Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Levitico 23-24

Batas tungkol sa mga Kapistahan

23 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

“Magsalita ka sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila: Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon na inyong ipahahayag bilang mga banal na pagpupulong.

Anim(A) na araw na gagawin ang mga gawain, subalit ang ikapitong araw ay Sabbath na ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain; ito ay Sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong mga paninirahan.

“Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, mga banal na pagpupulong na inyong ipagdiriwang sa takdang panahon.

Ang Paskuwa at Tinapay na Walang Pampaalsa(B)

“Sa(C) ikalabing-apat na araw ng unang buwan, sa paglubog ng araw, ay ang Paskuwa ng Panginoon.

Ang(D) ikalabinlimang araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa Panginoon. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw.

Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

Kayo ay maghahandog sa Panginoon sa loob ng pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; at ang ikapitong araw ay magiging banal na pagpupulong. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.”

At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

10 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Kapag kayo'y dumating sa lupain na aking ibinibigay sa inyo, at inyong nagapas na ang ani niyon, ay dalhin ninyo sa pari ang unang bunga ng inyong inani.

11 Iwawagayway niya ang bigkis sa harapan ng Panginoon upang kayo'y tanggapin; sa kinabukasan pagkatapos ng Sabbath, ito ay iwawagayway ng pari.

12 At ikaw ay maghahandog ng isang taong gulang na kordero na walang kapintasan, sa araw na iyong iwagayway ang bigkis bilang handog na sinusunog sa Panginoon.

13 Ang handog na butil ay magiging dalawang ikasampung bahagi ng isang efa ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy na may mabangong samyo. Ang handog na inumin na kasama nito ay alak na ikaapat na bahagi ng isang hin.[a]

Kapistahan ng Pag-aani(E)

14 Huwag kayong kakain ng tinapay at trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang handog sa inyong Diyos. Ito ay tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi, sa lahat ng inyong mga tirahan.

15 “Mula(F) sa kinabukasan, pagkalipas ng Sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na iwinawagayway, ay bibilang kayo ng pitong buong linggo.

16 Hanggang sa kinabukasan pagkalipas ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limampung araw; pagkatapos ay mag-aalay kayo ng handog na bagong butil sa Panginoon.

17 Mula sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay upang iwagayway, na ang bawat isa ay dalawang ikasampung bahagi ng isang efa na mula sa piling harina, at lulutuin na may pampaalsa bilang unang bunga sa Panginoon.

18 Bukod sa tinapay, maghahandog kayo ng pitong kordero na isang taong gulang na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalaki. Ang mga ito ay magiging handog na sinusunog sa Panginoon, kasama ng kanilang butil na handog, at ng kanilang mga handog na inumin, isang handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo sa Panginoon.

19 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki bilang handog pangkasalanan, at ng dalawang korderong lalaki na isang taong gulang bilang alay na mga handog pangkapayapaan.

20 Ang mga iyon ay iwawagayway ng pari kasama ng tinapay ng mga unang bunga, bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon, kasama ng dalawang kordero; ang mga iyon ay magiging banal sa Panginoon para sa pari.

21 Ikaw ay magpapahayag sa araw ding iyon; ito ay banal na pagtitipon sa inyo; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain. Ito ay walang hanggang tuntunin sa lahat ng inyong mga tahanan sa buong panahon ng inyong salinlahi.

22 “Kapag(G) inyong ginapas ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong gagapasan hanggang sa mga sulok ng inyong bukid; huwag ninyong titipunin ang mga nalaglag sa inyong pag-aani. Iiwan ninyo ang mga iyon para sa dukha at sa dayuhan: Ako ang Panginoon ninyong Diyos.”

Pista ng mga Trumpeta(H)

23 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

24 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel: Sa unang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng unang araw ng ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta.

25 Kayo'y huwag gagawa ng anumang mabigat na gawain at kayo'y mag-aalay ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.”

Ang Araw ng Pagtubos(I)

26 At(J) nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 “Gayundin, ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ay araw ng pagtubos. Magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong, magpakumbaba kayo,[b] at mag-alay kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

28 Huwag kayong gagawa ng anumang gawa sa araw ding ito, sapagkat ito ay araw ng pagtubos, upang gumawa ng pagtubos para sa inyo sa harapan ng Panginoon ninyong Diyos.

