Add parallel Print Page Options

16 Iyong(A) ipagdiriwang ang pista ng pag-aani ng mga unang bunga ng iyong pagpapagal, na iyong inihasik sa bukid. Ipagdiriwang mo rin ang pista ng pag-aani, sa katapusan ng taon, kapag inaani mo mula sa bukid ang bunga ng iyong pagpapagal.

Read full chapter

22 Iyong(A) ipapangilin ang Pista ng mga Sanlinggo, ang mga unang bunga ng pag-aani ng trigo, at ang kapistahan ng pagtitipon ng ani sa katapusan ng taon.

Read full chapter

Kapistahan ng Pag-aani(A)

“Pitong(B) sanlinggo ang iyong bibilangin; mula sa panahong pinasimulan mong ilagay ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanlinggo.

10 At ipagdiwang mo ang Pista ng mga Sanlinggo sa Panginoon mong Diyos na may parangal na kusang-loob na handog, na iyong ibibigay ayon sa pagpapala sa iyo ng Panginoon mong Diyos;

11 ikaw at ang iyong anak na lalaki at babae, ang iyong aliping lalaki at babae, ang Levita na nasa loob ng iyong mga bayan, ang dayuhan, ang ulila, ang babaing balo na kasama mo ay magagalak sa harapan ng Panginoon sa lugar na pipiliin ng Panginoon mong Diyos na titirahan ng kanyang pangalan.

12 Iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Ehipto. Masikap mong gawin ang mga tuntuning ito.

Read full chapter