Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 27

Batas tungkol sa mga pangako.

27 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata (B)ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.

At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak,[a] ang iyong ihahalaga (C)ayon sa siklo ng santuario.

At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo.

At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo.

At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.

At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.

Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; (D)ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.

At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal.

10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon.

11 At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote:

12 At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon.

13 (E)Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo.

14 At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan nga ng saserdote, kung mabuti o masama: ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon.

15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya.

16 At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pagaari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer[b] na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak.[c]

17 Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga.

18 Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, (F)ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga.

19 (G)At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya.

20 At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos:

21 (H)Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang (I)bukid na itinalaga: (J)ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote.

22 At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, (K)na hindi sa bukid na kaniyang pagaari;

23 (L)Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon.

24 (M)Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pagaari ng lupa.

25 At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera (N)ang isang siklo.

26 (O)Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.

27 At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga (P)at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.

28 (Q)Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pagaari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.

29 (R)Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala.

Batas tungkol sa mga buwis.

30 (S)At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.

31 (T)At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.

32 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, (U)anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.

33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, (V)ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos.

34 (W)Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises, (X)sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel.

Mga Awit 34

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
(D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
(F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
(H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Eclesiastes 10

Ang pagkakaawang gawa at ang kasipagan ay dapat gawin na may pagasa.

10 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: (A)gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.

Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.

Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at (B)kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.

Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, (C)huwag kang umalis: (D)sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:

(E)Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.

Nakakita ako ng mga (F)alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

(G)Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.

Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; (H)at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.

10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.

11 Kung ang ahas ay (I)kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.

12 Ang mga (J)salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.

13 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.

14 (K)Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; (L)at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?

15 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.

16 (M)Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay (N)nagsisikain sa umaga!

17 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang (O)iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

18 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.

19 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, (P)at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

20 (Q)Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.

Tito 2

Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na (A)magaling:

Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, (B)mahusay, mahinahon ang pagiisip, (C)magagaling sa (D)pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:

Na gayon din ang matatandang babae (E)ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;

Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na (F)magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,

Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang (G)salita ng Dios:

Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:

Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,

Pangungusap na magaling, (H)na di mahahatulan; (I)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.

Iaral mo sa mga (J)alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;

10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay (K)ang aral ng Dios na (L)ating Tagapagligtas.

11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,

12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (M)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;

13 Na hintayin yaong (N)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (O)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

14 Na siyang (P)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (Q)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (R)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.

15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (S)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978