M’Cheyne Bible Reading Plan
Mga pagsasauli tungkol sa naging kasiraan.
22 Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at (A)ng apat na tupa ang isang tupa.
2 (B)Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay (C)hindi aariing mamamatay-tao ang pumatay.
3 Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamatay-tao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay (D)ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.
4 Kung ang ninakaw ay masumpungang buháy sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay (E)magbabayad siya ng ibayo.
5 Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.
6 Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy.
7 Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (F)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.
8 Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (G)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.
9 Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.
10 Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:
11 (H)Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.
12 Datapuwa't (I)kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.
13 Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.
14 At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.
15 Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.
Mga utos tungkol sa sabbath, sa bayan at sa relehion.
16 At kung (J)dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.
17 Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, (K)ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.
18 (L)Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
19 (M)Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.
20 (N)Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.
21 (O)At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.
22 (P)Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.
23 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at (Q)sila'y (R)dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;
24 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at (S)ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.
25 (T)Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.
26 (U)Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;
27 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y (V)mapagbiyaya.
28 (W)Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.
29 Huwag kang magmamakupad ng (X)paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.
30 Gayon din ang (Y)gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: (Z)pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.
31 At kayo'y (AA)magpapakabanal na tao sa akin: (AB)na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga aso.
1 (A)Nang pasimula siya ang (B)Verbo, at ang Verbo ay (C)sumasa Dios, at ang Verbo (D)ay Dios.
2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa (E)sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
4 (F)Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
5 At ang ilaw ay lumiliwanag (G)sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.
6 Naparito ang isang tao, na (H)sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.
7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.
8 Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.
9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan.
10 Siya'y nasa sanglibutan, at (I)ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.
11 Siya'y naparito sa (J)sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.
12 Datapuwa't (K)ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
13 Na mga ipinanganak na (L)hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
14 At (M)nagkatawang-tao (N)ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang (O)kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, (P)Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: (Q)sapagka't siya'y (R)una sa akin.
16 Sapagka't sa kaniyang (S)kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.
17 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; (T)ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating (U)sa pamamagitan ni Jesu-cristo.
18 (V)Walang taong nakakita kailan man sa Dios; (W)ang bugtong na Anak, na nasa (X)sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
20 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.
21 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si (Y)Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga (Z)ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.
22 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?
23 Sinabi niya, (AA)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.
24 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo.
25 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?
26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, (AB)Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,
27 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.
28 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.
29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (AC)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
30 (AD)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.
31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (AE)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (AF)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (AG)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (AH)ang Anak ng Dios.
35 Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;
36 At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, (AI)Narito, ang Cordero ng Dios!
37 At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad, at sila'y nagsisunod kay Jesus.
38 At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira?
39 Sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira; at sila'y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon: noo'y magiikasangpu na ang oras.
40 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si (AJ)Andres na kapatid ni Simon Pedro.
41 Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang (AK)Mesias (na kung liliwanagin, ay ang (AL)Cristo).
42 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, (AM)Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang (AN)Cefas (na kung liliwanagin, ay (AO)Pedro).
43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.
44 Si (AP)Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro.
45 Nasumpungan ni Felipe si (AQ)Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni (AR)Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na (AS)taga Nazaret, (AT)ang anak ni Jose.
46 At sinabi sa kaniya ni Natanael, (AU)Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo.
47 Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya, at sinabi ang tungkol sa kaniya, Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya'y walang daya!
48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.
49 Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, (AV)ikaw ang Anak ng Dios; ikaw (AW)ang Hari ng Israel.
50 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.
51 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (AX)Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan (AY)ng Anak ng tao.
Si Job ay sumailalim ng Panginoon. Ang hamon ng Panginoon.
40 Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
2 (A)Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat?
Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.
3 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
4 (B)Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo?
Aking inilalagay (C)ang aking kamay sa aking bibig,
5 Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot:
Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.
6 Nang magkagayo'y (D)sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
7 (E)Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake:
Ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.
8 (F)Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan?
Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?
9 O mayroon ka bang kamay na parang Dios?
At makakukulog ka ba (G)ng tinig na gaya niya?
10 (H)Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan;
At magbihis ka ng karangalan at kalakhan.
11 Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit:
At tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya.
12 (I)Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya;
At iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
13 Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama;
Talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako.
14 Kung magkagayo'y ipahayag naman kita;
Na maililigtas ka ng iyong kanan.
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay tulad sa behemot.
15 Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo:
Siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.
16 Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
17 Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro:
Ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.
18 Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso;
Ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal.
19 Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios:
Ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.
20 (J)Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain;
Na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang.
21 Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto,
Sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak.
22 Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim;
Nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis.
23 Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig:
Siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga.
24 (K)May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod,
O may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo?
10 (A)Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa (B)kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako (C)na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
2 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay (D)huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa (E)ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng (F)ayon sa laman.
3 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
4 (G)(Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
7 Minamasdan ninyo ang mga bagay (H)na nahaharap sa inyong mukha. (I)Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.
8 Sapagka't bagaman ako ay (J)magmapuri ng marami tungkol sa (K)aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
9 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
10 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; (L)datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang (M)pananalita ay walang kabuluhan.
11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
12 Sapagka't (N)hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't (O)sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng (P)hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
14 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: (Q)sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y (R)ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay (S)magmapuri sa Panginoon.
18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi (T)ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978