Add parallel Print Page Options

At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, (A)at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis, ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan, ay magiging karumaldumal.

10 At ang alin mang taong humipo ng alinmang bagay na napalagay sa ilalim niyaon, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: at ang magdala ng mga bagay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

11 At yaong lahat na mahipo ng inaagasan na hindi nakapaghugas ng kaniyang mga kamay sa tubig, ay maglalaba nga rin ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Read full chapter

22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso (A)sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula (B)sa isang masamang budhi: at (C)mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

Read full chapter