Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 33-34

Ang basbas ni Moises.

33 At ito (A)ang basbas na ibinasbas ni Moises, (B)tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.

At kaniyang sinabi,
(C)Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila;
Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
At siya'y nanggaling sa (D)laksa-laksa ng mga banal:
Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
Oo't (E)kaniyang iniibig ang bayan:
Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay:
At sila'y (F)umupo sa iyong paanan;
Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
Si Moises ay nagutos sa atin ng (G)isang kautusan,
(H)Na mana sa kapisanan ng Jacob.
At siya'y (I)hari sa (J)Jeshurun,
Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan,
Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.
(K)Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi,
Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
At padatnin mo sa kaniyang bayan:
Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay;
At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi,
(L)Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong (M)banal,
(N)Na siyang iyong sinubok sa Massa,
Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;
Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, (O)Hindi ko siya nakita;
(P)Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid,
Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak;
Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita,
At ginaganap ang iyong tipan.
10 (Q)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(R)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (S)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi,
Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya;
Siya'y kakanlungan niya buong araw,
At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,
(T)Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,
Sa mga mahalagang bagay ng langit, (U)sa hamog,
At sa kalaliman na nasa ilalim niya,
14 At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw,
At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
15 At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok,
At sa mga mahalagang bagay ng (V)mga burol na walang hanggan,
16 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon,
At (W)ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy:
(X)Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran,
At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
17 (Y)Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang (Z)ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At (AA)sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.

18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,

(AB)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 (AC)Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y (AD)maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.

20 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi,

Pagpalain yaong magpalaki sa Gad:
Siya'y tumatahan (AE)parang isang leona,
At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
21 At (AF)kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng (AG)gumagawa ng kautusan;
At siya'y (AH)pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.

22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,

Ang Dan ay (AI)anak ng leon,
Na (AJ)lumukso mula sa Basan.

23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,

Oh (AK)Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
(AL)Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.

24 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi,

(AM)Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser,
Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid,
At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
26 (AN)Walang gaya ng Dios, Oh (AO)Jeshurun,
(AP)Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
27 Ang walang hanggang Dios ay iyong (AQ)dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,
At sinabi, Lansagin mo.
28 (AR)At ang Israel ay tumatahang tiwala,
(AS)Ang bukal ng Jacob na nagiisa,
Sa (AT)isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang kaniyang mga langit ay (AU)nagbababa ng hamog.
29 Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
(AV)Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay (AW)susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.

Ang kamatayan ni Moises.

34 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab (AX)sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad (AY)hanggang sa Dan,

At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda (AZ)hanggang sa dagat kalunuran,

At ang Timugan at ang (BA)Kapatagan ng libis ng Jerico na (BB)bayan ng mga puno ng palma hanggang sa (BC)Soar.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (BD)Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: (BE)aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.

Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.

At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't (BF)sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.

(BG)At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: (BH)ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na (BI)tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises.

At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng (BJ)diwa ng karunungan: sapagka't ipinatong ni (BK)Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 At (BL)wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, (BM)na kilala ng Panginoon sa mukhaan,

11 Sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang buong lupain,

12 At sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.

Mga Awit 119:145-176

COPH.

145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (A)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (B)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (D)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (E)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (F)pinamalagi magpakailan man.

RESH.

153 (G)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (H)ang iyong kautusan.
154 (I)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (J)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(K)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (L)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.

SIN.

161 Inusig ako (M)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(N)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (O)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (P)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(Q)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

TAU.

169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (R)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (S)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (T)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (U)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Isaias 60

Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.

60 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at (A)ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.

At ang mga bansa ay (B)paroroon sa iyong liwanag, (C)at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.

Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, (D)sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.

Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (E)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.

Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa (F)Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng (G)ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.

Lahat ng kawan sa (H)Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na (I)tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian.

Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan?

Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay (J)sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang (K)dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, (L)ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil (M)sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, (N)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.

10 At itatayo (O)ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang (P)kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't (Q)sa aking poot ay sinaktan kita, (R)nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo.

11 Ang iyo namang mga (S)pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, (T)at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.

12 Sapagka't yaong bansa (U)at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos.

13 Ang kaluwalhatian ng Libano ay (V)darating sa iyo, (W)ang puno ng abeto, ng pino, at ng boj na magkakasama, upang pagandahin ang dako ng aking santuario; at aking (X)gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati.

14 At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; (Y)at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatanawin ka nila (Z)Ang bayan ng Panginoon, (AA)Ang Sion ng Banal ng Israel.

Ang maluwalhating Sion.

15 Yamang ikaw ay (AB)napabayaan at ipinagtanim, na anopa't walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang (AC)karilagan, na kagalakan ng maraming sali't saling lahi.

16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa (AD)mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na (AE)akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, (AF)Makapangyarihan ng Jacob.

17 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.

18 Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; (AG)kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, (AH)at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.

19 Ang araw ay (AI)hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang (AJ)liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.

20 Ang iyong araw ay (AK)hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.

21 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na (AL)lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, (AM)ang sanga ng aking pananim, ang (AN)gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.

22 Ang munti ay magiging isang libo, at (AO)ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.

Mateo 8

At nang siya'y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao.

At (A)narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y (B)sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.

At iniunat niya ang kaniyang kamay, at (C)siya'y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nalinis ang kaniyang ketong.

At sinabi sa kaniya ni Jesus, (D)Ingatan mong huwag sabihin kanino man; kundi humayo ka, pakita ka sa saserdote, at ihandog mo ang alay (E)na ipinagutos ni Moises, na bilang patotoo sa kanila.

At (F)pagpasok niya sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturion, na sa kaniya'y namanhik,

At nagsasabi, Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan.

At sinabi niya sa kaniya, Paroroon ako, at siya'y aking pagagalingin.

At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.

Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.

10 At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, (G)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya.

11 At sinabi ko sa inyo, na marami ang (H)magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at (I)magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit:

12 Datapuwa't (J)ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa (K)kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.

13 At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.

14 At nang (L)pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat.

15 At hinipo ang kaniyang kamay, at inibsan siya ng lagnat; at siya'y nagbangon, at naglingkod sa kaniya.

16 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming (M)inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit:

17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, (N)Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.

18 Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo.

19 At lumapit ang isang eskriba, at (O)sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.

20 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.

21 At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.

22 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.

23 (P)At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.

24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.

25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay.

26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh (Q)kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.

27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya?

28 At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon.

29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (R)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?

30 Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain.

31 At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy.

32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila'y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig.

33 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at nagsitungo sa bayan, at sinabi ang lahat ng mga nangyari, at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio.

34 At narito, lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan (S)siyang umalis sa kanilang mga hangganan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978