M’Cheyne Bible Reading Plan
23 Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging (A)saksi kang sinungaling.
2 Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan:
3 Ni huwag mo ring kikilingan ang (B)dukha sa kaniyang usap.
4 (C)Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya.
5 Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo, na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan, at ayaw mo mang alisan ng pasan, ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon.
6 (D)Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap.
7 Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama.
8 (E)At huwag kang tatanggap ng suhol: sapagka't ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin, at sinisira ang mga salita ng mga banal.
9 At ang taga ibang lupa ay (F)huwag mong pipighatiin sapagka't talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa, yamang kayo'y naging mga taga ibang lupa, sa lupain ng Egipto.
Sabbath, tinapay na walang lebadura, at ang unang bunga.
10 (G)Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon:
11 Datapuwa't sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan, upang kumain ang dukha sa iyong bayan: at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid. Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan.
12 (H)Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga.
13 At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: (I)at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.
14 (J)Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin, sa bawa't taon.
15 (K)Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); (L)at walang lalapit sa harap ko na walang dala:
16 (M)At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: (N)at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.
17 Makaitlo sa bawa't taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios.
18 (O)Huwag mong ihahandog ang dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o iiwan mo man ang taba ng aking pista sa (P)buong magdamag hanggang sa kinaumagahan.
19 Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ng Panginoon mong Dios. (Q)Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
Pangakong pagbabalik sa Canaan.
20 (R)Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo.
21 Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; (S)huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya.
22 Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; (T)ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.
23 Sapagka't ang aking anghel ay magpapauna sa iyo (U)at dadalhin ka sa Amorrheo, at sa Hetheo at sa Perezeo, at sa Cananeo, at sa Heveo, at sa Jebuseo, at aking lilipulin.
24 (V)Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, (W)kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang (X)kanilang mga haligi na pinakaalaala.
25 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, (Y)at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; (Z)at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.
26 Walang babaing makukunan, o magiging baog man, sa iyong lupain: (AA)ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin.
27 (AB)Aking susuguin ang sindak sa unahan mo, at aking (AC)liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan, at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway.
28 (AD)At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo, na magpapalayas sa Heveo, sa Cananeo at sa Hetheo, sa harap mo.
29 (AE)Hindi ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon; baka ang lupa'y maging ilang, at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo.
30 Untiunting aking palalayasin sila sa harap mo, hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain.
31 (AF)At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates: (AG)sapagka't aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo.
32 (AH)Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni sa kanilang mga dios.
33 Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa akin: (AI)sapagka't kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios, ay tunay na magiging silo sa iyo.
2 At (A)nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa (B)Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus:
2 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang (C)kaniyang mga alagad, sa kasalan.
3 At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak.
4 At sinabi sa kaniya ni (D)Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? (E)ang aking oras ay hindi pa dumarating.
5 Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin.
6 Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay (F)alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.
7 Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi.
8 At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap.
9 At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake,
10 At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon.
11 Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, (G)at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
12 Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, (H)at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw.
13 At malapit na ang paskua (I)ng mga Judio, at (J)umahon si Jesus sa Jerusalem.
14 At nasumpungan niya sa templo (K)yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo:
15 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang;
16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng (L)aking Ama na bahay-kalakal.
17 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako (M)ng sikap sa iyong bahay.
18 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, (N)Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?
19 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (O)Igiba ninyo ang templong ito, at aking (P)itatayo sa tatlong araw.
20 Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?
21 Datapuwa't sinasalita niya (Q)ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.
22 Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng (R)kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa (S)kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus.
23 Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita (T)ng kaniyang mga tandang ginawa.
24 Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao,
25 Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga (U)niya ang isinasaloob ng tao.
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay katulad ng buwaya.
41 Mahuhuli mo ba ang (A)buwaya ng isang bingwit?
O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
2 Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong?
O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
3 Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo?
O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
4 Makikipagtipan ba siya sa iyo,
Upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon?
O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
6 Makakalakal ba siya (B)ng mga pulutong ng mangingisda?
Mababahagi ba siya nila sa (C)mga mangangalakal?
7 Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal,
O ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
8 Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
Alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
9 Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan:
Hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
10 Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon:
Sino ngang makatatayo sa harap ko?
11 (D)Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya?
(E)Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
12 Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan,
Ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.
13 Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit?
Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil?
14 Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha?
Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
15 Ang kaniyang mga matibay na (F)palikpik ay kaniyang kapalaluan,
Nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit.
16 Nagkakadikit sa isa't isa,
Na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon.
17 Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa;
Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay.
18 Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy,
At ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga.
19 Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo,
At mga alipatong apoy ay nagsisilabas.
20 Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok,
Na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib.
21 Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga,
At isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig.
22 Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan,
At ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya.
23 Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan;
Nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw.
24 Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato;
Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
25 Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan:
Dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila.
26 Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab;
Ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man.
27 Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami,
At ang tanso na parang lapok na kahoy.
28 Hindi niya mapatakas ng palaso:
Ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo.
29 Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo:
Kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat.
30 Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga:
Lumalaganap na tila saksak sa banlik.
31 Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok:
Kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid.
32 Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya;
Aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman.
33 Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya,
Na likhang walang takot.
34 Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay:
Siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
11 Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo (A)ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan.
2 Sapagka't ako'y (B)naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na (C)tulad sa dalagang malinis.
3 Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, (D)kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
4 Sapagka't kung (E)yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o (F)ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
5 Sapagka't inaakala kong (G)sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.
6 Datapuwa't bagaman (H)ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako (I)sa kaalaman; hindi, kundi (J)sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.
7 Ako nga baga'y nagkasala (K)sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko (L)sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan (M)sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia (N)ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
11 Bakit? (O)sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.
12 Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, (P)upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.
13 Sapagka't ang mga gayong tao (Q)ay mga bulaang apostol, mga magdarayang (R)manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas (S)man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring (T)ministro ng katuwiran; (U)na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
16 Muling sinasabi ko, (V)Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
17 Ang ipinangungusap ko ay (W)hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri.
18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri.
19 Sapagka't pinagtitiisan ninyo na (X)may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo.
20 Sapagka't inyong pinagtitiisan ang sinoman, (Y)kung kayo'y inaalipin, kung kayo'y sinasakmal, kung kayo'y binibihag, kung siya'y nagpapalalo, kung kayo'y sinasampal sa mukha.
21 Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.
22 Sila baga'y mga Hebreo? (Z)ako man. Sila baga'y mga (AA)Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man.
23 Sila baga'y mga (AB)ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; (AC)sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, (AD)sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
25 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, (AE)minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;
26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga (AF)kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga (AG)kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban (AH)sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga (AI)bulaang kapatid;
27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang (AJ)kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.
29 Sino ang nanghina, (AK)at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam?
30 Kung kinakailangang ako'y magmapuri, (AL)ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.
31 (AM)Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.
32 Sa Damasco ay binantayan (AN)ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin:
33 At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978