M’Cheyne Bible Reading Plan
Rituwal tungkol sa taonang pagsisisi.
16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, (A)pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron, noong nagsilapit sa harap ng Panginoon, at namatay;
2 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid (B)na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: (C)sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.
3 Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, (D)may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at isang tupang lalake na handog na susunugin.
4 (E)Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; (F)at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya.
5 (G)At siya'y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinaka handog na susunugin.
6 At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, (H)at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan.
7 At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
8 At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing; ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel.
9 At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinaka handog dahil sa kasalanan.
10 Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buháy sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang.
11 At ihaharap ni Aaron (I)ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili:
12 (J)At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot (K)ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:
13 (L)At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na (M)nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay:
14 (N)At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo.
15 (O)Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, (P)at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa:
16 (Q)At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan,
17 At (R)huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.
18 At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon, (S)at itutubos sa ito; at kukuha ng dugo ng toro, at ng dugo ng kambing, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot.
19 At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri, at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel.
20 (T)At pagkatapos matubos niya ang dakong banal, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana, ay ihahandog ang kambing na buháy:
21 At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buháy, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; (U)at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa:
22 (V)At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang.
23 At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at maghuhubad ng mga suot na lino, na isinuot niya nang siya'y pumasok sa dakong banal, at iiwan niya roon:
24 At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, sa isang dakong banal, at magsusuot ng kaniyang mga suot, at lalabas, (W)at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan, at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan.
25 (X)At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan.
26 At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot (Y)at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento.
27 (Z)At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi.
28 At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos, ay papasok siya sa kampamento.
29 At ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo: (AA)sa ikapitong buwan nang ikasangpung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo:
30 Sapagka't sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo (AB)upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon.
31 (AC)Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito'y palatuntunang magpakailan man.
32 (AD)At ang saserdote na papahiran (AE)at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama, ay siyang tutubos (AF)at magsusuot ng mga kasuutang lino, na mga banal ngang kasuutan:
33 (AG)At tutubusin niya ang banal na santuario, at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan.
34 At ito'y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo; na tubusin ang mga anak ni Israel, dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng (AH)minsan sa isang taon. At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 (C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.
Iba't ibang palagay tungkol sa mga tao at mga bagay.
30 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; (A)ang sanggunian.
Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
2 (B)Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman,
At walang kaunawaan ng isang tao:
3 At hindi ako natuto ng karunungan,
Ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
4 (C)Sino ang sumampa sa langit, at bumaba?
(D)Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot?
Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan?
Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa?
Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
5 (E)Bawa't salita ng Dios ay subok:
(F)Siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
6 (G)Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita,
Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
7 Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo;
Huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay.
8 Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan:
Huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man;
(H)Pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:
9 (I)Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, Sino ang Panginoon?
O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako,
At gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
10 Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon,
Baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
11 May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama.
At hindi pinagpapala ang kanilang ina.
12 May lahi na (J)malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata,
At gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.
13 May lahi, Oh pagka (K)mapagmataas ng kanilang mga mata!
At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.
14 (L)May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang,
Upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
15 Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, Bigyan mo, bigyan mo.
May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan,
Oo, apat na hindi nagsasabi, Siya na:
16 (M)Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata;
Ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig;
At ang apoy na hindi nagsasabi, Siya na.
17 (N)Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, At humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina,
Tutukain ito ng mga uwak sa libis,
At kakanin ito ng mga inakay na aguila.
18 May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin,
Oo, apat na hindi ko nalalaman:
19 Ang lipad ng aguila sa hangin;
Ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato;
Ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat;
At ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
20 Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae;
Siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig,
At nagsasabi, Hindi ako gumawa ng kasamaan.
21 Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa,
At sa apat na hindi niya madala:
22 (O)Sa isang alipin, pagka naghahari;
At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa;
At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
24 May apat na bagay na maliit sa lupa,
Nguni't lubhang mga pantas:
25 (P)Ang mga langgam ay bayang hindi matibay,
Gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
26 (Q)Ang mga koneho ay hayop na mahina,
Gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
27 Ang mga balang ay walang hari,
Gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
28 Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay,
Gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
29 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad,
Oo, apat na mainam sa lakad:
30 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop,
At hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
31 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman:
At ang hari na hindi malalabanan.
32 Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas,
O kung ikaw ay umisip ng kasamaan,
(R)Ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
33 Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya,
At sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo:
Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)ayon sa utos ng (B)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (C)ating pagasa;
2 Kay (D)Timoteo na aking (E)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
3 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (F)na huwag magsipagturo ng ibang aral,
4 Ni huwag makinig (G)sa mga katha at sa mga (H)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (I)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
5 Nguni't (J)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (K)puso at sa (L)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
6 Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;
7 Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.
8 (M)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (N)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
10 Dahil sa (O)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (P)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (Q)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (R)sa mabuting aral;
11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (S)na ipinagkatiwala sa akin.
12 Nagpapasalamat (T)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (U)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (V)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (W)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
14 At totoong sumagana (X)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (Y)na si (Z)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (AA)sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon (AB)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (AC)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
18 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking (AD)anak, ayon sa mga (AE)hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay (AF)makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
19 (AG)Na ingatan mo ang pananampalataya (AH)at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila (AI)ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20 Na sa mga ito'y si (AJ)Himeneo at si (AK)Alejandro; (AL)na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978