Old/New Testament
Pagpapala sa Pagsunod(A)
26 “Huwag(B) kayong gagawa para sa inyo ng mga diyus-diyosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haliging pinakaalaala, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran iyon, sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos.
2 Inyong iingatan ang aking mga Sabbath, at inyong igagalang ang aking santuwaryo: Ako ang Panginoon!
3 “Kung(C) susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ninyo ang aking mga utos, at gagawin ang mga iyon,
4 ay bibigyan ko kayo ng ulan sa kanilang kapanahunan, at ang lupain ay magbibigay ng kanyang ani, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga.
5 Ang inyong paggiik ay aabot hanggang sa pag-aani ng mga ubas, at ang pag-aani ng ubas ay aabot sa panahon ng paghahasik; at kakainin ninyo ang inyong pagkain hanggang magkaroon kayo ng sapat at mabubuhay kayong tiwasay sa inyong lupain.
6 Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, at wala kayong katatakutan. Aking aalisin sa lupain ang mababangis na hayop, at hindi daraanan ng tabak ang inyong lupain.
7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway, at sila'y mabubuwal sa harapan ninyo sa pamamagitan ng tabak.
8 At lima sa inyo'y hahabol sa isandaan, at isandaan sa inyo'y hahabol sa sampung libo; at ang inyong mga kaaway ay mabubuwal sa harapan ninyo sa pamamagitan ng tabak.
9 At lilingapin ko kayo, at gagawin ko kayong mabunga. Pararamihin ko kayo at papagtibayin ko ang aking tipan sa inyo.
10 Kakainin ninyo ang matagal nang inilaan, at inyong ilalabas ang luma dahil sa bago.
11 At ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo, at ang aking sarili[a] ay hindi mapopoot sa inyo;
12 at(D) ako'y laging lalakad sa gitna ninyo. Ako'y magiging inyong Diyos, at kayo'y magiging aking bayan.
13 Ako ang Panginoon ninyong Diyos, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto upang hindi na kayo maging alipin nila; at aking sinira ang mga kahoy ng inyong pamatok at pinalakad ko kayo ng matuwid.
Parusa sa Pagsuway(E)
14 “Ngunit(F) kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi tutuparin ang lahat ng mga utos na ito,
15 at kung inyong tatanggihan ang aking mga batas, at kasusuklaman ang aking mga hatol, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;
16 ay gagawin ko naman ito sa inyo: Ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, ang nag-aapoy na lagnat na sisira sa mga mata at unti-unting kikitil ng buhay. At maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagkat kakainin iyon ng inyong mga kaaway.
17 Itututok ko ang aking mukha laban sa inyo, at kayo'y masasaktan sa harapan ng inyong mga kaaway. Ang mga napopoot sa inyo ay maghahari sa inyo, at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo.
18 Kung pagkatapos ng mga bagay na ito ay hindi kayo makikinig sa akin, kayo ay parurusahan ko ng higit pa sa pitong ulit dahil sa inyong mga kasalanan;
19 at sisirain ko ang kahambugan ng inyong lakas; at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa;
20 at gugugulin ninyo ang inyong lakas nang walang kabuluhan; sapagkat hindi ibibigay sa inyo ng inyong lupain ang kanyang bunga ni ng kahoy sa parang ang kanyang bunga.
21 “At kung kayo'y lalakad na salungat sa akin, at ayaw makinig sa akin, magdadala ako sa inyo nang higit pa sa pitong ulit na dami ng salot ayon sa inyong mga kasalanan.
22 Susuguin ko sa inyo ang maiilap na hayop sa parang, at aagawan kayo nito ng inyong mga anak. At papatayin ko ang inyong mga hayop, at gagawin kayong iilan, at ang inyong mga lansangan ay mawawalan ng mga tao.
23 “At kung kayo'y hindi ko maturuan sa pamamagitan ng mga bagay na ito, kundi lumakad nang laban sa akin,
24 ako ay lalakad din nang laban sa inyo, at sasaktan ko kayo nang higit pa sa pitong ulit dahil sa inyong mga kasalanan.
25 Magdadala ako ng tabak sa inyo upang ipaghiganti ang tipan; at kayo'y matitipon sa loob ng inyong mga lunsod, at magpapadala ako ng salot sa gitna ninyo, at kayo'y babagsak sa kamay ng kaaway.
