M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang sabbath na taon.
25 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na ibibigay ko sa inyo, (A)ay mangingilin ng isang sabbath sa Panginoon ang lupain.
3 Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong kakapunin mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang bunga ng mga iyan;
4 Datapuwa't sa ikapitong taon ay magiging sabbath na takdang kapahingahan sa lupain, sabbath sa Panginoon: huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni kakapunin ang iyong ubasan.
5 (B)Yaong tumubo sa sarili sa iyong inaanihan ay huwag mong aanihin, at ang mga ubas ng iyong ubasan na hindi nakapon ay huwag mong titipunin: magiging taong takdang kapahingahan sa lupain.
6 At ang bunga sa sabbath ng lupain ay magiging pagkain sa inyo; sa iyo, at sa iyong aliping lalake at babae, at sa iyong aliping upahan, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa iyo;
7 At sa iyong mga baka at sa mga hayop na nasa iyong lupain ay magiging pagkain ang lahat ng bunga ng mga iyan.
Ang taon ng kaligayahan.
8 At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at magiging sa iyo'y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon, sa makatuwid baga'y apat na pu't siyam na taon.
9 Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; (C)sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo.
10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, (D)at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; (E)at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pagaari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.
11 Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon.
12 Sapagka't kapistahan ng jubileo; magiging banal sa inyo: (F)kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid.
13 (G)Sa taong ito ng jubileo, ay babalik kayo, bawa't isa sa kaniyang pagaari.
14 At kung ikaw ay magbili ng anoman sa iyong kapuwa o bumili ng anoman sa kamay ng iyong kapuwa, (H)ay huwag kayong magdadayaan.
15 (I)Ayon sa bilang ng taon pagkatapos ng jubileo, ay bibilhin mo sa iyong kapuwa, ayon sa bilang ng taon ng pagaani, ay kaniyang ipagbibili sa iyo.
16 Ayon sa dami ng mga taon, ay daragdagan mo ang halaga niyan, at ayon sa kakauntian ng mga taon, ay babawasan mo ang halaga niyan; sapagka't ganyang bilang ng ani ang kaniyang ipagbibili sa iyo.
17 At huwag kayong magdadayaan; (J)kundi matatakot kayo sa inyong Dios: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
18 Kaya't inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong (K)isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain.
19 At ang lupain ay magbubunga, (L)at kakain kayo hanggang sa mabusog at tatahan kayong tiwasay doon.
20 At kung sasabihin ninyo, (M)Anong aming kakanin sa ikapitong taon? narito, hindi kami maghahasik ni magtitipon ng aming mga bunga:
21 At aking igagawad ang aking pagpapala (N)sa inyo sa ikaanim na taon, at magbubunga ng kasya sa tatlong taon.
22 (O)At maghahasik kayo sa ikawalong taon, (P)at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon, hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig.
23 At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man; (Q)sapagka't akin ang lupain: (R)sapagka't kayo'y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko.
24 At sa buong lupain na iyong pagaari ay magkakaloob kayo ng pangtubos sa lupain.
25 (S)Kung ang iyong kapatid ay maghirap, at ipagbili ang anoman sa kaniyang pagaari, ay paroroon ang kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya, at tutubusin ang ipinagbili ng kaniyang kapatid.
26 At kung ang taong yaon ay walang manunubos, at siya'y yumaman at nakasumpong ng kasapatan upang matubos yaon;
27 (T)Ay kaniyang bilangin ang mga taon pagkatapos na kaniyang naipagbili, at isasauli ang labis sa taong kaniyang pinagbilhan; at babalik siya sa kaniyang pagaari.
28 Nguni't kung siya'y walang kasapatan, upang maibalik niya sa kaniya, ang ipinagbili ay matitira nga sa kapangyarihan ng bumili hanggang sa taon ng jubileo; at sa jubileo ay maaalis sa kapangyarihan niyaon, at ang mayari ay babalik sa kaniyang pagaari.
Pagtubos sa mga lupa at bahay.
29 At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili; sapagka't isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos.
30 At kung hindi matubos sa loob ng isang buong taon, ang bahay na nasa nakukutaang bayan ay lalagi magpakailan man, na pagaari niyaong bumili, sa buong panahon ng kaniyang lahi: hindi maaalis sa kaniya sa jubileo.
31 Nguni't ang mga bahay sa mga nayon na walang kuta sa palibot, ay aariing para ng sa mga bukirin sa lupain: kanilang matutubos; at sa jubileo ay magsisialis.
