Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 10

Ang kasalanan ni Nadab at ni Abiu.

10 At si (A)Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay (B)kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang (C)apoy na hindi iniutos niya sa kanila.

At (D)sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon.

Nang magkagayo'y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng Panginoon, na sinasabi, (E)Ako'y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng buong bayan (F)ay luluwalhatiin ako. (G)At si Aaron ay hindi umimik.

At tinawag ni Moises si Misael at si Elzaphan, na mga anak ni (H)Uziel na amain ni Aaron, at sa kanila'y sinabi, Magsilapit kayo, (I)ilabas ninyo ang inyong mga kapatid sa kampamento mula sa harap ng santuario.

Sa gayo'y lumapit sila, at kanilang binuhat sa kanilang mga kasuutan na inilabas sa kampamento, gaya ng sinabi ni Moises.

At sinabi ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak, (J)Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo, o hapakin man ninyo ang inyong bihisan; upang huwag kayong mamatay (K)at ng siya'y huwag magalit laban sa buong kapisanan: kundi ang inyong mga kapatid, ang buong sangbahayan ni Israel ay tumaghoy sa apoy na pinapagalab ng Panginoon.

(L)At huwag kayong lalabas sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, baka kayo'y mamatay: (M)sapagka't ang langis na pang-pahid ng Panginoon ay nasa ulo ninyo. At kanilang ginawa ayon sa salita ni Moises.

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, na sinasabi,

(N)Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi:

10 At (O)upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, at ang karumaldumal at ang malinis:

11 (P)At upang inyong maituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng palatuntunang sa kanila'y sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Ang tungkulin at bahagi ng mga saserdote.

12 At sinalita ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Ithamar, na mga natitira niyang anak, (Q)Kunin ninyo ang handog na harina na lumabis sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at inyong kaning walang lebadura (R)sa tabi ng dambana; sapagka't kabanalbanalan;

13 At inyong kakanin sa dakong banal, sapagka't karampatang bahagi ninyo, at karampatang bahagi ng inyong mga anak, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: (S)sapagka't gayon iniutos sa akin.

14 (T)At ang dibdib na inalog at ang hita na itinaas, ay kakanin ninyo sa dakong malinis, kakanin mo at ng iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo: sapagka't yamang karampatang bahagi mo at karampatang bahagi ng iyong mga anak na ibinigay sa inyo sa mga hain ng mga anak ni Israel.

15 Ang hita na itinaas, at ang dibdib na inalog ay kanilang dadalhin na kalakip ng mga handog na pinaraan sa apoy, na mga taba upang alugin na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon: at mapapasa iyo, at sa iyong mga anak na kasama mo, na karampatang bahagi ninyo magpakailan man; gaya ng iniutos ng Panginoon.

16 At hinanap ni Moises ng buong sikap (U)ang kambing na handog dahil sa kasalanan, at, narito, sinunog: at nagalit kay Eleazer at kay Ithamar na mga anak ni Aaron na natira na sinasabi,

17 (V)Bakit hindi ninyo kinain ang handog dahil sa kasalanan sa dakong santuario, yamang kabanalbanalang bagay at sa inyo'y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan na itubos sa kanila sa harap ng Panginoon?

18 (W)Narito, hindi ipinasok ang dugo niyaon sa loob ng santuario; (X)nararapat sana ninyong kanin sa santuario, gaya ng iniutos ko.

19 At sinalita ni Aaron kay Moises, Narito, (Y)kanilang inihandog ng araw na ito ang kanilang handog dahil sa kasalanan, at ang kanilang handog na susunugin sa harap ng Panginoon; at sa akin ay nangyari ang mga ganyang bagay na gaya ng mga ito: at kung ako nga'y nakakain ng handog dahil sa kasalanan ngayon, kalulugdan ba kaya ako ng Panginoon?

20 At nang marinig ni Moises, ay nakalugod sa kaniyang paningin.

Mga Awit 11-12

Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.

11 Sa Panginoon ay (A)nanganganlong ako:
(B)Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
Sapagka't, (C)narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
(D)Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
(E)Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
(F)Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
(G)Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay (H)magiging bahagi ng kanilang saro.
Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; (I)minamahal niya ang katuwiran:
(J)Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.

12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (K)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(L)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(M)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
(N)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Mga Kawikaan 25

Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.

25 Ang mga (A)ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin (B)ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
(C)Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay:
Nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay (D)magusisa ng isang bagay.
Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman,
Gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
(E)Alisin ang dumi sa pilak,
At lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
(F)Alisin ang masama sa harap ng hari,
At ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
Huwag kang magpauna sa harapan ng hari,
At huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
(G)Sapagka't maigi na sabihin sa iyo,
Sumampa ka rito:
Kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo,
Na nakita ng iyong mga mata.
(H)Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag,
Baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon,
Pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
(I)Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa,
At huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
10 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo,
At ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
11 Salitang sinalita sa kaukulan
Ay gaya ng mga (J)mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
12 Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto,
(K)Gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
13 (L)Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani,
Gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya;
Sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
14 (M)Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan,
(N)Gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
15 (O)Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo,
At ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
16 (P)Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo;
Baka ka masuya, at iyong isuka.
17 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa;
Baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
18 (Q)Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa
Ay isang pangbayo (R)at isang tabak, at isang matulis na (S)pana.
19 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan
Ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa.
20 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa,
Gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
21 (T)Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain;
At kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
22 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo,
(U)At gagantihin ka ng Panginoon.
23 (V)Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan:
Gayon (W)ang dilang maninirang puri ay nakagagalit.
24 (X)Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
25 Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa,
Gayon ang mga (Y)mabuting balita na mula sa malayong lupain.
26 Kung paano ang malabong (Z)balon, at ang bukal na nalabusaw,
Gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.
27 Hindi mabuting (AA)kumain ng maraming pulot:
Gayon (AB)ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa
Ay parang bayang nabagsak at walang kuta.

1 Tesalonica 4

Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, (A)na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, (B)na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.

Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagka't ito (C)ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong (D)pagpapakabanal, (E)na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;

Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa (F)kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

Hindi sa pita (G)ng kahalayan, na (H)gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya (I)sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi (J)sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, (K)na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Datapuwa't tungkol sa (L)pagiibigang kapatid ay (M)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (N)mangagibigan kayo sa isa't isa;

10 Sapagka't katotohanang (O)ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging (P)matahimik, at (Q)gawin ang inyong sariling gawain, at (R)kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat (S)sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (T)na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (U)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (V)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (W)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (X)arkanghel, at may (Y)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (Z)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (AA)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (AB)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978