng alak.
21 Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo na nagpanata, at tungkol sa kaniyang alay sa Panginoon dahil sa kaniyang pagtalaga, bukod pa sa aabutin ng kaniyang mga kaya: ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata, ay gayon niya dapat gagawin, ayon sa kautusan tungkol sa kaniyang pagkatalaga.
Basbas ng saserdote sa mga anak ni Israel.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, (W)Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:
24 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan (X)ka:
25 (Y)Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, (Z)at mahabag sa iyo:
26 Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.
27 (AA)Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel; at aking pagpapalain sila.
Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
2 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
3 (E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
4 (F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
5 (G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
6 (I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
8 (L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (O)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (P)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (Q)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (R)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (S)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (T)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (U)mangagsabi nawang palagi,
(V)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (W)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (X)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.
Ang mangaawit ay may sakit. May mga kaaway at bulaang kaibigan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
41 (Y)Mapalad siya na (Z)nagpapakundangan sa dukha:
(AA)Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
2 Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon,
At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa;
(AB)At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
3 Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina:
Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
4 Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin:
(AC)Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
5 Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi,
Kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
6 At kung siya'y pumaritong tingnang ako (AD)siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan;
Ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili;
Pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
7 Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin:
Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
8 Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya;
At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
9 (AE)Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan,
Na kumain ng aking tinapay,
Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako,
Upang aking magantihan sila.
11 Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin,
Sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12 At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako (AF)sa aking pagtatapat,
At (AG)inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 (AH)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan.
(AI)Siya nawa, at Siya nawa.
Papuri sa kasintahang babae sa handaan.
4 Narito, ikaw ay (A)maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong (B)lambong:
Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng (C)Galaad.
2 Ang iyong mga ngipin ay (D)gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo,
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
3 Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
(E)Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng (F)granada.
Sa likod ng iyong lambong.
4 Ang iyong leeg ay (G)gaya ng moog ni David
Na itinayo na pinaka sakbatan,
Na kinabibitinan ng (H)libong kalasag,
Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.
5 (I)Ang iyong dalawang suso ay (J)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal ng isang inahin,
Na (K)nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.
6 Hanggang sa ang araw ay (L)lumamig at ang mga lilim ay tumakas,
Ako'y paroroon sa bundok ng (M)mira,
At sa burol ng kamangyan.
Sagot ng kasintahang babae at lalake.
7 Ikaw ay totoong maganda, sinta ko;
(N)At walang kapintasan sa iyo.
8 Sumama ka sa akin mula sa (O)Libano, kasintahan ko,
Na kasama ko mula sa Libano:
Tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana,
Mula sa taluktok ng Senir at (P)ng Hermon,
Mula sa mga yungib ng mga leon,
Mula sa mga bundok ng mga (Q)leopardo.
9 Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko,
Iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata,
Ng isang kuwintas ng iyong leeg.
10 Pagkaganda ng iyong pagsinta, (R)kapatid ko, kasintahan ko!
(S)Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak!
At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sarisaring pabango!
11 Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo (T)na gaya ng pulot-pukyutan:
(U)Pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila;
At ang amoy ng iyong mga suot ay (V)gaya ng amoy ng Libano.
12 Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko;
Bukal na nababakuran, balon na natatakpan.
13 Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga (W)granada, na may mahalagang mga bunga;
Albena sangpu ng mga pananim na (X)nardo,
14 Nardo at azafran,
(Y)Calamo at kanela, sangpu ng lahat na punong kahoy na (Z)kamangyan;
Mira at mga eloe, sangpu ng lahat na pinakamainam na especia.
15 Ikaw ay bukal ng mga halamanan,
(AA)Balon ng mga buhay na tubig,
At mga balong na tubig na mula sa Libano.
16 Gumising ka, Oh hilagaang hangin; at parito ka, ikaw na timugan;
Humihip ka sa aking halamanan, upang ang mga bango niya'y sumalimuoy.
(AB)Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan,
At kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga.
4 Mangatakot (A)nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.
2 Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: (B)nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.
3 Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya,
(C)Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan:
bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
4 Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, (D)At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;
5 At sa dakong ito ay muling sinabi,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
6 Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, (E)at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway,
7 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit (F)ni David (ayon sa sinabi na ng una),
Ngayon (G)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.
8 Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni (H)Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw.
9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
10 Sapagka't (I)ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.
11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang (J)sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.
12 Sapagka't (K)ang salita ng Dios ay (L)buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay (M)ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at (N)madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.
14 Yaman ngang tayo'y mayroong (O)isang lubhang dakilang saserdote, (P)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (Q)ingatan nating matibay ang ating (R)pagkakilala.
15 Sapagka't tayo'y (S)walang isang dakilang saserdote (T)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (U)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (V)gayon ma'y walang kasalanan.
16 (W)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978