32 (U)Gayon ma'y sa mga bayan ng mga Levita, kailan ma'y maaaring matubos ng mga Levita ang mga bahay sa mga bayan ng kanilang pagaari.
33 At kung ang isa sa mga Levita ay tumubos, ang bahay na ipinagbili at ang bayang kaniyang pagaari, ay maaalis (V)sa jubileo, sapagka't ang mga bahay sa mga bayan ng mga Levita ay kanilang pagaari sa gitna ng mga anak ni Israel.
34 (W)Datapuwa't ang mga bukid sa palibot ng mga bayan nila, ay hindi maipagbibili, sapagka't pagaari nila magpakailan man.
Ang pagpapatubo ay ibinabawal.
35 At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay (X)iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan.
36 (Y)Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, (Z)kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid.
37 Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain.
38 (AA)Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios.
39 (AB)At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo: ay huwag mo siyang (AC)papaglilingkuring parang alipin;
40 Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo:
41 Kung magkagayo'y aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak (AD)na kasama niya, at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan, (AE)at babalik sa pagaari ng kaniyang mga magulang.
42 (AF)Sapagka't sila'y aking mga lingkod, na aking inilabas sa lupain ng Egipto; sila'y hindi maipagbibiling parang mga alipin.
43 (AG)Huwag kang papapanginoon sa kaniya na (AH)may kabagsikan; kundi ikaw ay matatakot sa iyong Dios.
44 At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka; sa mga bansang nasa palibot ninyo, ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae.
45 Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo, sa mga ito'y makabibili kayo, at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo, na mga ipinanganak nila sa inyong lupain: at magiging inyong pagaari.
46 (AI)At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, na pinakapagaari; (AJ)sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man: nguni't sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na (AK)may kabagsikan.
Pagtubos sa mga alipin.
47 At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, (AL)at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa;
48 Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid (AM)ay makatutubos sa kaniya:
49 O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o (AN)kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.
50 At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; (AO)at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan.
51 Kung maraming taon pa ang kulang niya, (AP)ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili.
52 At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan.
53 Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may (AQ)kabagsikan sa iyong paningin.
54 At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay (AR)aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya.
55 Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay (AS)mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.
32 Mapalad (A)siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng (B)Panginoon,
At (C)walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang (D)aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka't araw at gabi ay (E)mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang (F)aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, (G)Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa (H)panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 (I)Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 (J)Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 (K)Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
(L)Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 (M)Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't (N)siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 (O)Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.
Ang mga namumuno ay dapat na igalang.
8 Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? (A)Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.
2 Ipinapayo ko sa iyo, (B)ingatan mo ang utos ng hari, at siya'y dahil sa (C)sumpa ng Dios.
3 Huwag kang magmadaling (D)umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan.
4 Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at (E)sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?
5 Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan:
6 Sapagka't (F)sa bawa't panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka't ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya:
7 Sapagka't (G)hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka't sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung paanong mangyayari?
8 Walang tao na may kapangyarihan sa (H)diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya.
Ang hindi pagkakapantaypantay ng buhay.
9 Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan.
10 At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan.
11 Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay (I)hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.
12 Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kaniyang buhay, gayon ma'y tunay, na talastas ko, (J)na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap niya:
13 Nguni't hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kaniyang buhay na (K)parang isang anino; sapagka't siya'y hindi natatakot sa harap ng Dios.
14 May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; (L)na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.
15 Nang magkagayo'y (M)pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.
Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.
16 Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, (N)at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)
17 Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas (O)ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman (P)hindi rin niya masusumpungan.
4 (A)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (B)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (C)sumaway ka, (D)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagka't darating ang panahon (E)na hindi nila titiisin ang (F)magaling na aral; (G)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (H)ibabaling sa katha.
5 Nguni't ikaw ay (I)magpigil sa lahat ng mga bagay, (J)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (K)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
6 Sapagka't (L)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (M)aking pagpanaw ay dumating na.
7 (N)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (O)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
8 Buhat ngayon ay natataan (P)sa akin (Q)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (R)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (S)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (T)Tito ay sa Dalmacia.
11 Si Lucas (U)lamang ang kasama ko. (V)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
12 Datapuwa't si (W)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (X)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:
15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.
16 Sa aking unang (Y)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.
17 Datapuwa't (Z)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (AA)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
19 Batiin mo (AB)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (AC)ni Onesiforo.
20 Si (AD)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (AE)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (AF)Mileto.
21 (AG)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
22 Ang Panginoon nawa'y (AH)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978