Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 11-12

Malinis at di malinis na hayop.

11 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi,

Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, (A)Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa.

Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang (B)koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, (C)karumaldumal nga sa inyo.

Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo.

Ang mga ito'y inyong makakain sa mga nasa tubig: alin mang may mga palikpik at mga kaliskis sa tubig, sa mga dagat at sa mga ilog, ay makakain ninyo.

10 At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat, at sa mga ilog, at sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng may buhay sa tubig, (D)ay pawang karumaldumal nga sa inyo.

11 At magiging karumaldumal sa inyo; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumaldumal.

12 Anomang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumaldumal sa inyo.

13 At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:

14 At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas;

15 Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak;

16 At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan;

17 At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago;

18 At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano, at ang buitre;

19 At ang ciguena, ang tagak ayon sa kaniyang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

20 Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo.

21 Gayon man, ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa, ang mga may dalawang paang mahaba, bukod pa sa kanilang mga paa, upang kanilang ipanglukso sa lupa;

22 Sa kanila'y makakain ninyo ang mga ito: (E)ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang, at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton, at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig, at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong.

23 Datapuwa't lahat na may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa, ay kasuklamsuklam nga sa inyo.

Ang karumihan mula sa mga bangkay.

24 At sa mga ito ay magiging karumaldumal kayo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon:

25 At sinomang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, (F)ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

26 Bawa't hayop na may hati ang paa na hindi baak, o hindi ngumunguya, ay karumaldumal sa inyo: bawa't humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal.

27 At anomang inilalakad ang kaniyang pangamot sa lahat ng hayop na inilalakad ang apat na paa, ay karumaldumal nga sa inyo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

28 At ang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: mga karumaldumal nga sa inyo.

29 At ang mga ito'y karumaldumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad, sa ibabaw ng lupa: ang bubwit, (G)at ang daga, at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak;

30 At ang tuko, at ang buwaya, at ang butiki, at ang bubuli at ang hunyango.

31 Ang mga ito'y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

32 At yaong lahat na kabagsakan ng mga iyan, pagka patay, ay magiging karumaldumal nga: maging alin mang kasangkapan kahoy, o bihisan, o balat, o supot, alin mang kasangkapang ginagamit sa anomang gawa, (H)sa tubig dapat ilubog, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon; kung magkagayo'y magiging malinis.

33 At bawa't sisidlang lupa na kahulugan ng mga iyan, lahat ng nalalaman doon ay magiging karumaldumal, (I)at yao'y inyong babasagin.

34 Lahat ng pagkain na makakain na kabuhusan ng tubig, ay magiging karumaldumal; at lahat ng inuming maiinom na masilid sa alin man sa mga gayong sisidlang lupa, ay magiging karumaldumal.

35 At lahat na kahulugan ng anomang bahagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal; maging hurno o kalan ng mga palyok, ay babasagin: mga karumaldumal nga at magiging karumaldumal sa inyo.

36 Gayon ma'y ang isang bukal o ang isang balon, na tipunan ng tubig, ay magiging malinis: datapuwa't ang masagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal.

37 At kung mahulugan ng kanilang bangkay ang alin mang binhing panhasik na ihahasik, ay malinis.

38 Nguni't kung nabasa ang binhi at mahulugan ng bangkay ng mga yaon, ay magiging karumaldumal sa inyo.

39 At kung ang anomang hayop na inyong makakain ay mamatay; ang makahipo ng bangkay niyaon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

40 At (J)ang kumain ng bangkay niyaon ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: gayon din ang bumuhat ng bangkay niyaon, ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Ang bawa't umuusad ay hindi dapat kanin.

41 (K)At bawa't umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, ay karumaldumal; hindi kakanin.

42 Lahat ng lumalakad (L)ng kaniyang tiyan, at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa, sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa, ay huwag ninyong kakanin; sapagka't mga karumaldumal nga.

43 Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad, o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan, na anopa't huwag kayong mangahawa riyan,

44 Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at (M)kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

45 (N)Sapagka't ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal.

46 Ito ang kautusan tungkol sa hayop, at sa ibon, at sa lahat na may buhay na gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa;

47 (O)Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumaldumal at ang malinis, at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain.

Ang paglilinis ng mga babae.

12 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (P)Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.

(Q)At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.

At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.

Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.

(R)At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinaka handog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;

At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae.

At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng (S)dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinaka handog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: (T)at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.

Mga Awit 13-14

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(A)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(B)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
(C)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (D)pagka ako'y nakilos.
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
Ako'y aawit sa Panginoon,
(E)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

14 (F)Ang (G)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(H)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(I)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
(J)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(K)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(L)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (M)kanlungan.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (N)sa Sion!
Kung (O)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Mga Kawikaan 26

Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.

26 Kung paano ang niebe sa taginit, (A)at kung paano ang ulan sa pagaani,
Gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad,
Gayon (B)ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
(C)Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno,
At (D)ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
(E)Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
(F)Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang
Naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
Ang mga hita ng pilay ay nabibitin:
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog,
Gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango,
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat,
Gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 Kung paano ang (G)aso na bumabalik sa kaniyang suka,
Gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 (H)Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili.
May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
13 (I)Sinabi ng tamad, May leon sa daan;
Isang leon ay nasa mga lansangan.
14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra,
Gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
15 (J)Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan;
Napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili
Kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
17 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya,
Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy,
Mga pana, at kamatayan;
19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa,
At nagsasabi, (K)Hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
20 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy:
(L)At kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy;
Gayon (M)ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
22 (N)Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
23 Mga mapusok na labi at masamang puso
Ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi,
Nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
25 (O)Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan;
Sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan,
At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
27 (P)Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon:
At siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
28 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya;
At ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.

1 Tesalonica 5

Datapuwa't tungkol sa (A)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (B)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (C)ng kaarawan ng Panginoon ay (D)gaya ng magnanakaw sa gabi.

Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (E)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Nguni't kayo, (F)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

Sapagka't kayong lahat (G)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

(H)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (I)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (J)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (K)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

Sapagka't tayo'y (L)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

10 Na (M)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

11 Dahil dito (N)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (O)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (P)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (Q)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (R)alalayan ang mga mahihina, (S)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 (T)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

16 (U)Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong (V)walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay (W)magpasalamat kayo; sapagka't ito (X)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin (Y)ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin (Z)ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang (AA)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang (AB)bawa't anyo ng masama.

23 At pakabanalin (AC)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (AD)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (AE)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 (AF)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

25 Mga kapatid, (AG)idalangin ninyo kami.

26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AH)banal na halik.

27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AI)ang sulat na ito.

28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978