Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 12:22-51

22 At kayo'y kukuha ng isang bigkis na (A)hisopo, at inyong (B)babasain sa dugo, na nasa palanggana, (C)at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto: at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan.

23 Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo.

24 At inyong ipangingilin ang bagay na ito, na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man.

25 At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo (D)ng Panginoon, gaya ng kaniyang ipinangako, ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito.

26 (E)At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak: Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito?

27 Na inyong sasabihin: Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon, na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. (F)At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.

28 At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, ay gayong ginawa nila.

Nilipol ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto.

29 (G)At nangyari sa hating gabi, na (H)nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, (I)mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.

30 At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egipcio, (J)at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay.

31 At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan (K)kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi.

32 (L)Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at pagpalain din naman ninyo ako.

33 (M)At pinapagmadali ng mga Egipcio, ang bayan, na madaliang pinaalis sila sa lupain; sapagka't kanilang sinabi, Kaming lahat ay patay na.

34 At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab, na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat.

35 At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egipcio (N)ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit:

36 At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. (O)At kanilang hinubaran ang mga Egipcio.

Ang pagalis mula sa Egipto.

37 At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa (P)Rameses hanggang sa Succoth, (Q)na may anim na raang libong lalake na naglakad, bukod pa ang mga bata.

38 At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila; at mga kawan, at mga bakahan, na napakaraming hayop.

39 At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto, sapagka't hindi pa humihilab, (R)sapagka't sila'y itinaboy sa Egipto, at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain.

40 Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, (S)ay apat na raan at tatlong pung taon.

41 At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga (T)hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto.

42 Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi.

43 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon:

44 Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, (U)pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon.

45 (V)Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon.

46 Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, (W)ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon.

47 Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel.

48 At pagka ang isang (X)taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon.

49 (Y)Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.

50 Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa.

51 (Z)At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.

Lucas 15

15 Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat (A)ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya.

At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay (B)nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.

At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi,

Aling tao sa inyo, (C)na kung mayroong isang daang tupa, (D)at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at (E)hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?

At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.

At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang nawala.

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping masikap hanggang sa ito'y masumpungan niya?

At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin.

10 Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng (F)mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

11 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake:

12 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang (G)bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay.

13 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay.

14 At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan.

15 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy.

16 At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya.

17 Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom?

18 Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin:

19 Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.

20 At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at (H)tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan.

21 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, (I)at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo.

22 Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali (J)ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:

23 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa:

24 Sapagka't patay na ang anak kong (K)ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa.

25 Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan.

26 At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon.

27 At sinabi niya sa kaniya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling.

28 Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok: at lumabas ang kaniyang ama, at siya'y namanhik sa kaniya.

29 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniyang ama, Narito, maraming taon nang kita'y pinaglilingkuran, at kailan ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos; at gayon ma'y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing, upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan:

30 Datapuwa't nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya.

31 At sinabi niya sa kaniya, Anak, (L)ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin.

32 Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.

Job 30

Idinadaing niya ang kaparusahan na kaniyang dinadanas, at ang malabis na pahirap sa kaniya ng Panginoon.

30 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin,
(A)Na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan?
Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom;
Kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy;
At ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao;
Sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis,
Sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay (B)nagsisiangal;
Sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao;
Sila'y mga itinapon mula sa lupain.
(C)At ngayon ay naging kantahin nila ako,
Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
10 Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako,
At hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
11 Sapagka't (D)kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako,
At kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
12 Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga;
Itinutulak nila ang aking mga paa,
At (E)kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
13 Kanilang sinisira ang aking landas,
Kanilang isinusulong ang aking kapahamakan,
Mga taong walang tumulong.
14 Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan:
Sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
15 Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin,
Kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin;
At ang aking kaginhawahan ay napaparam na (F)parang alapaap.
16 At (G)ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko;
Mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
17 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto,
At ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
18 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot:
Tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
19 Inihahagis niya ako sa banlik,
At ako'y naging parang alabok at mga abo.
20 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot:
Ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
21 Ikaw ay naging mabagsik sa akin:
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon;
At tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan,
At sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
24 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog?
O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
25 (H)Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan?
Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
26 (I)Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating:
At pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
27 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga;
Mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
28 (J)Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw;
Ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
29 Ako'y kapatid ng mga chakal, At mga kasama ng mga avestruz.
30 (K)Ang aking balat ay maitim, at natutuklap,
(L)At ang aking mga buto ay nagpapaltos.
31 Kaya't ang aking (M)alpa ay naging panangis,
At ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.

1 Corinto 16

16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.

Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:

At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.

Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;

Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.

Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.

Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;

Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.

10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.

12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.

13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.

14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),

16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.

17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.

18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.

20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.

21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.

22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]

23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978