M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pagsubok sa ketong.
13 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman, ng pamamaga, o langib, o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman, (A)ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote, o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote:
3 At titingnan ng saserdote ang tila salot na nasa balat ng kaniyang laman: at kung ang balahibo sa tila salot ay pumuti, at makitang ang sugat ay malalim kay sa balat ng kaniyang laman, ay salot na ketong nga: at siya'y mamasdan ng saserdote at ipakikilala siyang karumaldumal.
4 At kung ang pantal na makintab ay maputi sa balat ng kaniyang laman, at makitang hindi malalim kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay hindi pumuti, ay kukulungin ng saserdote ang may tila salot na pitong araw.
5 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay tumigil, at hindi kumalat ang tila salot sa balat, ay kukulungin uli siya ng saserdote na pitong araw:
6 At titingnan siya uli ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay namutla, at ang tila salot ay hindi kumalat sa balat, ay ipakikilalang malinis siya ng saserdote: langib yaon; (B)at kaniyang lalabhan ang kaniyang suot, at magiging malinis.
7 Datapuwa't kung ang langib ay kumakalat sa balat, pagkatapos na siya'y makapakita sa saserdote upang siya'y linisin, ay pakikita siya uli sa saserdote:
8 At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung ang langib ay kumakalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: ketong nga yaon.
9 Pagka nagkaroon ng tila salot na ketong ang sinomang tao, ay dadalhin siya sa saserdote;
10 (C)At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo, at may matigas na lamang buhay sa pamamaga,
11 Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman, at ipakikilala ng saserdote na siya'y karumaldumal; (D)hindi siya kukulungin; sapagka't siya'y karumaldumal.
12 At kung kumalat ang ketong sa balat, at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot, mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng saserdote;
13 At titingnan nga siya ng saserdote; at, narito, kung makitang ang ketong ay kumalat sa buong laman niya, ay ipakikilalang malinis ang may tila salot: pumuting lahat: siya'y malinis.
14 Datapuwa't sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buháy, ay magiging karumaldumal siya.
15 At titingnan ng saserdote ang lamang buháy, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buháy ay karumaldumal: ketong nga.
16 O kung magbago uli ang lamang buháy at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote;
17 At titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot: siya'y malinis.
18 At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang (E)bukol at gumaling,
19 At humalili sa bukol ay isang pamamaga na maputi, o isang pantal na makintab, na namumulang puti, ay ipakikita sa saserdote;
20 At titingnan ng saserdote; at, narito, kung makitang tila impis kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay tila pumuti, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong yaon; lumitaw sa bukol.
21 Datapuwa't kung pagtingin ng saserdote, ay makitang walang balahibong puti yaon, o hindi impis man kay sa balat, kungdi namutla, ay kukulungin ng saserdote siya na pitong araw.
22 At kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot nga yaon.
23 Nguni't kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan, at hindi kumalat, ay piklat nga ng bukol; at ipakikilala ng saserdote na malinis siya.
24 O pagka nagkaroon sa balat ng laman, ng paso ng apoy, at ang lamang paso ay naging tila pantal na makintab, na namumulang puti, o maputi;
25 At titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang buhok ay pumuti sa pantal na makintab, at tila mandin malalim kaysa balat; ay ketong nga na lumitaw sa paso: at ipakikilala ng saserdote na karumaldumal; salot na ketong nga yaon.
26 Nguni't kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang sa pantal na makintab ay walang balahibong maputi, at hindi impis kaysa balat, kungdi namutla; ay kukulungin nga siya ng saserdote na pitong araw.
27 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong nga yaon.
28 At kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan at hindi kumalat sa balat, kungdi pumutla, ay pamamaga ng paso yaon, at ipakikilala ng saserdote na malinis: sapagka't piklat ng paso yaon.
29 At kung ang sinomang lalake o babae ay mayroong tila salot sa ulo o sa baba,
30 Ay titingnan nga ng saserdote ang tila salot: at, narito, kung makitang tila malalim kaysa balat, at yao'y may buhok na naninilaw na manipis, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: tina nga, ketong nga yaon sa ulo o sa baba.
31 At kung makita ng saserdote ang tila salot na tina, at, narito, tila hindi malalim kaysa balat, at walang buhok na maitim yaon, ay kukulungin ng saserdote na pitong araw ang may tila salot na tina;
32 At sa ikapitong araw ay titingnan ng saserdote ang tila salot; at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang tina, at walang buhok na naninilaw, at tila ang tina ay hindi malalim kaysa balat,
33 Ay aahitan nga, datapuwa't hindi aahitan ang kinaroroonan ng tina; at ipakukulong ng saserdote ang may tina ng muling pitong araw:
34 At titingnan ng saserdote ang tina sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang hindi kumalat ang tina sa balat, at tila hindi malalim kaysa balat; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis at siya'y maglalaba ng kaniyang suot at magiging malinis.
35 Nguni't kung ang tina ay kumalat sa balat, pagkatapos ng kaniyang paglilinis;
36 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang kumalat sa balat ang tina ay hindi hahanapin ng saserdote ang buhok na maninilaw; siya'y karumaldumal.
37 Datapuwa't kung sa kaniyang paningin ay tumigil ang tina at may tumubong buhok na itim; ay gumaling ang tina, siya'y malinis: at ipakikilalang malinis siya ng saserdote.