26 Kapag sinira ko ang tungkod ninyong tinapay, sampung babae ang magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno, at ipamamahagi sa inyo ang inyong tinapay sa pamamagitan ng timbangan. Kayo'y kakain ngunit hindi kayo mabubusog.
27 “Kung sa kabila nito ay hindi ninyo ako susundin, kundi kayo'y sasalungat sa akin;
28 ako man ay sasalungat sa inyo na may kabagsikan; at parurusahan ko rin kayo nang pitong ulit dahil sa inyong mga kasalanan.
29 At kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki, at kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
30 Sisirain ko ang inyong matataas na dako, at aking wawasakin ang inyong mga dambana. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga bangkay ng inyong mga diyus-diyosan; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa.
31 At gigibain ko ang inyong mga lunsod at ang inyong mga santuwaryo, at hindi ko aamuyin ang inyong mababangong samyo.
32 Gagawin kong ilang ang lupain, at ang inyong mga kaaway na nakatira roon ay magtataka.
33 Kayo'y aking ikakalat sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo, at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga lunsod ay basurahan.
34 “Kaya't tatamasahin ng lupain ang kanyang mga Sabbath hangga't ito'y nananatiling wasak, habang kayo ay nasa lupain ng inyong mga kaaway. Ang lupain ay magtatamasa ng kapahingahan at magagalak sa kanyang mga Sabbath.
35 Ito ay magpapahinga sa lahat ng mga araw ng pagkasira na hindi nito ipinagpahinga sa inyong mga Sabbath nang kayo'y naninirahan doon.
36 At tungkol sa mga malalabi sa inyo, dadalhan ko sila ng takot sa kanilang mga puso sa mga lupain ng kanilang mga kaaway. Hahabulin sila ng tunog ng isang dahong nalalaglag, at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak. Sila'y mabubuwal bagaman walang humahabol sa kanila.
37 Magkakatisuran sila sa isa't isa na parang nasa harapan ng tabak, kahit walang humahabol; at hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan sa harapan ng inyong mga kaaway.
38 At mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa, at lalamunin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway.
39 Ang mga nalalabi sa inyo ay mabubulok sa lupain ng inyong mga kaaway dahil sa kanilang kasamaan; at dahil sa mga kasamaan ng kanilang mga ninuno ay mabubulok din sila.
Ang Habag ay Ipinangako sa Mapagtiis
40 “Subalit kung ipahahayag nila ang kanilang kasamaan at ang kasamaan ng kanilang mga ninuno, sapagkat sila'y nagtaksil laban sa akin, at sapagkat sila'y lumakad ng laban sa akin,
41 kaya't ako'y naging laban sa kanila, at sila'y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway; subalit kung magpapakumbaba ang kanilang mga pusong hindi tuli, at magbayad sa kanilang kasamaan;
42 ay(G) aalalahanin ko ang aking tipan kay Jacob, at akin ding aalalahanin ang aking tipan kay Isaac, at aalalahanin ko rin ang aking tipan kay Abraham, at aking aalalahanin ang lupain.
43 Ngunit ang lupain ay pababayaan nila, at tatamasahin ang kanyang mga Sabbath sa pagiging sira nang sila ay wala; samantalang sila'y magbabayad dahil sa kanilang kasamaan, sapagkat itinakuwil nila ang aking mga tuntunin, at kinapootan nila ang aking mga batas.
44 Subalit sa kabila ng lahat ng iyon, kapag sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila upang sila'y lipulin, upang sirain ang aking tipan sa kanila; sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos;
45 kundi aalalahanin ko alang-alang sa kanila ang tipan sa mga ninuno, na aking inilabas sa lupain ng Ehipto, sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Diyos: Ako ang Panginoon.”
46 Ito ang mga batas at ang mga hatol at ang mga tuntuning ibinigay ng Panginoon sa kanyang sarili at sa mga anak ni Israel sa bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Mga Batas tungkol sa mga Handog sa Panginoon
27 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Kapag ang isang tao ay gumawa ng isang maliwanag na panata sa Panginoon tungkol sa katumbas ng isang tao,
3 ang katumbas para sa isang lalaki ay: mula sa dalawampung taong gulang hanggang sa may animnapu ay limampung siklong[b] pilak, na ihahalaga ayon sa siklo ng santuwaryo.
