Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 9

Si Aaron ay nagbigay ng handog.

At (A)nangyari sa ikawalong araw, na tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at ang mga matanda sa Israel;

At sinabi niya kay Aaron, (B)Magdala ka ng isang guyang toro, na handog dahil sa kasalanan (C)at isang tupang lalake na handog na susunugin, na kapuwa walang kapintasan, at ihandog mo sa harap ng Panginoon.

At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo, na sasabihin, (D)Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan; at ng isang guyang baka, at ng isang kordero, na kapuwa na may gulang na isang taon, at walang kapintasan, na handog na susunugin;

(E)At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ihain sa harap ng Panginoon, (F)at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis: (G)sapagka't napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon.

At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises: at lumapit doon ang buong kapisanan, at tumayo sa harap ng Panginoon.

At sinabi ni Moises, Ito ang iniutos ng Panginoon na gawin ninyo: at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon.

At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, (H)at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: (I)at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa kanila; gaya ng iniutos ng Panginoon.

Lumapit nga si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog dahil sa kasalanan, na yao'y para sa kaniya.

(J)At iniharap ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo: (K)at itinubog niya ang kaniyang daliri sa dugo, at ipinahid sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana at ang dugong labis ay ibinuhos sa tungtungan ng dambana:

10 (L)Datapuwa't ang taba at ang mga bato, at ang lamad na nasa atay ng handog dahil sa kasalanan, ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

11 (M)At ang laman at ang balat ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento.

12 At pinatay niya ang handog na susunugin; at ibinigay sa kaniya ng mga anak ni Aaron ang dugo, (N)at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng palibot ng dambana.

13 (O)At kaniyang ibinigay sa kaniya ang handog na susunugin, na isaisang putol, at ang ulo: at sinunog niya sa ibabaw ng dambana.

14 At kaniyang hinugasan ang lamang loob at ang mga paa at sinunog sa ibabaw ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.

15 (P)At iniharap niya ang alay ng bayan; at kinuha ang kambing na handog dahil sa kasalanan na para sa bayan, at pinatay at inihandog dahil sa kasalanan, na gaya ng una.

16 At iniharap niya ang handog na susunugin, (Q)at inihandog ayon sa palatuntunan.

17 (R)At iniharap niya ang handog na harina, at kumuha ng isang dakot, at sinunog sa ibabaw ng dambana, (S)bukod sa handog na susunugin sa umaga.

18 Kaniyang pinatay rin ang toro at ang tupang lalake na haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na para sa bayan: (T)at ibinigay ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo, at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.

19 At ang taba ng toro at ng tupang lalake, ang matabang buntot at ang tabang nakatakip sa lamang loob, at ang mga bato, at ang lamad ng atay.

20 At kanilang inilagay ang mga taba sa ibabaw ng mga dibdib, at kaniyang sinunog ang taba sa ibabaw ng dambana:

21 At ang mga dibdib at ang kanang hita ay inalog ni Aaron (U)na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ni Moises.

22 At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan (V)at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

23 At pumasok si Moises at si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila'y lumabas, at binasbasan ang bayan: (W)at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan.

24 (X)At may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon, at sinunog sa ibabaw ng dambana ang handog na susunugin at ang taba: at nang makita yaon ng buong bayan, (Y)ay nagsigawan at nangagpatirapa.

Mga Awit 10

Panalangin upang mabuwal ang masama.

10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
(E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
(G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (N)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (O)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Mga Kawikaan 24

Iba't ibang aral at paalaala.

24 Huwag kang (A)mananaghili sa mga masamang tao,
Ni magnasa ka man na masama sa kanila:
Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati,
(B)At ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
(C)Sa karunungan ay natatayo ang bahay;
At sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid,
Ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
(D)Ang pantas na tao ay malakas;
Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
(E)Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka:
At sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
Karunungan ay totoong mataas (F)sa ganang mangmang:
Hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
(G)Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan,
Tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan:
At ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
10 Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan,
Ang iyong kalakasan ay munti.
11 (H)Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan,
At ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
12 Kung iyong sinasabi, Narito, hindi kami nakakaalam nito:
Hindi ba niya binubulay (I)na tumitimbang ng mga puso?
At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman?
(J)At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
13 Anak ko, (K)kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti;
At ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
14 (L)Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa:
Kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan,
At ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
15 Huwag kang bumakay, (M)Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid;
Huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
16 (N)Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli:
Nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
17 Huwag kang magalak (O)pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal,
At huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya,
At kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama;
Ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao;
(P)Ang ilawan ng masama ay papatayin.
21 Anak ko, (Q)matakot ka sa Panginoon at sa hari:
At huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22 Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla;
At sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas.
(R)Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 (S)Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid;
Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran,
At ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26 Siya'y humahalik sa mga labi
Niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27 (T)Ihanda mo ang iyong gawa sa labas,
At ihanda mo sa iyo sa parang;
At pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
28 (U)Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan;
At huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29 Huwag mong sabihin, Gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin:
Aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
30 (V)Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad,
At sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 At, (W)narito, tinubuang lahat ng mga tinik,
Ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag,
(X)At ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti:
Aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33 (Y)Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34 Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw;
At ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.

1 Tesalonica 3

Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay (A)minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas;

At aming sinugo si (B)Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, (C)upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;

Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam (D)na itinalaga kami sa bagay na ito.

Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na (E)nangyari, at nalalaman ninyo.

Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang (F)aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.

Datapuwa't nang si Timoteo ay (G)dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo;

Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:

Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y (H)nangamamalaging matibay sa Panginoon.

(I)Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios;

10 Gabi't araw ay (J)idinadalangin naming buong ningas (K)na aming makita ang inyong mukha, at (L)aming malubos ang inyong pananampalataya.

11 Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:

12 At (M)kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;

13 Upang (N)patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, (O)sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na (P)kasama ang kaniyang lahat na mga banal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978