Add parallel Print Page Options

28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.

Read full chapter

17 (A)Hindi lulutuing may lebadura. (B)Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila, sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy; (C)kabanalbanalang bagay nga, na gaya ng handog dahil sa kasalanan, at gaya ng handog dahil sa pagkakasala.

18 Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na (D)pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (E)sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal.

Read full chapter

26 (A)Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter

(A)Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.

Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay (B)gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos.

Read full chapter

(A)At bawa't handog na harina na niluto sa hurno, at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa, ay mapapasa saserdote na naghahandog.

10 At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba.

Read full chapter

14 At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa't alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon; (A)mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

Read full chapter

18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang (A)hita ay magiging iyo.

Read full chapter

At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan, sa kanila na naghahandog ng hain, maging baka o tupa, (A)na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang pisngi, at ang sikmura.

(B)Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya.

Read full chapter

29 Sila'y magsisikain (A)ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at (B)bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

30 At ang (C)una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang (D)una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.

Read full chapter