4 Kapag babae, ang katumbas ay tatlumpung siklo.
5 Kung may gulang na mula sa limang taon hanggang sa may dalawampung taon, ang itutumbas mo ay dalawampung siklo ang sa lalaki at ang sa babae ay sampung siklo.
6 Kung may gulang na mula sa isang buwan hanggang sa limang taon, tutumbasan mo ng limang siklong pilak para sa lalaki at sa babae ay tatlong siklong pilak.
7 Kung may gulang na animnapung taon pataas ay labinlimang siklo ang iyong itutumbas para sa lalaki at sa babae ay sampung siklo.
8 Ngunit kung siya ay mas dukha kaysa inyong itinakdang katumbas, siya ay patatayuin sa harapan ng pari, at tutumbasan siya ng pari; siya ay tutumbasan ng pari ayon sa kakayahan niya na may panata.
9 “At kung tungkol sa hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat ng ibibigay sa Panginoon ay banal.
10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti; at kung sa anumang paraan ay palitan ng iba ang isang hayop, kapwa magiging banal ang kapalit at ang pinalitan.
11 At kung iyon ay alinmang hayop na marumi na hindi maihahandog na alay sa Panginoon, dadalhin niya ang hayop sa harapan ng pari;
12 at ito ay hahalagahan ng pari kung ito ay mabuti o masama; ayon sa paghahalaga ng pari ay magiging gayon.
13 Ngunit kung tunay na kanyang tutubusin, magdaragdag siya ng ikalimang bahagi sa ibinigay mong halaga.
14 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga ng kanyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan ito ng pari, kung mabuti o masama; ayon sa ihahalaga ng pari ay magiging gayon.
15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kanyang bahay, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga roon, at ito ay magiging kanya.
16 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kanyang minana, ang iyong paghahalaga ay ayon sa binhi nito; isang omer[c] na binhi ng sebada sa halagang limampung siklong pilak.[d]
17 Kung itatalaga niya ang kanyang bukid mula sa taon ng pagdiriwang, ito ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18 Subalit kung italaga niya ang kanyang bukid pagkatapos ng pagdiriwang, bibilangin sa kanya ng pari ang salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng pagdiriwang at ito ay ibabawas sa iyong inihalaga.
19 Kung ang bukid ay tutubusin ng nagtalaga nito, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salaping inihalaga roon, at ito ay mapapasa-kanya.
20 At kung hindi niya tubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao, ito ay hindi na matutubos.
21 Subalit ang bukid, kapag naalis sa pagdiriwang, ay magiging banal sa Panginoon, bilang bukid na itinalaga. Ito ay magiging pag-aari ng pari.
22 At kung ang sinuman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na kanyang binili, na hindi sa bukid na kanyang minana;
23 ay bibilangin sa kanya ng pari ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng pagdiriwang, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, isang banal na bagay sa Panginoon.
24 Sa taon ng pagdiriwang, ibabalik ang bukid sa kanyang binilhan, sa kanya na nagmamay-ari ng lupa.
25 Lahat ng iyong paghahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuwaryo: bawat isang siklo ay katumbas ng labinlimang gramo.[e]
26 “Gayunman, walang sinumang magtatalaga ng panganay sa mga hayop. Ito ay panganay para sa Panginoon, maging baka o tupa ay para sa Panginoon.
27 At kung ito ay hayop na marumi, ito ay kanyang tutubusin ayon sa iyong inihalaga at idaragdag ang ikalimang bahagi niyon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28 “Ngunit(H) anumang bagay na itinalaga sa Panginoon mula sa lahat ng kanyang pag-aari, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kanyang pag-aari, ay hindi maipagbibili o matutubos; bawat bagay na itinalaga ay kabanal-banalan sa Panginoon.
29 Walang taong itinalaga sa pagkawasak ang matutubos; siya ay tiyak na papatayin.
Batas tungkol sa mga Buwis
30 “Lahat(I) ng ikasampung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punungkahoy ay sa Panginoon; ito ay banal sa Panginoon.
31 Kung ang isang tao ay tutubos ng alinman sa kanyang ikasampung bahagi, idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyon.
32 At lahat ng ikasampung bahagi sa bakahan o sa kawan, lahat ng ikasampung bahagi na dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol ay banal sa Panginoon.
