Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 30

Ang dambana ng kamangyan.

30 At gagawa ka ng isang (A)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.

At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (B)kornisang ginto sa palibot.

At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (C)mabuhat.

At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.

At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (D)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (E)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

Huwag kayong maghahandog ng ibang (F)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.

10 At si Aaron ay tutubos ng sala (G)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (H)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

Salapi na pangtubos sa kaluluwa.

11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

12 (I)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (J)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (K)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (L)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (M)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.

14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (N)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (O)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (P)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

Hugasang tanso.

17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

18 (Q)Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.

19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas (R)doon ng kanilang mga paa:

20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.

21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.

Langis na pangpahid.

22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na (S)mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; (T)at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,

24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang (U)hin:

25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.

26 (V)At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,

27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.

28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.

29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: (W)lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.

30 (X)At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.

32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.

33 (Y)Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, (Z)ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (AA)Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;

35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa (AB)katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;

36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan (AC)na aking pakikipagtagpuan sa iyo: (AD)aariin ninyong kabanalbanalan.

37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.

38 (AE)Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

Juan 9

At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.

At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang (A)kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?

Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: (B)kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.

Kinakailangan nating gawin (C)ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, (D)samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa.

Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang (E)ilaw ng sanglibutan.

Nang masabi niya ang ganito, (F)siya'y lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng putik,

At sinabi sa kaniya, Humayo ka, (G)maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.

Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos?

Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga.

10 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata?

11 Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, Humayo ka sa Siloe, at maghugas ka: kaya't ako'y humayo at naghugas, at ako'y tumanggap ng paningin.

12 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon siya? Sinabi niya, Hindi ko nalalaman.

13 Dinala nila sa mga Fariseo siya na nang una'y bulag.

14 (H)Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik si Jesus, at padilatin ang kaniyang mga mata.

15 Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin. At sinabi niya sa kanila, Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at ako'y nakakakita.

16 Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, (I)sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, (J)Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng (K)pagkakabahabahagi sa gitna nila.

17 Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, (L)Siya'y isang propeta.

18 Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin,

19 At nangagtanong sa kanila, na sinasabi, Ito baga ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? paano ngang nakakakita siya ngayon?

20 Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at nangagsabi, Nalalaman naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag:

21 Datapuwa't kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya.

22 Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't (M)nangatatakot sa mga Judio: sapagka't pinagkaisahan na (N)ng mga Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, (O)ay palayasin siya sa sinagoga.

23 Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may gulang na; tanungin siya.

24 Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.

25 Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.

26 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata?

27 Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya?

28 At siya'y kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga alagad ni Moises.

29 Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't (P)tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya.

30 Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata.

31 Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng (Q)Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.

32 Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag.

33 (R)Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman.

34 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At (S)siya'y pinalayas nila.

35 Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa (T)Anak ng Dios?

36 Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya?

37 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at (U)siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.

38 At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya.

39 At sinabi ni Jesus, (V)Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, (W)upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.

40 Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din?

41 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (X)Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.

Mga Kawikaan 6

Babala laban sa pagmamataas, katamaran, kalikutan, at pakikiapid.

Anak ko, (A)kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,
Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,
Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,
Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:
Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
(B)Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.
O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,
At (C)parang ibon sa kamay ng mamimitag.
(D)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
(E)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
Hanggang kailan matutulog ka, Oh (F)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (G)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 (H)Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, (I)siya'y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya'y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan (J)ay mababasag siya, at (K)walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (L)Mga palalong mata, (M)sinungaling na dila,
(N)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (O)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(P)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (Q)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (R)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

20 Anak ko, (S)ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 (T)Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong (U)leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
23 (V)Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag;
At ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
24 (W)Upang ingatan ka sa masamang babae,
Sa tabil ng dila ng di kilala.
25 (X)Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso;
At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
26 Sapagka't (Y)dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay:
At (Z)hinuhuli (AA)ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan,
At hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga,
At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa;
Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw,
Upang busugin siya pagka siya'y gutom:
31 Nguni't kung siya'y masumpungan, (AB)isasauli niyang makapito;
Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay (AC)walang bait:
Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya;
At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
34 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao;
At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos;
Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.

Galacia 5

Sa (A)kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli (B)sa pamatok ng pagkaalipin.

Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (C)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.

Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (D)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.

Kayo'y hiwalay kay Cristo, (E)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (F)sa biyaya.

Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (G)naghihintay ng pangako ng katuwiran.

Sapagka't (H)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (I)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; (J)sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?

Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula (K)doon sa tumawag sa inyo.

Ang kaunting lebadura ay (L)nagpapakumbo sa buong limpak.

10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't (M)ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.

11 Nguni't ako, mga kapatid, (N)kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, (O)bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos (P)na ang katitisuran sa krus.

12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng (Q)higit sa pagtutuli.

13 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa (R)kalayaan; (S)huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

14 Sapagka't ang (T)buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: (U)Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

15 Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.

16 Sinasabi ko nga, (V)Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.

17 Sapagka't (W)ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; (X)upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.

18 Datapuwa't (Y)kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.

19 (Z)At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na (AA)ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

22 Datapuwa't (AB)ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, (AC)kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

23 Kaamuan, pagpipigil; (AD)laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

24 At (AE)ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.

25 (AF)Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.

26 Huwag tayong maging mga palalo, (AG)na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978