M’Cheyne Bible Reading Plan
Tungkol sa mga saserdote.
21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, at sabihin mo sa kanila, (A)Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay, sa gitna ng kaniyang bayan,
2 Maliban sa kamaganak na malapit, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama at sa kaniyang anak na lalake at babae, at sa kaniyang kapatid na lalake,
3 At sa kaniyang kapatid na dalaga, na malapit sa kaniya, na walang asawa, ay maaring magpakahawa siya.
4 Yamang puno sa kaniyang bayan, ay huwag siyang magpapakahawa na magpapakarumi.
5 (B)Huwag nilang kakalbuhin ang kanilang ulo, o gugupitin man ang dulo ng kanilang balbas, o kukudlitan man ang kanilang laman.
6 Sila'y magpakabanal sa kanilang Dios, (C)at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Dios: sapagka't sila ang naghahandog ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, na tinapay ng kanilang Dios, kaya't sila'y magpapakabanal.
7 (D)Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, (E)ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios.
8 Papagbabanalin mo nga siya; sapagka't siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Dios: siya'y magiging banal sa inyo; sapagka't akong Panginoon nagpapaging banal sa inyo (F)ay banal.
9 (G)At kung ang anak na babae ng isang saserdote ay magpakarumi sa pagpapatutot, ay kaniyang binigyan ng kahihiyan ang kaniyang ama: siya'y susunugin sa apoy.
10 (H)At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pangpahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan (I)ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot;
11 (J)Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man, ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama, o dahil sa kaniyang ina;
12 (K)Ni lalabas sa santuario, ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios; (L)sapagka't ang talaga na langis na pangpahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya: ako ang Panginoon.
13 At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis.
14 Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.
15 At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya.
Karapatan sa pagkasaserdote.
16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.
18 Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, (M)o ang mayroong kuntil,
19 O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,
20 O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o (N)luslusin:
21 Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya'y may kapintasan; siya'y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios.
22 Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, (O)ang pinakabanal at (P)ang mga bagay na banal:
23 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang (Q)huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't (R)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
24 Gayon sinalita ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel.
Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.
26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 (D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
4 (E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 (F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
27 Ang Panginoon (I)ay aking liwanag, at (J)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 (K)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 (L)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (M)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (N)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 (O)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6 At ngayo'y matataas ang (P)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, (Q)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 (R)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (S)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (T)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (U)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (V)nagsibangon laban sa akin,
At ang (W)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(X)Sa lupain ng may buhay.
14 (Y)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
Ang kasamaan ng tao at ang pagkakatulad sa hayop.
4 Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita (A)ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.
2 (B)Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;
3 (C)Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.
4 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. (D)Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
5 (E)Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.
6 (F)Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.
7 Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.
8 May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga (G)mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, (H)sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.
9 Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.
10 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.
11 Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?
12 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.
13 Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.
14 Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.
15 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.
16 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya. Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
6 Ang lahat ng mga alipin (A)na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang (B)ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag (C)malapastangan.
2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang (D)magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.
3 Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at (E)hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, (F)at sa aral na ayon sa kabanalan;
4 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, (G)kundi may-sakit sa mga usapan at (H)mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga (I)pagalipusta, mga masasamang akala.
5 Pagtataltalan ng mga taong (J)masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.
6 Datapuwa't ang kabanalan na (K)may kasiyahan ay (L)malaking kapakinabangan:
7 Sapagka't (M)wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;
8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.
9 Datapuwa't (N)ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, (O)na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.
10 Sapagka't (P)ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.
11 Datapuwa't ikaw, (Q)Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.
12 Makipagbaka ka (R)ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, (S)manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.
13 (T)Ipinagbibilin ko sa iyo (U)sa paningin ng Dios (V)na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, (W)na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;
14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan (X)hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:
15 Na (Y)sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, (Z)na mapalad at tanging Makapangyarihan (AA)Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;
16 (AB)Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng (AC)sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.
17 Ang mayayaman sa sanglibutang (AD)ito, ay pagbilinan mo na (AE)huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;
18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
19 (AF)Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang (AG)sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.
20 Oh Timoteo, (AH)ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, (AI)na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at (AJ)ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;
21 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978