Mga Hukom 13:5
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na (A)daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang (B)pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.
Read full chapter
Mga Hukom 16:17
Ang Biblia (1978)
17 At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, (A)Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.
Read full chapter
1 Samuel 1:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (B)kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at (C)aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at (D)walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978