38 At pagka ang isang lalake o babae ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman ng nangingintab na pantal, ng makikintab na pantal na puti;
39 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang nangingintab na pantal sa balat ng kaniyang laman ay namumutimuti; yao'y buni na sumibol sa balat; siya'y malinis.
40 At kung ang sinoman ay malugunan ng buhok, ay kalbo gayon ma'y malinis.
41 At kung sa dakong harapan ng ulo nalugunan ng buhok, ay kalbo yaon sa noo gayon ma'y malinis.
42 Datapuwa't kung sa kakalbuhan, sa ulo o sa noo ay magkaroon ng tila salot ng namumulang maputi; ay ketong na sumibol sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo.
43 Kung magkagayo'y titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo, gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman;
44 Ay ketongin siya, siya'y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal; nasa kaniyang ulo ang salot niya.
45 At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y (F)magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. (G)Karumaldumal, karumaldumal.
46 Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; (H)sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan.
47 Ang suot na kinaroroonan ng ketong, maging kasuutang balahibo ng tupa o kasuutang lino;
48 Maging nasa paayon o maging nasa pahalang; ng lino o ng balahibo ng tupa; maging sa balat o sa alin mang yaring balat;
49 Kung ang tila salot ay (I)namemerde o namumula sa kasuutan, o sa balat, maging sa paayon, o maging sa pahalang, o sa alin mang kasangkapang balat; ay salot na ketong nga at ipakikita sa saserdote,
50 At titingnan ng saserdote ang tila salot, at ipatatago ng pitong araw ang bagay na may tila salot:
51 At titingnan ang bagay na may tila salot, sa ikapitong araw: kung kumalat ang tila salot sa kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa balat, o alin mang ginagawa sa balat, (J)ay ketong na ngumangatngat ang gayon tila salot; yao'y karumaldumal.
52 At kaniyang susunugin ang kasuutan, maging paayon, at maging pahalang ng balahibo ng tupa o lino o sa alin mang kasangkapang balat na kinaroroonan ng salot; sapagka't yao'y ketong na ngumangatngat, yao'y susunugin sa apoy.
53 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang salot sa kasuutan, maging sa paayon man, o sa pahalang man, o sa alin mang kasangkapang balat;
54 Ay palalabhan nga ng saserdote yaong kinaroroonan ng salot, at ipatatago pa ng pitong araw:
55 At titingnan ng saserdote ang bagay na may salot, pagkatapos na malabhan: at, narito, kung makitang ang salot ay hindi nagbago ang kulay, at hindi kumalat ang salot, yao'y karumaldumal; susunugin mo sa apoy: isang ngatngat nga, maging ang nanisnis ay nasa karayagan o nasa kabaligtaran.
56 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang namutla ang dakong may salot pagkatapos na malabhan, ay hahapakin sa kasuutan, o sa balat, o sa paayon, o sa pahalang:
57 At kung muling lumitaw sa kasuutang yaon, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, ay muling sumisibol: susunugin mo sa apoy yaong kinaroroonan ng salot.
58 At ang kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, na iyong labhan, at maalis ang salot, ay lalabhan ngang ikalawa, at magiging malinis.
59 Ito ang kautusan tungkol sa salot na ketong sa kasuutang balahibo ng tupa o lino, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, upang ipakilalang malinis, o upang ipakilalang karumaldumal.
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (H)sa aking mga labi.
5 (I)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (J)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(K)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (L)aking puso.
8 (M)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (N)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (O)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (P)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (Q)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (R)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (S)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (T)kasayahan magpakailan man.
Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.
27 Huwag (A)mong ipaghambog ang kinabukasan;
Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2 (B)Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig;
Ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3 Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang;
Nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4 Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw,
Nguni't (C)sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5 (D)Maigi ang saway na hayag
Kay sa pagibig na nakukubli.
6 (E)Tapat ang mga sugat ng kaibigan:
Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
7 Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan:
Nguni't sa gutom na (F)tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
8 Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad,
Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
9 Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso:
Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
10 Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay (G)huwag mong pabayaan;
At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan:
Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
11 Anak ko, (H)ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso,
Upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
12 (I)Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli:
(J)Nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
13 (K)Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala;
At tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
14 Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan,
Mabibilang na sumpa sa kaniya.
15 (L)Ang laging tulo sa araw na maulan
At ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
16 Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin,
At ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
17 Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal;
Gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
18 (M)Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon;
At ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
19 Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha,
Gayon ang puso ng tao sa tao.
20 (N)Ang Sheol at ang Kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man;
(O)At ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man.
21 (P)Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto,
At ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
22 (Q)Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo,
Gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
23 Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan,
At tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
24 Sapagka't ang mga kayamanan ay (R)hindi magpakailan man:
At namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
25 (S)Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw,
At ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
26 Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan,
At ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
27 At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan;
At pagkain sa iyong mga alilang babae.
1 Si (A)Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 Kami ay nararapat, mga kapatid, na (B)mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
4 Ano pa't (C)kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa (D)mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya (E)sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
5 Na isang tandang hayag (F)ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
6 Kung isang bagay na (G)matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
7 At kayong mga pinighati ay (H)bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag (I)ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 (J)Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
9 Na siyang (K)tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula (L)sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
10 Pagka paririto siya (M)upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga (N)sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
11 Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at (O)gawa ng pananampalataya;
12 Upang ang pangalan (P)ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978