M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pitong ilawan sa santuario.
8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, (A)Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero.
3 At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
4 (B)At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay (C)yari sa pamukpok: (D)ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero.
Paglilinis sa mga Levita.
5 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila.
7 At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: (E)iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, (F)at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.
8 (G)Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan.
9 (H)At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan (I)at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel:
10 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At (J)ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita:
11 At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.
12 (K)At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita.
13 At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon.
14 Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay (L)magiging akin.
15 At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.
16 Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; (M)na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.
17 (N)Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.
18 At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.
19 At (O)aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel (P)upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.
20 Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila.
21 (Q)At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni (R)Aaron sila na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila.
22 At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila.
23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24 Ito ang nauukol sa mga Levita: (S)mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.
25 At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod;
26 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, (T)upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.
44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
2 (B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
3 (C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
4 (F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
5 Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
6 Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
7 Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
8 Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
9 Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (K)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (L)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (M)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (N)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (O)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (P)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(Q)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(R)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (S)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(T)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (U)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (V)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(W)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (X)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (Y)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (Z)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (AA)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.
Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.
6 Saan naparoon ang iyong sinisinta,
(A)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Saan tumungo ang iyong sinisinta,
Upang siya'y aming mahanap na kasama mo?
2 Ang sinisinta ko'y bumaba (B)sa kaniyang halamanan,
(C)Sa mga pitak ng mga especia,
Upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga (D)lila.
3 Ako'y sa aking sinisinta, (E)at ang sinisinta ko ay akin:
Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
4 Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng (F)Tirsa,
Kahalihalina na gaya ng Jerusalem,
Kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.
5 Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin,
Sapagka't kanilang dinaig ako.
(G)Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nangahihilig sa gulod ng Galaad.
6 Ang iyong mga ngipin ay (H)gaya ng kawan ng mga babaing tupa,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo;
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
7 Ang iyong mga pisngi ay (I)gaya ng putol ng granada
Sa likod ng iyong lambong.
8 (J)May anim na pung reina, at walong pung babae;
At mga dalaga na walang bilang.
9 Ang aking kalapati, ang aking (K)sakdal ay isa lamang;
Siya ang bugtong ng kaniyang ina;
Siya ang pili ng nanganak sa kaniya.
(L)Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad;
Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
10 (M)Sino siyang tumitinging parang umaga,
Maganda na parang buwan,
Maliwanag na parang araw,
(N)Kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile,
(O)Upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis,
Upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas,
At ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa
Sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
13 Bumalik ka, bumalik ka, (P)Oh Sulamita;
Bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan.
Bakit ninyo titingnan ang Sulamita,
Nang gaya sa sayaw ng Mahanaim?
6 Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi (A)sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2 Ng aral (B)na tungkol sa mga paglilinis, (C)at ng pagpapatong ng mga kamay, (D)at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, (E)at ng paghuhukom na walang hanggan.
3 At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.
4 Sapagka't tungkol sa mga minsang (F)naliwanagan at nakalasap (G)ng kaloob ng kalangitan, at mga (H)nakabahagi ng Espiritu Santo,
5 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan (I)ng panahong darating,
6 At saka nahiwalay sa Dios ay (J)di maaaring baguhin silang muli (K)sa pagsisisi; (L)yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
7 Sapagka't ang lupang (M)humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:
8 Datapuwa't (N)kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.
9 Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:
10 Sapagka't ang (O)Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong (P)paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
11 At ninanasa namin na ang (Q)bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
12 Na huwag kayong (R)mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana (S)ng mga pangako.
13 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay (T)ipinanumpa ang kaniyang sarili,
14 Na sinasabi, (U)Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
16 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y (V)ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.
17 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga (W)tagapagmana ng pangako (X)ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;
18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y (Y)di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
19 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag (Z)at pumapasok sa nasa loob ng (AA)tabing;
20 Na doo'y (AB)pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, (AC)na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978