Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 5

Paglilinis ng kampamento.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Iutos mo sa mga anak ni Israel na ilabas sa kampamento ang bawa't may (A)ketong, at bawa't (B)inaagasan, at ang sinomang karumaldumal sa pagkahipo sa (C)patay:

Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas, sa (D)labas ng kampamento ilalagay ninyo sila; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa (E)gitna.

At ginawang gayon ng mga anak ni Israel, at inilabas sa labas ng kampamento: kung paanong sinalita ng Panginoon kay Moises ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel, Pagka ang isang (F)lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao, na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin;

(G)Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa: (H)at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala, at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan.

Datapuwa't kung ang lalake ay walang kamaganak na mapagbabayaran ng sala, ay mapapasa saserdote ang kabayaran ng sala na handog sa Panginoon, (I)bukod sa tupang lalaking pinakatubos na ipangtutubos sa kaniya.

(J)At ang bawa't handog na itinaas sa lahat ng bagay na banal ng mga anak ni Israel, na kanilang ihaharap sa saserdote ay magiging kaniya.

10 At ang mga bagay na banal ng bawa't lalake ay magiging kaniya: ang ibigay ng sinomang tao sa saserdote ay magiging (K)kaniya.

Batas tungkol sa paninibugho. Paglitis sa pakikiapid.

11 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

12 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kung ang asawa ng sinomang lalake ay malilisya, at sasalangsang sa kaniya,

13 At ang ibang lalake ay sisiping sa kaniya, at ito'y makukubli sa mga mata ng kaniyang asawa at ang bagay ay malilihim, at ang babae ay madudumhan at walang saksi laban sa kaniya, o hindi man matututop siya sa pagkakasala;

14 At ang diwa ng paninibugho ay sasakaniya, at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa at siya'y madudumhan: o kung sasakaniya ang diwa ng paninibugho at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa, at ito'y hindi madudumhan:

15 Ay dadalhin nga ng lalake sa saserdote ang kaniyang asawa, at ipagdadala ng alay ng babae ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng harina ng sebada: (L)hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan man ng kamangyan; sapagka't handog na harina tungkol sa paninibugho, handog na harinang alaala (M)na nagpapaalaala ng kasalanan.

16 At ilalapit ng saserdote ang babae, at pahaharapin sa Panginoon:

17 At ang saserdote ay kukuha ng banal na tubig sa isang sisidlang lupa: at sa alabok na nasa lapag ng tabernakulo ay dadampot ang saserdote, at ilalagay sa tubig:

18 At pahaharapin ng saserdote ang babae sa Panginoon, at ipalulugay ang buhok ng babae, at ilalagay ang handog na harina na alaala sa kaniyang mga kamay, na handog na harina tungkol sa paninibugho: at tatangnan ng saserdote sa kamay ang mapapait na tubig na nagbubugso ng sumpa:

19 At siya'y papanunumpain ng saserdote, at sasabihin sa babae, Kung walang sumiping sa iyo na ibang lalake, at kung di ka nalisya sa karumihan, sa isang hindi mo asawa, ay maligtas ka nga sa mapapait na tubig na ito na nagbubugso ng sumpa:

20 Datapuwa't kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa, at kung ikaw ay nadumhan, at ibang lalake ay sumiping sa iyo, bukod sa iyong asawa:

21 Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang (N)sumpa, at sasabihin ng saserdote sa (O)babae, Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan, kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan;

22 At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay (P)tatalab sa iyong tiyan, at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin. (Q)At ang babae ay magsasabi, Siya nawa, Siya nawa.

23 At isusulat ng saserdote ang mga sumpang ito sa isang aklat, at kaniyang buburahin sa mapait na tubig:

24 At kaniyang ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng nagbubugso ng sumpa at tatalab sa kaniya ang tubig na nagbubugso ng sumpa, at magiging mapait.

25 At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang (R)aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon, at dadalhin sa dambana:

26 (S)At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana, at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig.

27 At pagka napainom na siya ng tubig, ay mangyayari na kung siya'y nadumhan, at siya'y sumalangsang sa kaniyang asawa, na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait, at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo: (T)at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan.

28 At kung ang babae ay hindi nadumhan, kundi malinis; ay magiging laya nga at magdadalang-tao.

29 Ito ang kautusan tungkol sa paninibugho, (U)pagka ang isang babae ay nalilisiya sa lalaking di niya asawa, at nadumhan;

30 O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake, at naninibugho sa kaniyang asawa; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito.

31 At ang lalake ay maliligtas sa kasamaan, (V)at ang babae ay siyang magdadala ng kaniyang kasamaan.

Mga Awit 39

Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.

39 Aking sinabi, (A)Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
(B)Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
Ang aking puso ay (C)mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
Panginoon, (D)ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang (E)aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang (F)walang kabuluhan. (Selah)
Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(G)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(H)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(I)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(J)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
(K)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (L)ikaw ang gumawa.
10 (M)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
(N)Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(O)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(P)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (Q)gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 (R)Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.

Awit ng mga Awit 3

Sila ay naghanapan at nagkita.

Sa kinagabihan sa aking higaan,
Ay (A)hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
Aking sinabi, Ako'y babangon at liligid sa bayan,
Sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan,
Aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
(B)Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako:
Na siya kong pinagsabihan, Nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?
Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila.
Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis,
Hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina,
At sa silid niya na naglihi sa akin.
(C)Pinagbibilinan ko kayo, (D)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta,
Hanggang sa ibigin niya.
Sino (E)itong umaahong mula sa ilang
Na (F)gaya ng mga haliging usok,
Na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan,
Ng lahat na blanquete ng mangangalakal?

Ang pangkasalang pagdating.

Narito, ito ang arag-arag ni Salomon;
Anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito,
Sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.
Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma:
Bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi,
Dahil sa takot kung gabi.
Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin
Na kahoy sa Libano,
10 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak,
Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube,
Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta,
Na mula sa mga (G)anak na babae ng Jerusalem.
11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon,
Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina,
(H)Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa,
At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

Mga Hebreo 3

Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (A)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (B)ang Apostol at (C)Dakilang Saserdote na ating (D)kinikilala, si Jesus;

Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya.

Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y (E)may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.

Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.

At sa katotohanang si Moises ay (F)tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, (G)na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos;

Datapuwa't si Cristo, gaya ng (H)anak ay puno sa bahay niya; (I)na ang bahay niya ay tayo, kung (J)ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri (K)sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

(L)Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo,

Ngayon (M)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi,
Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,
Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin,
At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.
10 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito,
At aking sinabi,
Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso:
Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;
11 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:

13 Nguni't (N)kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo (O)ng daya ng kasalanan:

14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung (P)ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:

15 Samantalang sinasabi,

(Q)Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.

16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat (R)na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?

17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, (S)na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?

18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?

19 At (T)nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978