Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 15

Ang awit ni Moises at ni Miriam.

15 Nang magkagayo'y inawit ni (A)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,

Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
Ang Panginoon ay aking lakas at (B)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (C)tatanghalin.
Ang Panginoo'y isang (D)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (E)parang isang bato.
(F)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
At sa kalakhan ng iyong (G)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (H)dayami.
(I)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (J)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (K)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 (L)Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong (M)tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila (N)sa banal mong tahanan.
14 (O)Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang (P)kumapit sa mga taga Filistia.
15 (Q)Nang magkagayo'y natulig (R)ang mga pangulo sa Edom;
(S)Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16 Sindak at gulat ang (T)sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na (U)parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito (V)na iyong kinamtan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at (W)sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
(X)Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 (Y)Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.

19 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20 At si Miriam na (Z)propetisa na (AA)kapatid ni Aaron, ay (AB)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (AC)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.

21 At (AD)sila'y sinagot ni Miriam,

(AE)Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.

22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng (AF)Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.

Ang Israel sa Mara.

23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.[a]

24 At (AG)inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?

25 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at (AH)inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin (AI)at doon sila sinubok niya;

26 At sinabi, (AJ)Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay (AK)wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na (AL)nagpapagaling sa iyo.

27 At sila'y dumating sa (AM)Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.

Lucas 18

18 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat (A)magsipanalanging lagi, at (B)huwag manganglupaypay;

Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan:

At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit.

At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:

Gayon man, (C)sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.

At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom.

At hindi baga, (D)igaganti ng Dios ang kaniyang mga (E)hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y (F)may pagpapahinuhod sa kanila?

Sinasabi ko sa inyo, (G)na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa (H)nagsisiasa (I)sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba:

10 May dalawang lalaking (J)nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y (K)maniningil ng buwis.

11 (L)Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.

12 Makalawa akong (M)nagaayuno sa isang linggo; (N)nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.

13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay (O)ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi (P)dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaring-ganap kay sa isa: (Q)sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.

15 At dinala naman nila (R)sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila.

16 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.

17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.

18 (S)At tinanong siya ng (T)isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay?

19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.

20 Talastas mo ang mga utos, (U)Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina.

21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata.

22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman.

24 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, (V)Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!

25 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios.

26 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas?

27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.

28 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo.

29 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios,

30 Na di tatanggap ng makapupung higit (W)sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay.

31 At (X)isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat (Y)ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao.

32 Sapagka't siya'y (Z)ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan.

33 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya.

34 At (AA)wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi.

35 At nangyari, (AB)na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos:

36 At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon.

37 At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret.

38 At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.

39 At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.

40 At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya,

41 Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin.

42 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo.

43 At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng (AC)buong bayan, ay nangagpuri sa Dios.

Job 33

Sinabi na ang tao ay tinutulungan sa pamamagitan ng panaginip at ng karamdaman. Ang pagtulong ng Anghel.

33 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita,
At pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig;
Nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
Sasaysayin ng (A)aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;
At ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
Nilalang ako (B)ng Espiritu ng Dios,
At ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin;
Ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
Narito, ako'y sa Dios na gaya mo:
Ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
(C)Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan,
Ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig,
At aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
(D)Ako'y malinis na walang pagsalangsang;
Ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin,
Ibinilang niya (E)ako na pinakakaaway:
11 (F)Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan,
Kaniyang (G)pinupuna ang lahat na aking landas.
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap;
Sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
13 Bakit ka (H)nakikilaban sa kaniya?
Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita,
Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15 (I)Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao,
Sa mga pagkakatulog sa higaan;
16 (J)Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao,
At itinatatak ang kanilang turo,
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala,
At ikubli ang kapalaluan sa tao;
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan,
At ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20 (K)Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay,
At ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita;
At ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel,
Isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo,
Upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi,
Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay,
Ako'y nakasumpong ng katubusan.
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata;
Siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya:
Na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan:
At kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi,
(L)Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid,
At hindi ko napakinabangan:
28 Kaniyang (M)tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay,
At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios,
Makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay,
Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako:
Ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
33 Kung hindi, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.

2 Corinto 3

Pinasisimulan baga naming (A)muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya (B)ng iba, ng mga (C)sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?

Kayo ay ang aming sulat, (D)na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;

Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi (E)sa mga tapyas ng bato, kundi (F)sa mga tapyas ng pusong laman.

At ang gayong (G)pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:

Hindi sa kami ay (H)sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang (I)aming kasapatan ay mula sa Dios;

Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga (J)ministro (K)ng bagong (L)tipan; hindi (M)ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't (N)ang titik ay pumapatay, (O)datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Nguni't kung (P)ang pangangasiwa ng kamatayan, (Q)na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, (R)ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi (S)makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:

Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?

Sapagka't kung (T)ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian (U)ang pangasiwang ukol sa katuwiran.

10 Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay (V)hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana.

11 Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian.

12 Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita,

13 At hindi gaya ni Moises, (W) na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa (X)katapusan niyaong lumilipas:

14 Datapuwa't (Y)ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, (Z)pagka binabasa ang (AA)matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.

15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

16 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.

17 Ngayon ang Panginoon ay siyang (AB)Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon (AC)ay may kalayaan.

18 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging (AD)gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, (AE)ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978