29 Sapagkat sinumang tao na hindi magpakumbaba[c] sa araw ding ito ay ititiwalag sa kanyang bayan.

30 At sinumang tao na gumawa ng anumang gawa sa araw ding ito ay pupuksain ko sa kalagitnaan ng kanyang bayan.

31 Kayo'y huwag gagawa ng anumang gawa; ito ay isang walang hanggang tuntunin sa buong panahon ng inyong salinlahi sa lahat ng inyong tirahan.

32 Ito ay magiging ganap na kapahingahan sa inyo, at kayo'y magpapakumbaba; sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa paglubog ng araw hanggang sa paglubog ng araw ay ipapangilin ninyo ang inyong Sabbath.”

Kapistahan ng mga Kubol(K)

33 At(L) nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

34 “Iyong sabihin ang ganito sa mga anak ni Israel: Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwang ito ay pitong araw na Kapistahan ng mga Kubol[d] sa Panginoon.

35 Ang unang araw ay isang banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anumang mabigat na gawain.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy. Sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy. Ito ay isang taimtim na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

37 “Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon na inyong ipahahayag bilang mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na sinusunog, ng butil na handog, at ng mga inuming handog, na bawat isa ay sa nararapat na araw;

38 bukod sa mga Sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, bukod sa lahat ng inyong panata, bukod sa lahat ng inyong mga kusang-loob na handog na inyong ibibigay sa Panginoon.

39 “Gayundin, sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, kapag inyong tinipon ang bunga ng lupain, ipagdiriwang ninyo ang mga kapistahan ng Panginoon sa loob ng pitong araw; ang una at ikawalong araw ay Sabbath.

40 Sa unang araw ay magdadala kayo ng bunga ng magagandang punungkahoy, ng mga sanga ng mga palma, mga sanga ng mayayabong na punungkahoy, at ng maliliit na halaman sa batis; at kayo'y magdiriwang sa harapan ng Panginoon ninyong Diyos sa loob ng pitong araw.

41 Inyong tutuparin ito bilang isang kapistahan sa Panginoon sa loob ng pitong araw sa bawat taon. Ito ay isang tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi; sa ikapitong buwan ay ipagdiriwang ninyo ang kapistahang ito.

42 Kayo'y maninirahan sa mga kubol sa loob ng pitong araw; ang lahat ng katutubo sa Israel ay maninirahan sa mga kubol,

43 upang malaman ng inyong salinlahi na pinatira ko sa mga kubol ang mga anak ni Israel nang sila'y aking ilabas sa lupain ng Ehipto: Ako ang Panginoon ninyong Diyos.”

44 Gayon ipinahayag ni Moises ang mga takdang kapistahan ng Panginoon sa bayan ng Israel.

Pangangalaga sa mga Ilawan(M)

24 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

“Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka nila ng dalisay na langis ng olibo na hinalo para sa ilawan, upang patuloy na magningas ang ilawan.

Sa labas ng tabing ng patotoo, sa toldang tipanan, ito ay laging aayusin ni Aaron, mula hapon hanggang sa umaga sa harapan ng Panginoon. Ito'y isang tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi.

Aayusin niyang palagi ang mga ilaw sa ibabaw ng ilawan na yari sa lantay na ginto sa harapan ng Panginoon.

Ang Tinapay na Handog sa Diyos

“Kukuha(N) ka ng piling harina, at sa pamamagitan nito ay magluluto ka ng labindalawang tinapay; dalawang ikasampung bahagi ng efa ang sa bawat tinapay.

Ilalagay mo ang mga iyon sa dalawang hanay, anim sa bawat hanay, sa ibabaw ng hapag na dalisay na ginto.

Maglalagay ka sa bawat hanay ng dalisay na kamanyang, upang maging handog na tanda para sa tinapay bilang handog na pinaraan sa apoy para sa Panginoon.

Sa bawat Sabbath ay palaging aayusin ito ni Aaron sa harapan ng Panginoon para sa mga anak ni Israel, bilang isang tungkuling walang hanggan.

Ito(O) ay magiging kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay kanilang kakainin sa dakong banal, sapagkat ito ay kabanal-banalang bahagi para sa kanya mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, isang walang hanggang bahagi.”

