Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 18

Ang bahagi ng mga Levita.

18 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay (A)hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain (B)ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana.

At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila.

At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan, sa kanila na naghahandog ng hain, maging baka o tupa, (C)na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang pisngi, at ang sikmura.

(D)Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya.

Sapagka't pinili siya ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong mga lipi, (E)upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng Panginoon, siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man.

At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel (F)na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa (G)sa dakong pipiliin ng Panginoon;

Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, na (H)gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo roon sa harap ng Panginoon.

(I)Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin, bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama.

Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay (J)huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.

10 Huwag makakasumpong sa iyo ng (K)sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, (L)o nanghuhula (M)o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,

11 (N)O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o (O)sumasangguni sa mga patay.

12 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at (P)dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.

13 Ikaw ay (Q)magpapakasakdal sa Panginoon mong Dios.

14 Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo.

Ang tunay na propeta.

15 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang (R)isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig;

16 Ayon sa lahat ng iyong ninasa (S)sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, (T)Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.

17 At sinabi ng Panginoon sa akin, (U)Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain.

18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; (V)at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at (W)kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

19 (X)At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.

Ang bulaang propeta.

20 (Y)Nguni't ang propeta (Z)na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain (AA)o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon.

21 At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon?

22 (AB)Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi (AC)ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

Mga Awit 105

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
(E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15 Na sinasabi, (F)Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis.
At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16 (G)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (H)tukod ng tinapay.
17 (I)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(J)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (K)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (L)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (M)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (N)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (O)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (P)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (Q)lupain ng Cham.
24 (R)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (S)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (T)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (U)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (V)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (W)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (X)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37 (Y)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(Z)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (AA)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (AB)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (AC)pagkain na mula sa langit.
41 (AD)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(AE)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (AF)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (AG)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Isaias 45

Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.

45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (A)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (B)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

Ako'y magpapauna sa iyo, (C)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (D)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:

At ibibigay ko sa iyo ang mga (E)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (F)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (G)Dios ng Israel.

Dahil sa Jacob na (H)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (I)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.

Ako ang Panginoon, (J)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,

Upang kanilang maalaman (K)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (L)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.

Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.

Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (M)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?

10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?

11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (N)sa aking mga anak, at tungkol (O)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.

12 Aking ginawa ang lupa, at (P)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (Q)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.

13 Aking ibinangon (R)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (S)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (T)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (U)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (V)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (W)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (X)walang ibang Dios.

15 Katotohanang ikaw ay Dios (Y)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.

16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.

17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.

18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (Z)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.

19 Ako'y hindi nagsalita (AA)ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: (AB)akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, (AC)ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.

20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (AD)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (AE)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (AF)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.

21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (AG)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (AH)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

22 Kayo'y magsitingin sa akin, (AI)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.

23 (AJ)Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, (AK)na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, (AL)bawa't dila ay susumpa.

24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.

25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.

Apocalipsis 15

15 At (A)nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. (B)Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, (C)sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.

At nakita ko ang gaya ng (D)isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, (E)at sa kaniyang larawan, at sa (F)bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, (G)na may mga alpa ng Dios.

At inaawit nila (H)ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at (I)ang awit ng Cordero, na sinasabi,

Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; (J)matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
(K)Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't (L)ikaw lamang ang banal; sapagka't ang (M)lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at (N)ang santuario ng (O)tabernakulo ng patotoo (P)sa langit ay nabuksan.

At sa santuario ay nagsilabas ang (Q)pitong anghel na may pitong salot, na (R)nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.

At isa sa apat na (S)nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong (T)mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.

At (U)napuno ng usok ang santuario (V)mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; (W)at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978