Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 119:169-176

TAU.

169 O Panginoon, sa harapan mo ang aking daing ay dumating nawa;
    bigyan mo ako ng pagkaunawa ayon sa iyong salita!
170 Sa harapan mo ang aking panalangin ay dumating nawa,
    iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Umawit nawa ng papuri ang mga labi ko,
    sapagkat itinuturo mo sa akin ang mga batas mo.
172 Awitin nawa ng aking dila ang iyong salita,
    sapagkat lahat ng mga utos mo ay matuwid.
173 Maging handa nawa ang iyong kamay na tulungan ako,
    sapagkat aking pinili ang mga alituntunin mo.
174 O Panginoon, ang iyong pagliligtas ay aking kinasasabikan,
    at ang iyong kautusan ay aking kasiyahan.
175 Hayaan mo akong mabuhay, upang ako'y makapagpuri sa iyo,
    at tulungan nawa ako ng mga batas mo.
176 Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod,
    sapagkat hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

1 Mga Hari 13:1-10

Si Jeroboam ay Pinaalalahanan ng Isang Propeta

13 Dumating ang isang tao ng Diyos mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Bethel. Si Jeroboam ay nakatayo sa tabi ng dambana upang magsunog ng insenso.

Ang(A) lalaki ay sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon, “O dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon: ‘Isang batang lalaki ang ipapanganak sa sambahayan ni David na ang pangalan ay Josias; at iaalay niya sa ibabaw mo ang mga pari ng matataas na dako, na nagsusunog ng insenso sa iyo, at mga buto ng mga taong susunugin sa ibabaw mo.’”

At siya'y nagbigay ng tanda nang araw ding iyon na sinasabi, “Ito ang tanda na sinabi ng Panginoon, ‘Ang dambana ay mawawasak at ang mga abo na nasa ibabaw nito ay matatapon.’”

Nang marinig ng hari ang salita ng tao ng Diyos na kanyang isinigaw laban sa dambana sa Bethel, iniunat ni Jeroboam ang kanyang kamay mula sa dambana, at sinabi, “Hulihin siya.” At ang kanyang kamay na kanyang iniunat laban sa kanya ay natuyo, anupa't hindi niya ito maibalik sa kanyang sarili.

Ang dambana ay nawasak at ang mga abo ay natapon mula sa dambana, ayon sa tanda na ibinigay ng tao ng Diyos sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.

Ang hari ay sumagot at sinabi sa tao ng Diyos, “Hilingin mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Diyos, at idalangin mo ako, upang ang aking kamay ay bumalik sa kanyang sarili.” At idinalangin siya ng tao ng Diyos sa Panginoon, at ang kamay ng hari ay bumalik sa kanyang sarili, at naging gaya ng dati.”

At sinabi ng hari sa tao ng Diyos, “Umuwi kang kasama ko, kumain ka, at bibigyan kita ng gantimpala.”

Sinabi ng tao ng Diyos sa hari, “Kung ibibigay mo sa akin ang kalahati ng iyong bahay ay hindi ako hahayong kasama mo, o kakain man ako ng tinapay o iinom man ako ng tubig sa dakong ito.

Sapagkat iyon ang iniutos sa akin ng salita ng Panginoon, ‘Huwag kang kakain ng tinapay, o iinom man ng tubig, ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan.’”

10 Kaya't dumaan siya sa ibang daan, at hindi na bumalik sa daan na kanyang dinaanan patungo sa Bethel.

Roma 3:9-20

Walang Matuwid

Ano ngayon? Tayo bang mga Judio ay nakakalamang? Hindi, kahit na sa anong paraan; sapagkat amin nang napatunayan na ang lahat ng tao, maging mga Judio at mga Griyego, ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan,

10 gaya(A) ng nasusulat,

“Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11     wala ni isang nakakaunawa,
    wala ni isang humahanap sa Diyos.
12 Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan;
    walang gumagawa ng mabuti,
    wala, wala kahit isa.”
13 “Ang(B) kanilang lalamunan ay isang libingang bukas;
    sa pamamagitan ng kanilang mga dila ay gumagawa sila ng pandaraya.”
“Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.”
14     “Ang(C) kanilang bibig ay punô ng panunumpa at kapaitan.”
15 “Ang(D) kanilang mga paa ay matutulin sa pagpapadanak ng dugo;
16     pagkawasak at kalungkutan ang nasa kanilang mga landas,
17 at ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala.”
18     “Walang(E) takot sa Diyos sa kanilang mga mata.”

19 Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos.

20 Sapagkat(F) sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay “walang tao[a] na ituturing na ganap sa paningin niya,” sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001