Add parallel Print Page Options

Datapuwa't sinasabi ko, (A)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.

Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (B)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

At maaaring (C)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:

Gaya ng nasusulat,

(D)Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

10 At ang (E)nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:

Read full chapter