M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang batas tungkol sa handog ng pagkakamali.
5 At kung ang sinoman ay magkasala, (A)sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos, sa paraang siya'y saksi maging kaniyang nakita o nalaman, kung hindi niya ihayag, ay (B)siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya.
2 (C)O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal, maging bangkay ng ganid na karumaldumal, o ng bangkay na hayop na karumaldumal, o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal, at nalihim sa kaniya, at siya'y maging karumaldumal, ay magiging makasalanan nga siya:
3 O (D)kung siya'y nakahipo ng karumaldumal ng tao, maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya, at nalihim sa kaniya; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya:
4 O kung ang sinoma'y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na (E)gumawa ng masama o (F)gumawa ng mabuti, maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa, at sa kaniya'y nalihim; pagka nalaman niya yaon, ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito:
5 At mangyayari, na pagka siya'y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, (G)ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala:
6 At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala, dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya, ay isang babae na kinuha sa kawan, isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan.
7 (H)At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinaka handog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, (I)ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinaka handog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinaka handog na susunugin.
8 At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinaka handog dahil sa kasalanan, ay ang una (J)at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla:
9 At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; (K)at ang labis sa dugo ay pipigain (L)sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan.
10 At ihahandog niya ang ikalawa na pinaka handog na susunugin (M)ayon sa alituntunin: (N)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin.
11 Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; (O)hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan.
12 At dadalhin niya sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon, (P)na susunugin sa dambana; (Q)na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: handog nga dahil sa kasalanan.
13 At itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan sa alinman sa mga bagay na ito, at siya'y patatawarin: (R)at ang labis ay mapapasa saserdote, gaya ng handog na harina.
14 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
15 (S)Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; (T)ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong[b] pilak, ayon (U)sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:
16 At isasauli niya (V)yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: (W)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.
17 At kung ang sinoman ay magkasala, at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin; (X)bagama't hindi niya nalalaman, (Y)makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan.
18 At siya'y magdadala sa saserdote ng isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan ayon sa iyong pagkahalaga na pinakahandog dahil sa pagkakasala; (Z)at itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa bagay na pinagkamalian niya ng di sinasadya, at hindi niya nalalaman, at siya'y patatawarin.
19 Yaon nga'y handog dahil sa pagkakasala: tunay ngang siya'y makasalanan sa harap ng Panginoon.
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (A)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (B)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(C)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (D)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (E)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (F)niya ako mula sa (G)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (H)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (I)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (J)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (K)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (L)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(M)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (N)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(O)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (P)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (Q)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
20 Ang (A)alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo;
At sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.
2 Ang kakilabutan ng hari ay (B)parang ungal ng leon:
Ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay.
3 (C)Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit:
Nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.
4 (D)Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw;
Kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, (E)at wala anoman.
5 Payo sa puso ng tao ay (F)parang malalim na tubig;
Nguni't iibigin ng taong naguunawa.
6 Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob:
Nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat?
7 Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat,
Mapapalad ang (G)kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.
8 (H)Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan
Pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan.
9 (I)Sinong makapagsasabi, Nilinis ko ang aking puso,
Ako'y dalisay sa aking kasalanan?
10 Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan,
Kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon.
11 Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa,
Kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid.
12 Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata,
Kapuwa ginawa ng Panginoon.
13 Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha;
Idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay.
14 Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili:
Nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga.
15 May ginto, at saganang mga rubi:
Nguni't (J)ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
16 (K)Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala;
At tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala.
17 Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao:
Nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.
18 (L)Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo:
At sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay (M)makikipagdigma ka.
19 (N)Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
20 Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina,
Ang kaniyang ilawan ay (O)papatayin sa salimuot na kadiliman.
21 (P)Ang mana ay matatamong madali sa pasimula;
(Q)Nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain.
22 Huwag mong sabihin, (R)Ako'y gaganti ng kasamaan:
(S)Maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.
23 Mga iba't ibang panimbang ay (T)karumaldumal sa Panginoon;
At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.
24 Ang mga lakad ng tao ay (U)sa Panginoon;
Paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?
25 Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, Banal nga,
At magsiyasat pagkatapos ng mga panata.
26 (V)Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama.
At dinadala (W)sa kanila ang gulong na panggiik.
27 Ang diwa ng tao ay (X)ilawan ng Panginoon,
Na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
28 (Y)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari:
At ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan:
At ang kagandahan ng matanda ay (Z)ang ulong may uban.
30 Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan:
At ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
3 Kung kayo nga'y (A)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't (B)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
4 Pagka si Cristo na (C)ating buhay ay mahayag, (D)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (E)sa kaluwalhatian.
5 (F)Patayin nga ninyo ang (G)inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, (H)pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, (I)na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (J)ang kagalitan ng Dios sa (K)mga anak ng pagsuway:
7 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8 Datapuwa't ngayon ay (L)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (M)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (N)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; (O)yamang hinubad na ninyo (P)ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon (Q)sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:
11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng (R)Griego at ng Judio, ng (S)pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si (T)Cristo ang lahat, at sa lahat.
12 Mangagbihis nga kayo (U)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (V)ng isang pusong mahabagin, ng (W)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (X)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (Y)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (Z)na diya'y tinawag din naman kayo (AA)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (AB)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
17 At anomang inyong ginagawa, (AC)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
18 Mga babae, (AD)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga lalake, (AE)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, (AF)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, (AG)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 (AH)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:
23 Anomang inyong ginagawa, (AI)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (AJ)tatanggapin ninyo ang ganting (AK)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (AL)at walang itinatanging mga tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978