M’Cheyne Bible Reading Plan
Batas tungud sa pagiingat ng paskua ng Panginoon.
9 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang (A)buwan ng ikalawang taon pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 (B)Bukod sa rito ay ipagdiwang ng mga anak ni Israel ang paskua sa kaniyang kaukulang panahon.
3 Sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, sa paglubog ng araw ay inyong ipagdidiwang sa kaniyang kaukulang panahon: ayon sa lahat na palatuntunan niyaon, at ayon sa lahat ng ayos niyaon, ay inyong ipagdidiwang.
4 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel upang ipagdiwang ang paskua.
5 At kanilang ipinagdiwang ang paskua nang unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, sa ilang ng Sinai: ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.
6 (C)At may mga lalake na mga marurumi dahil sa bangkay ng isang tao, na anopa't hindi nila naipagdiwang ang paskua nang araw na yaon; (D)at nagsiharap sila kay Moises kay Aaron nang araw na yaon:
7 At ang mga lalaking yaon ay nagsipagsabi sa kanila, Kami ay mga marumi dahil sa bangkay ng isang tao: bakit kami ay masasansala na anopa't kami ay huwag maghandog ng alay sa Panginoon sa kaniyang kaukulang panahon na kasama ng mga anak ni Israel?
8 At sinabi ni Moises sa kanila, (E)Maghintay kayo; upang aking marinig ang ipaguutos ng Panginoon tungkol sa inyo.
9 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinomang tao sa inyo o sa inyong sali't saling lahi ay maging marumi dahil sa isang bangkay, o masumpungan sa isang malayong paglalakbay, ay kaniyang ipagdidiwang din ang paskua sa Panginoon:
11 (F)Sa ikalawang buwan nang ikalabing apat na araw sa paglubog ng araw, ay kanilang ipagdidiwang; (G)kanilang kakanin na may mga tinapay na walang lebadura at mga gulay na mapait:
12 (H)Wala silang ititira niyaon hanggang sa kinaumagahan, (I)ni sisira ng buto niyaon: (J)ayon sa buong palatuntunan ng paskua ay kanilang ipagdidiwang.
13 Datapuwa't ang lalaking malinis, at wala sa paglalakbay, at hindi magdiwang ng paskua, ay ihihiwalay ang (K)taong yaon, sa kaniyang bayan; sapagka't siya'y hindi naghandog ng alay sa Panginoon sa kaukulang panahon, ang (L)taong yaon ay magtataglay ng kaniyang kasalanan.
14 At kung ang isang taga ibang bayan ay makikipamayan sa inyo, at ipagdidiwang ang paskua sa Panginoon; ayon sa palatuntunan ng paskua, at ayon sa ayos, ay gayon gagawin niya; (M)kayo'y magkakaroon ng isang palatuntunan, maging sa taga ibang lupa, at maging sa ipinanganak sa lupain.
Ang ulap sa tabernakulo.
15 (N)At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: (O)at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan.
16 Gayon namalagi: ang ulap ang tumakip doon, at ang anyong apoy sa gabi.
17 (P)At kailan pa man ang ulap ay napaitaas mula sa ibabaw ng Tolda ay naglakbay nga pagkatapos ang mga anak ni Israel: at sa dakong tigilan ng ulap ay doon humantong ang mga anak ni Israel.
18 Sa utos ng Panginoon ay nagsisipaglakbay ang mga anak ni Israel, at sa utos ng Panginoon ay humantong sila: kung gaano (Q)kalaon ang itigil ng ulap sa ibabaw ng tabernakulo, ay siya nilang ipina-nanatili sa kampamento.
19 At pagka ang ulap ay tumigil sa ibabaw ng tabernakulo na maluwat, ay (R)iningatan ng mga anak ni Israel ang bilin ng Panginoon at hindi naglalakbay.
20 At kung minsan ay nananatiling ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo ang ulap; ayon nga sa utos ng Panginoon ay tumitira sila sa mga tolda at ayon sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila.
21 At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan, ay naglakbay sila: maging araw maging gabi, na ang ulap ay paitaas, ay naglakbay sila.
22 Maging dalawang araw o isang buwan, o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, na manatili sa ibabaw niyaon, ay (S)tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay: datapuwa't pagtaas ay naglakbay sila.
23 Sa utos ng Panginoon ay humantong sila, at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon, sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.
45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
2 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
3 Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
4 At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
5 Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
6 (G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 (H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
8 Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
9 (K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.
Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.
7 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, (A)Oh anak na babae ng pangulo!
Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas,
Na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa,
Na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo:
Ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo
Na nalalagay sa palibot ng mga (B)lila.
3 Ang iyong dalawang suso ay (C)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal na usa.
4 Ang iyong leeg ay (D)gaya ng moog na garing;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa (E)Hesbon
Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim;
Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano
Na nakaharap sa Damasco.
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo,
At ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube;
Ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma,
At ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
8 Aking sinabi, Ako'y aakyat sa puno ng palma,
Ako'y hahawak sa mga sanga niyaon;
Ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas,
At ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak,
Na tumutulong marahan para sa aking sinisinta,
Na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
10 Ako'y (F)sa aking sinisinta,
At ang kaniyang nasa ay (G)sa akin.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang;
Tumigil tayo sa mga nayon.
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan:
Tingnan natin kung ang puno ng ubas ay (H)nagbubuko,
At kung ang kaniyang mga (I)bulaklak ay nagsisibuka,
At kung ang mga granada ay namumulaklak:
Doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
13 Ang mga mandragora ay (J)nagpapahalimuyak ng bango,
At nasa ating mga pintuan (K)ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma,
Na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
7 Sapagka't itong si (A)Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya,
2 Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;
3 Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng (B)Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote (C)magpakailan man.
4 Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.
5 At katotohanan (D)ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:
6 Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala (E)yaong may mga pangako.
7 Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.
8 At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na (F)pinatutunayang nabubuhay.
9 At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;
10 Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec.
11 Ngayon kung may kasakdalan (G)nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, (H)ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?
12 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.
13 Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana.
14 Sapagka't maliwanag na (I)ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote.
15 At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote,
16 Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan:
17 Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya,
(J)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
18 Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa (K)kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan
19 (Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at (L)may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay (M)nagsisilapit tayo sa Dios.
20 At yamang yao'y hindi naging sa walang sumpa
21 (Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya,
Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi,
Ikaw ay saserdote magpakailan man);
22 Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot (N)sa lalong mabuting tipan.
23 At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy:
24 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.
25 Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa (O)mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang (P)mamagitan sa kanila.
26 Sapagka't nararapat sa atin ang gayong (Q)dakilang saserdoteng (R)banal, walang sala, walang dungis, (S)nahihiwalay sa mga makasalanan, (T)at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;
27 Na hindi nangangailangan (U)araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote (V)una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't (W)ito'y ginawa niyang (X)minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.
28 Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng (Y)sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa (Z)Anak, (AA)na sakdal magpakailan man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978