M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang batas ng handog na kakainin.
2 At (A)pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:
2 At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At (B)susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:
3 (C)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: (D)kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
4 At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, (E)o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
5 At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
6 Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina.
7 At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo.
8 At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana.
9 At kukuha ang saserdote ng handog na harina, (F)na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
10 (G)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
11 Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na (H)magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
12 (I)Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy.
13 At titimplahan mo (J)ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang (K)sa iyong handog na harina (L)ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.
14 At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinaka handog na harina ng iyong pangunang bunga ay (M)sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi.
15 At (N)bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina.
16 At susunugin ng saserdote (O)na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Ang batas ng handog na pangpayapa.
3 At kung ang kanilang alay ay (P)haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.
2 At (Q)kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot.
3 At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinaka handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (R)ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
4 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato.
5 At (S)susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
6 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan; maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan.
7 Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya, ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:
8 At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.
9 At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang (T)buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob.
10 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.
11 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: (U)pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
12 At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:
13 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon, at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
14 At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay, na pinakahandog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob, lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
15 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.
16 At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: (V)lahat ng taba ay sa Panginoon.
17 Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain (W)ng taba (X)ni dugo man.
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias; at siya'y napakita sa ganitong paraan.
2 Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at (A)si Natanael na taga (B)Cana ng Galilea, at (C)ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.
4 Nguni't nang nagbubukang liwayway na, si Jesus ay tumayo sa baybayin: gayon ma'y (D)hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus.
5 Sa kanila nga'y sinabi ni Jesus, Mga anak, mayroon baga kayong anomang makakain? Nagsisagot sila sa kaniya, Wala.
6 At kaniyang sinabi sa kanila, (E)Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong, at makakasumpong kayo. Inihulog nga nila, at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda.
7 (F)Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, Ang Panginoon nga. Kaya't pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao'y ang Panginoon, ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika (sapagka't siya'y hubo't hubad), at tumalon sa dagat.
8 Datapuwa't ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong (sapagka't sila'y hindi lubhang malayo sa lupa, kundi may mga dalawangdaang siko), na hinihila ang lambat na puno ng mga isda.
9 Kaya't nang sila'y magsilunsad sa lupa, ay nakakita sila doon ng mga bagang uling, at isda ang nakalagay sa ibabaw, at tinapay.
10 Sinabi sa kanila ni Jesus, Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon.
11 Umahon nga si Simon Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, na isang daan at limangpu at tatlo, at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat.
12 Sinabi sa kanila ni Jesus, Magsiparito kayo at mangagpawing gutom. At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya'y tanungin, Sino ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon.
13 Lumapit si Jesus, at dinampot ang tinapay, at sa kanila'y ibinigay, (G)at gayon din ang isda.
14 Ito'y (H)ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay.
15 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako (I)ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.
16 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. (J)Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing (K)makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo'y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.
19 Ito nga'y sinalita niya, na ipinaalam (L)kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, (M)Sumunod ka sa akin.
20 Si Pedro, paglingon, ay nakita yaong alagad na (N)iniibig ni Jesus na sumusunod; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa iyo'y magkakanulo?
21 Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig kong siya'y manatili (O)hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin.
23 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng (P)mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo?
24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito; at (Q)nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25 At mayroon ding (R)iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
18 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa,
At nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.
2 Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa,
Kundi maihayag lamang (A)ang kaniyang puso.
3 Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak,
At kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.
4 Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
5 (B)Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti,
Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.
6 Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit,
At tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
7 (C)Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan,
At ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
8 Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
9 Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain
Ay (D)kapatid siya ng maninira.
10 Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na (E)moog:
Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
11 (F)Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan,
At gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
12 (G)Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao,
At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
13 Ang sumasagot (H)bago makinig,
Ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
14 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit;
Nguni't (I)ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
15 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman;
At ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
16 (J)Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya,
At dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
17 Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap;
Nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
18 Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo,
At naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
19 Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan:
At ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.
20 Ang tiyan ng tao ay mabubusog (K)ng bunga ng kaniyang bibig;
Sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
21 (L)Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;
At ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.
22 (M)Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay,
At nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
23 Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik:
Nguni't ang mayaman ay sumasagot (N)na may kagilasan.
24 Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan:
Nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.
1 Si Pablo, na (A)apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang (B)kapatid nating si Timoteo,
2 Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.
3 Nagpapasalamat kami (C)sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,
4 Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,
5 Dahil sa pagasa (D)na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa (E)salita ng katotohanan ng evangelio,
6 Na ito'y dumating sa inyo; (F)gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman (G)ang biyaya ng Dios sa katotohanan;
7 Ayon sa inyong natutuhan kay (H)Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;
8 Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong (I)pagibig sa Espiritu.
9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (J)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
11 Na kayo'y palakasin ng buong (K)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 (L)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (M)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (N)siya ang larawan ng (O)Dios na di nakikita, (P)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka't (Q)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (R)pagsakop o mga (S)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (T)niya at ukol sa kaniya;
17 At siya'y (U)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
18 At (V)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (W)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
19 Sapagka't minagaling ng Ama (X)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;
20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (Y)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (Z)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:
23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa (AA)pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; (AB)na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.
24 (AC)Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin (AD)ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa (AE)kaniyang katawan, na siyang iglesia;
25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa (AF)pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,
26 Maging (AG)ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,
27 (AH)Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano (AI)ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, (AJ)na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:
28 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;
29 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978