33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niya itong papalitan; at kung palitan niya ito, kapwa magiging banal ito at ang ipinalit at hindi ito maaaring tubusin.”
34 Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai para sa mga anak ni Israel.
Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Lumpo(A)
2 Nang siya'y magbalik sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang balita na siya'y nasa bahay.
2 Maraming nagtipon, kaya't wala nang lugar kahit sa may pintuan. At kanyang ipinangaral sa kanila ang salita.
3 May mga taong[a] dumating na may dala sa kanya na isang lalaking lumpo na buhat ng apat.
4 Nang hindi nila ito mailapit sa kanya dahil sa karamihan ng tao, kanilang tinanggal ang bubungan sa tapat ng kanyang kinaroroonan. Nang kanilang mabutas iyon, ibinaba nila ang higaang kinahihigan ng lumpo.
5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lumpo, “Anak, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.”
6 May ilan sa mga eskriba na nakaupo roon na nagtatanong sa kanilang mga puso,
7 “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Siya'y lumalapastangan! Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?”
8 Pagkabatid ni Jesus sa kanyang espiritu na nagtatanong sila ng gayon sa kanilang mga sarili, agad niyang sinabi sa kanila, “Bakit nagtatanong kayo ng ganito sa inyong mga puso?
9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa lumpo, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan;’ o ang sabihin, ‘Tumayo ka, damputin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?’
10 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may awtoridad sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan”—sinabi niya sa lumpo—
11 “Sinasabi ko sa iyo, tumayo ka, damputin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.”
12 Tumayo nga siya, agad na dinampot ang higaan at umalis sa harapan nilang lahat. Anupa't namangha silang lahat at niluwalhati nila ang Diyos, na nagsasabi, “Kailanma'y hindi pa tayo nakakita ng ganito!”
Ang Pagtawag kay Levi(B)
13 At si Jesus[b] ay muling lumabas sa tabi ng lawa. Nagtipon sa paligid niya ang napakaraming tao at sila'y kanyang tinuruan.
14 Habang siya'y naglalakad, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa tanggapan ng buwis at sinabi sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo siya at sumunod sa kanya.
15 At nang siya'y nakaupo sa hapag-kainan sa bahay ni Levi,[c] maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang nakaupong kasalo ni Jesus at ng kanyang mga alagad sapagkat marami silang sumunod sa kanya.
16 Nang makita ng mga eskriba ng[d] mga Fariseo na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit siya kumakaing kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”
17 Nang ito'y marinig ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(C)
18 Noon ay nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo. Sila'y lumapit at sinabi sa kanya, “Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo, ngunit hindi nag-aayuno ang iyong mga alagad?”
19 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Maaari bang mag-ayuno ang mga abay sa kasalan, samantalang ang lalaking ikakasal ay kasama pa nila? Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila maaaring mag-ayuno.
20 Ngunit darating ang mga araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal at kung magkagayo'y mag-aayuno sila sa araw na iyon.
21 Walang nagtatagpi ng matibay na tela sa damit na luma. Kapag gayon, babatakin ng itinagpi, ang bago mula sa luma at lalong lalaki ang punit.
22 Walang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat. Kapag gayon, papuputukin ng alak ang mga balat at matatapon ang alak at masisira ang mga sisidlang balat. Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa mga bagong sisidlang balat.”
Ang Katanungan tungkol sa Sabbath(D)
23 Nang(E) isang Sabbath, nagdaraan siya sa mga bukirin ng trigo, at samantalang sila'y nagdaraan ang kanyang mga alagad ay nagsimulang pumitas ng mga uhay.
24 Sinabi sa kanya ng mga Fariseo, “Tingnan mo, bakit nila ginagawa ang hindi ipinahihintulot sa araw ng Sabbath?”
25 At sinabi niya sa kanila, “Kailanman ba'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya at ang kanyang mga kasamahan ay nagutom at nangailangan ng pagkain?
26 Kung(F) (G) paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, noong si Abiatar ang pinakapunong pari at kumain siya ng tinapay ng paghahandog, na hindi ipinahihintulot kainin maliban ng mga pari lamang at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan?”
27 At sinabi niya sa kanila, “Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, at hindi ang tao para sa Sabbath.
28 Kaya't ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001