M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang batas ukol sa Sabbath.
35 At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
2 (A)Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.
3 (B)Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.
Handog at mga manggagawa sa tabernakulo.
4 At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (C)Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,
5 Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;
6 At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;
7 At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
8 At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:
9 At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.
10 (D)At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;
11 (E)Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;
12 (F)Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang (G)lambong ng tabing;
13 (H)Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang (I)tinapay na handog;
14 (J)Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang (K)langis na pangilawan;
15 (L)At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, (M)at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang (N)tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;
16 (O)Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng saláng tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;
17 Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;
18 Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;
19 (P)Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
20 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.
21 (Q)At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.
22 At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng (R)mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.
23 At bawa't taong may (S)kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.
24 Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.
25 At lahat ng mga babaing (T)matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.
26 At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.
27 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;
28 (U)At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.
29 Ang mga anak ni Israel ay (V)nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
Ang manggagawa ay tinawag.
30 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, (W)Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;
31 At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;
32 At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
33 At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa.
34 At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.
35 Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa.
14 Huwag magulumihanan ang inyong puso: (A)magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, (B)ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
4 At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.
5 (C)Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, (D)hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako (E)ang daan, at (F)ang katotohanan, at (G)ang buhay: (H)sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
8 Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? (I)ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
10 Hindi ka baga nananampalataya na (J)ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y (K)hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: (L)o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
13 (M)At ang anomang inyong hingin (N)sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14 Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
15 Kung ako'y inyong iniibig, (O)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (P)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (Q)ng katotohanan: (R)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang (S)magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (T)inyong makikita ako: (U)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 (V)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22 Si (W)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (X)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26 Datapuwa't (Y)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (Z)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (AA)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 (AB)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (AC)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (AD)ako'y pasasa Ama: sapagka't (AE)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (AF)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (AG)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
11 Ang marayang (A)timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
2 Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan:
Nguni't nasa mababa ang karunungan.
3 Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila:
Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
4 Ang mga kayamanan ay (B)walang kabuluhan sa kaarawan ng poot:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
5 Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad:
Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.
6 Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila:
Nguni't (C)silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan.
7 Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak;
At ang pagasa ng masama ay nawawala.
8 (D)Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan,
At ang masama ay dumarating na kahalili niya.
9 Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa:
Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10 (E)Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak:
At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11 Nabubunyi ang bayan (F)sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid:
Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan:
Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13 (G)Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14 (H)Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak:
Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15 (I)Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara:
Nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan:
At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17 Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti (J)sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.
18 Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod:
Nguni't (K)ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19 Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay:
(L)At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.
20 Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran.
21 (M)Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan:
Nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22 Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy,
Gayon ang magandang babae na walang bait.
23 Ang nasa ng matuwid ay buti lamang:
Nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24 May (N)nagsasabog, at tumutubo pa,
At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25 (O)Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba:
(P)At siyang dumidilig ay madidilig din.
26 (Q)Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan:
Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27 Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap:
(R)Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28 (S)Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal:
(T)Nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29 Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay (U)magmamana ng hangin:
At ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.
30 Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay;
At (V)siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.
31 (W)Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa:
Gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!
4 Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,
2 Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.
4 May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;
5 Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,
6 (J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
7 Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.
8 Kaya't sinasabi niya,
(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
9 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?
10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:
13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:
14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (AB)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (AC)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (AD)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (AE)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila (AF)sa (AG)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (AH)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (AI)inyong iwan, (AJ)tungkol sa (AK)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (AL)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (AM)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis (AN)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (AO)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (AP)mga sangkap na isa't isa sa atin.
26 Kayo'y mangagalit (AQ)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
27 Ni bigyan daan man ang diablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (AR)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (AS)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
29 (AT)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (AU)biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 At (AV)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (AW)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (AX)pagkatubos.
31 Ang lahat ng kapaitan, (AY)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At (AZ)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (BA)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978