Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 20

Ibinigay ang sangpung utos.

20 (A)At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,

(B)Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

(C)Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

(D)Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na (E)mapanibughuin, (F)na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

(G)At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

(H)Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

(I)Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

(J)Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, (K)ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan:

11 Sapagka't (L)sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

12 (M)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

13 (N)Huwag kang papatay.

14 (O)Huwag kang mangangalunya.

15 Huwag kang magnanakaw.

16 (P)Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

17 (Q)Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, (R)huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Ang mga tao ay natakot.

18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na (S)umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.

19 At sinabi nila kay Moises, (T)Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't (U)huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.

20 At sinabi ni Moises sa bayan, (V)Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito (W)upang subukin kayo, (X)at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.

21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit (Y)sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios.

Ang utos tungkol sa mga idolo at mga altar.

22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako'y nakipagusap sa inyo (Z)mula sa langit.

23 (AA)Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo.

24 Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka (AB)sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.

25 (AC)At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon.

26 Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon.

Lucas 23

23 At nagsitindig ang buong kapulungan (A)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.

At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (B)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (C)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.

At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.

At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (D)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.

Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.

Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.

At nang maunawa na siya'y (E)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.

Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.

At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.

10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.

11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (F)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](G)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (H)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (I)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin (J)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't (K)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon (L)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (M)punong kahoy na sariwa, (N)ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na (O)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, (P)Ama, (Q)patawarin mo sila; sapagka't (R)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (S)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood (T)ang bayan. At tinutuya naman siya (U)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At (V)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng (W)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (X)Paraiso.

44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,

45 (Y)At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna (Z)ang tabing ng templo.

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (AA)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang (AB)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (AC)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At ang lahat ng mga kakilala niya (AD)at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.

50 At narito ang isang lalaking (AE)nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid

51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, (AF)na naghihintay ng kaharian ng Dios;

52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, (AG)na doo'y wala pang nalilibing.

54 At noo'y araw ng (AH)Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.

55 At ang mga babae, (AI)na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento.

At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga (AJ)ayon sa utos.

Job 38

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.

38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job (A)mula sa ipoipo, at nagsabi,

Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
Bigkisan mo (B)ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
Saan ka nandoon (C)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (D)naghihiyawan sa kagalakan?
(E)O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na (F)kadiliman na pinakabalot niyaon,
10 At aking (G)itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y (H)titigil ang iyong mga palalong alon?
12 (I)Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan,
At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
13 Upang humawak sa mga wakas ng lupa,
At ang masasama ay maugoy doon?
14 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak;
At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
15 At sa masama ay inalis (J)ang kanilang liwanag,
At (K)ang mataas na kamay ay mababali.
16 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat?
O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
17 Nangahayag ba sa iyo (L)ang mga pintuan ng kamatayan?
O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
18 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa?
Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
19 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag,
At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
20 Upang iyong madala sa hangganan niyaon,
At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon,
At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!
22 Pumasok ka ba sa mga (M)tipunan ng nieve,
O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
23 Na (N)aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan,
Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
24 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag.
O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig,
O ng daanan ng kidlat ng kulog;
26 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao.
Sa ilang na doon ay walang tao.
27 (O)Upang busugin ang giba at sirang lupa;
At upang pasibulin ang sariwang damo?
28 (P)May ama ba ang ulan?
O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
29 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo?
At (Q)ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
30 Ang mga (R)tubig ay nakukubling gaya ng bato,
At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
31 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na (S)Pleyade,
O (T)makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
32 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan?
O mapapatnubayan mo ba ang (U)Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
33 Nalalaman mo ba (V)ang mga alituntunin ng langit?
Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
34 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap,
Upang takpan ka ng saganang tubig?
35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon,
At magsabi sa iyo: Nangarito kami?
36 Sinong naglagay ng karunungan sa (W)mga pinakaloob na bahagi?
O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
37 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan?
O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
38 Pagka ang alabok ay napuputik,
At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
39 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae?
O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
40 Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga,
At nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
41 (X)Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya,
Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios,
At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?

2 Corinto 8

Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng (A)Macedonia;

Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.

Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,

Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at (B)sa pakikisama (C)sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:

At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.

Ano pa't (D)namanhik kami kay (E)Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito.

Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana (F)sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.

Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, (G)kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.

Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, (H)na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan (I)ay magsiyaman kayo.

10 At sa ganito'y (J)ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang (K)nangagpasimula na (L)may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais.

11 Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.

12 Sapagka't (M)kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.

13 Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo'y mabigatan;

14 Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito (N)sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.

15 Gaya ng nasusulat, (O)Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.

16 Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo.

17 Sapagka't tunay na tinanggap niya (P)ang aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban.

18 At sinugo naming kasama niya (Q)ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa (R)lahat ng mga iglesia;

19 At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang (S)inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin (T)sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap:

20 Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan:

21 Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na (U)kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao.

22 At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, (V)dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo.

23 Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa (W)aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo.

24 Inyo ngang ipakita sa kanila (X)sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng (Y)inyong pagibig, at ng (Z)aming pagmamapuri dahil sa inyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978