Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 22

Batas ng kalinisan para sa mga saserdote.

22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak (A)na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, (B)na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon.

Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, (C)na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon.

Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o (D)may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay (E)hanggang siya'y malinis. At (F)ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o (G)lalaking nilabasan ng binhi nito;

O sinomang (H)humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o (I)lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya;

Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na (J)maligo siya sa tubig.

At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, (K)sapagka't siya niyang tinapay.

Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.

Iingatan nga nila ang aking bilin, (L)baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

10 (M)Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.

11 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay (N)ay makakakain ng kaniyang tinapay.

12 At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay.

13 Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak (O)at bumalik sa bahay ng kaniyang ama (P)na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon.

14 (Q)At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay, ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon, at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay.

15 (R)At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na inihahandog sa Panginoon;

16 At (S)gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala, pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

Ang hayop na maaaring maging handog

17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

18 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (T)Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinaka handog na susunugin;

19 (U)Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.

20 (V)Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo.

21 (W)At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, (X)sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.

22 (Y)Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o (Z)galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na (AA)pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.

23 Maging toro o tupa (AB)na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.

24 Yaong niluluslusan, o napisa, o nabasag, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain.

25 Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na (AC)pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: (AD)sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 (AE)Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy.

28 At maging baka o tupa (AF)ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak.

29 (AG)At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin.

30 Sa araw ding iyan kakanin; (AH)huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga: ako ang Panginoon.

31 (AI)Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon.

32 (AJ)At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; (AK)kundi ako'y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel: (AL)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa inyo,

33 (AM)Na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang ako'y maging inyong Dios: ako ang Panginoon.

Mga Awit 28-29

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (M)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (N)kagandahan ng kabanalan.
(O)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (P)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (Q)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (R)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (S)naupo sa Baha na parang Hari;
(T)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (U)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Eclesiastes 5

Ang kabanalan ay ipinayo. Maling paggamit ng kayamanan.

Ingatan mo ang iyong paa (A)pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; (B)sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.

(C)Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: (D)kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.

Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng mangmang (E)sa karamihan ng mga salita.

(F)Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, (G)huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.

(H)Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.

Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; (I)at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay?

Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios.

Kung iyong nakikita ang (J)kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong (K)mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.

Bukod dito, ay sa lahat ang pakinabang sa lupa: ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid.

10 Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig (L)sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.

11 Pagka ang mga pagaari ay nagsisidami, ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon: at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon, kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata?

12 Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya.

13 (M)May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw, ito nga, ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya.

14 At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari; at kung siya'y magkaanak ng lalake, walang maiiwan sa kaniyang kamay.

15 Kung paanong siya'y (N)lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay.

16 At ito man ay malubhang kasamaan, na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon: (O)at anong pakinabang mayroon siya, na gumagawa sa hangin?

17 Lahat ng mga araw naman niya ay (P)ikinakain niya sa kadiliman, at siya'y totoong nayayamot, at may sakit at pagiinit.

18 Narito, na aking nakita (Q)na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.

19 Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pagaari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa—(R)ito'y kaloob ng Dios.

20 Sapagka't hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay; sapagka't sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso.

2 Timoteo 1

Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa (B)pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,

(C)Kay Timoteo na (D)aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Nagpapasalamat ako sa Dios, na (E)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (F)malinis, (G)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw

Na kinasasabikan kong makita kita, (H)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;

Na inaalaala ko (I)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (J)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (K)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (L)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (M)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (N)kahusayan.

(O)Huwag mo ngang ikahiya (P)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (Q)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;

Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (R)tumawag ng isang banal na (S)pagtawag, (T)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (U)ayon sa kaniyang sariling akala at (V)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (W)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.

10 Nguni't (X)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (Y)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,

11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (Z)tagapangaral, at apostol at guro.

12 Dahil dito'y nagtiis (AA)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (AB)hindi ako nahihiya; (AC)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (AD)hanggang sa araw na yaon.

13 Ingatan mo (AE)ang mga ulirang mga salitang (AF)magagaling (AG)na narinig mo sa akin, (AH)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.

14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (AI)na nananahan sa atin.

15 Ito'y nalalaman mo, na (AJ)nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.

16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan (AK)ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang (AL)aking tanikala;

17 Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.

18 (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon (AM)sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978