Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 18

18 (A)Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto.

At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, (B)pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama,

At ang dalawa niyang anak na lalake: (C)na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

At ang pangalan ng isa'y Elieser;[a] sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon;

At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa (D)tabi ng bundok ng Dios:

At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya.

At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran (E)at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda.

At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila.

At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio.

10 At sinabi ni Jethro, (F)Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.

11 Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: (G)oo, sa bagay na (H)ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.

12 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises (I)sa harap ng Dios.

Pinaalalahanan ni Jethro si Moises na maglagay ng mga hukom na katulong niya.

13 At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.

14 At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?

15 At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't (J)ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.

16 Pagka sila'y may (K)usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, (L)at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan.

17 At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti.

18 Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; (M)hindi mo makakayang magisa.

19 Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: (N)ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, (O)at dalhin mo ang mga usap sa Dios:

20 At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang (P)daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.

21 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng (Q)mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, (R)na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: (S)at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, (T)at magpapasan silang katulong mo.

23 Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing (U)payapa.

24 Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi.

25 At (V)pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.

26 At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon: ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises, datapuwa't bawa't munting usap ay silasila ang naghahatulan.

27 At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at (W)siya'y umuwi sa sariling lupain.

Lucas 21

21 At siya'y tumunghay, at (A)nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.

At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng (B)dalawang lepta.

At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.

Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

At samantalang sinasalita (C)ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,

Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, (D)na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.

At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?

At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: (E)sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.

At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi (F)pa malapit ang wakas.

10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;

11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

12 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin (G)kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at (H)sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.

13 Ito'y magiging patotoo (I)sa inyo.

14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (J)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:

15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (K)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.

16 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.

17 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.

18 At hindi mawawala kahit (L)isang buhok ng inyong ulo.

19 Sa inyong (M)pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.

20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong (N)nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang (O)pagkawasak ay malapit na.

21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; (P)at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.

22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, (Q)upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

23 Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at (R)yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, (S)hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;

26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

29 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy:

30 Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw.

31 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.

32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at (T)dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:

35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.

36 (U)Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, (V)na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang (W)mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.

37 At araw-araw ay (X)nagtuturo siya sa templo; at lumalabas (Y)gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.

38 At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.

Job 36

Minamarapat ni Eliu ang paggamit ng parusa ng Dios.

36 Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,

Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo;
Sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan:
Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man;
(A)Siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama:
Nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid:
Kundi kasama ng mga hari sa luklukan
(B)Kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
At (C)kung sila'y mapapangaw,
At mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa,
At ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 (D)Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo,
At iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11 Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya,
Kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12 Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak,
At sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13 Nguni't ang di banal sa (E)puso ay nagbubunton ng galit:
Hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya (F)sila.
14 (G)Sila'y nangamamatay sa kabataan,
At ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15 Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati,
At ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16 Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan,
Hanggang sa luwal na (H)dako na walang kagipitan;
At ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.

Ipinapayo ni Eliu kay Job na sumailalim ng Panginoon, at kilanlin ang kapangyarihan ng Panginoon.

17 Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama:
Kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18 Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan;
Ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19 Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan,
O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20 Huwag mong nasain ang gabi,
Pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21 Ikaw ay magingat, (I)huwag mong lingunin ang kasamaan;
Sapagka't (J)ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22 Narito, ang Dios ay gumagawa
ng mainam sa kaniyang kapangyarihan:
(K)Sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 (L)Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?
O sinong makapagsasabi, Ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24 Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa,
Na inawit ng mga tao.
25 Lahat ng mga tao'y nakakita noon;
Makikita ito ng tao sa malayo.
26 Narito, ang Dios ay dakila, at hindi (M)natin nakikilala siya;
(N)Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27 Sapagka't (O)pinailanglang niya ang mga patak ng tubig,
Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 (P)Na ibinubuhos ng mga langit
At ipinapatak na sagana sa tao.
29 Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap,
Ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 (Q)Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya;
At inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31 Sapagka't (R)sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan;
(S)Siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32 Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat;
At ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33 Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya,
Ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.

2 Corinto 6

At yamang (A)kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo (B)na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan

(Sapagka't sinasabi niya,

(C)Sa panahong ukol kita'y pinakinggan,
At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan:

Narito, ngayon (D)ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):

Na di nagbibigay (E)ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;

Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay (F)ipinagkakapuri namin ang aming sarili, (G)gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa (H)mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,

Sa mga latay, (I)sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;

Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,

Sa (J)salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; (K)sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran (L)sa kanan at sa kaliwa,

Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;

Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; (M)tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;

10 (N)Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; (O)tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma'y (P)mayroon ng lahat ng mga bagay.

11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.

12 Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.

13 Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay ((Q)nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo.

14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't (R)anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?

15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? (S)sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, (T)Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

17 Kaya nga,

(U)Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,

sabi ng Panginoon,

At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,
At kayo'y aking tatanggapin,
18 (V)At ako sa inyo'y magiging ama,
At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae,

sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978