Isang Halimbawa ng Makatarungang Pagpaparusa

10 Noon, ang anak na lalaki ng isang babaing Israelita na ang ama'y Ehipcio ay pumunta sa mga anak ni Israel. Nag-away sa kampo ang anak ng babaing Israelita at ang isang Israelita.

11 At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, sa isang pagsumpa. Siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomit, na anak ni Debri sa lipi ni Dan.

12 Kanilang inilagay siya sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng Panginoon.

13 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

14 “Dalhin mo ang manlalait sa labas ng kampo; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, at hayaang batuhin siya ng buong kapulungan.

15 At sasabihin mo sa mga anak ni Israel, “Sinumang lumait sa kanyang Diyos ay mananagot sa kanyang kasalanan.

16 Ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay tiyak na papatayin; at babatuhin siya ng buong kapulungan; maging dayuhan o katutubo sa lupain ay papatayin kapag nilapastangan ang Pangalan.

17 Sinumang(P) pumatay ng tao ay papatayin,

18 at ang pumatay ng hayop ay magpapalit nito; buhay sa buhay.

19 Kapag pininsala ng sinuman ang kanyang kapwa, gaya ng kanyang ginawa ay gayundin ang gagawin sa kanya,

20 bali(Q) sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin; ayon sa kanyang pagkapinsala sa tao, siya ay pipinsalain.

21 Ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit nito at ang pumatay ng isang tao ay papatayin.

22 Magkakaroon(R) kayo ng isa lamang batas para sa dayuhan at para sa katutubo; sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos.”

23 Nagsalita ng gayon si Moises sa mga anak ni Israel, at kanilang dinala ang taong nanlait sa labas ng kampo, at siya'y pinagbabato. At ginawa ng mga anak ni Israel ang ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Marcos 1:1-22

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Ang pasimula ng ebanghelyo[a] ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos.

Ayon(B) sa nasusulat sa Isaias na propeta,

“Narito, ipinapadala ko ang aking sugo sa iyong unahan,[b]
    na maghahanda ng iyong daan;
ang(C) tinig ng isang sumisigaw sa ilang:
    ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas,’”

si Juan na Tagapagbautismo ay dumating sa ilang at ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Pumupunta sa kanya ang mga tao mula sa buong lupain ng Judea at ang lahat ng mga taga-Jerusalem; at sila'y binabautismuhan niya sa Ilog Jordan, na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.

Si(D) Juan ay nakadamit ng balahibo ng kamelyo, may sinturong balat sa kanyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan.

At siya'y nangangaral, na nagsasabi, “Dumarating na kasunod ko ang higit na makapangyarihan kaysa akin; hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalag ng tali ng kanyang mga sandalyas.

Binautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo.”

Ang Pagbabautismo at Pagtukso kay Jesus(E)

Nang mga araw na iyon ay nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.

10 Pagkaahon niya sa tubig, nakita niyang biglang nabuksan ang kalangitan, at ang Espiritu na bumababa sa kanya na tulad sa isang kalapati.

11 At(F) may isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”

12 At agad siyang dinala ng Espiritu sa ilang.

13 Siya'y nasa ilang ng apatnapung araw, at tinukso siya ni Satanas. Kasama siya ng mababangis na hayop at pinaglingkuran siya ng mga anghel.

Ang Pasimula ng Pangangaral sa Galilea(G)

14 Pagkatapos madakip si Juan, pumunta si Jesus sa Galilea na ipinangangaral ang ebanghelyo ng Diyos,

15 na(H) sinasabi, “Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo.”

Tinawag ang mga Unang Alagad

16 Sa pagdaan ni Jesus[c] sa tabi ng dagat ng Galilea, nakita niya sina Simon at ang kanyang kapatid na si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda.

17 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”

18 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.

19 Nang makalakad pa siya ng kaunti, nakita niya sina Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kanyang kapatid na naghahayuma ng mga lambat sa kanilang bangka.

20 Agad niyang tinawag sila at iniwan nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na kasama ng mga upahang tauhan at sumunod sa kanya.

Ang Lalaking may Masamang Espiritu(I)

21 Nagpunta sila sa Capernaum. Nang araw ng Sabbath, kaagad siyang pumasok sa sinagoga at nagturo.

22 Namangha(J) sila sa kanyang aral, sapagkat sila'y tinuturuan niyang tulad sa isang may awtoridad at hindi gaya ng mga eskriba.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001