Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 23

Batas tungkol sa kapistahan ng relihion; Sabbath; Pista ng Panginoon; Pista ng mga sanglinggo; Araw ng pagsisisi; Pista ng tabernakulo.

23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, (A)ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong (B)itatanyag na (C)mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan.

(D)Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan.

Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon ng mga (E)banal na pagpupulong na inyong itatanyag sa takdang panahon.

(F)Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua sa Panginoon.

At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.

(G)Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.

Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.

At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,

10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (H)Pagka kayo'y nakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyo, at inyong nagapas na ang ani niyaon, ay magdadala nga kayo sa saserdote ng bigkis na pinaka pangunang bunga ng inyong paggapas:

11 At (I)aalugin niya ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo: sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath aalugin ng saserdote.

12 At sa araw na inyong alugin ang bigkis, ay maghahandog kayo ng isang korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan, na pinaka handog na susunugin sa Panginoon.

13 (J)At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina na hinaluan ng langis, handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak, na ikaapat na bahagi ng isang hin.[b]

14 At huwag kayong kakain ng tinapay, ni trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong mga tahanan.

15 (K)At kayo'y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap.

16 Sa makatuwid baga'y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng (L)limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog (M)na harina sa Panginoon.

17 Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa[c] ng mainam na harina, at lulutuin na may levadura na (N)pinaka pangunang bunga sa Panginoon.

18 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

19 (O)At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinaka handog dahil sa kasalanan, (P)at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan.

20 At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na (Q)pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: (R)ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote.

21 At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi.

22 (S)At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.

23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

24 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (T)Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, (U)na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.

25 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: at kayo'y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 (V)Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

28 At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka't araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios.

29 Sapagka't sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

30 At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa (W)araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan.

31 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.

32 Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.

33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

34 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, (X)Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.

35 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (Y)sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (Z)siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

37 (AA)Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:

38 (AB)Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon.

39 Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, (AC)pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan.

40 (AD)At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at (AE)kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.

41 At (AF)inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa't taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito.

42 (AG)Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag:

43 (AH)Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

44 At (AI)ipinakilala ni Moises sa mga anak ni Israel ang mga takdang kapistahan sa Panginoon.

Mga Awit 30

Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.

30 Dadakilain kita, Oh (A)Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
At hindi mo (B)pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at (C)ako'y pinagaling mo.
Oh Panginoon, (D)iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong (E)bumaba sa hukay.
(F)Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
Sapagka't ang kaniyang galit ay (G)sangdali lamang;
(H)Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
(I)Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
(J)Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
(K)Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 (L)Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na (M)pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

Eclesiastes 6

Ang kawalang kabuluhan ng mabuting bagay na hindi ikasya.

May (A)kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw, at mabigat sa mga tao:

Ang tao (B)na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pagaari, at karangalan, (C)na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, (D)gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit.

Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti, at (E)bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking sinasabing maigi (F)ang isang naagas kay sa kaniya:

Sapagka't dumarating na walang kabuluhan, at yumayaon sa kadiliman, at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman;

Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man; ito'y may kapahingahang maigi kay sa isa;

Oo, bagaman siya'y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay, at hindi man nagalak na mabuti: hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako?

Lahat ng gawa (G)ng tao ay para sa kaniyang bibig, at gayon ma'y ang panglasa ay hindi nasisiyahan.

Sapagka't anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay?

Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

10 Anomang nangyari, ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon, at kilala na siya'y tao: (H)ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya.

11 Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan, ano ang lalong ikinaigi ng tao?

12 Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang (I)ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?

2 Timoteo 2

Ikaw nga, (A)anak ko, (B)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.

At (C)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (D)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

(E)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (F)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.

Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.

At kung ang sinoman ay (G)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (H)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.

Ang magsasaka na nagpapagal (I)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.

Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

Alalahanin mo si Jesucristo na (J)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:

Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (K)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (L)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.

10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (M)dahil sa (N)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.

11 (O)Tapat ang pasabi: (P)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:

12 (Q)Kung tayo'y mangagtiis, ay (R)mangaghahari naman tayong kasama niya: (S)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:

13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (T)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (U)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.

14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (V)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.

15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.

16 Datapuwa't (W)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,

17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (X)Himeneo at si Fileto;

18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.

19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (Y)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.

20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (Z)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (AA)lupa; (AB)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.

21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.

22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (AC)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (AD)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.

23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (AE)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.

24 At (AF)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (AG)sapat na makapagturo, matiisin,

25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (AH)sa ikaaalam ng katotohanan,

26 At (AI)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978