M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang awit ni Moises.
32 Makinig kayo, (A)mga langit, at ako'y magsasalita,
At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
2 Ang aking aral ay (B)papatak na parang ulan;
Ang aking salita ay bababa na parang hamog;
(C)Gaya ng ambon sa malambot na damo,
At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
3 Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon:
(D)Dakilain ninyo ang ating Dios.
4 Siya (E)ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal;
Sapagka't lahat (F)niyang daan ay kahatulan:
(G)Isang Dios na tapat at walang kasamaan,
Matuwid at banal siya.
5 Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;
Mga tampalasan at likong (H)lahi.
6 Ganyan ba ninyo (I)ginaganti ang Panginoon,
O mangmang na bayan at hindi pantas?
Hindi ba siya ang (J)iyong ama na tumangkilik (K)sa iyo?
(L)Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
7 Alalahanin mo ang mga araw ng una,
Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi:
(M)Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo;
Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
8 (N)Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana,
Nang kaniyang (O)ihiwalay ang mga anak ng tao,
Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan
Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
9 Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;
Si Jacob ang bahaging mana niya.
10 Kaniyang nasumpungan (P)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(Q)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
11 (R)Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad,
Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay,
Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha,
Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya,
At walang ibang dios na kasama siya.
13 (S)Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa,
At siya'y kumain ng tubo sa bukid;
At kaniyang pinahitit ng (T)pulot na mula sa bato,
At ng langis na mula sa batong pinkian;
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa,
(U)Na may taba ng mga kordero,
At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing,
Na may taba ng mga butil ng trigo;
At (V)sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
15 Nguni't (W)tumaba si Jeshurun, at (X)tumutol:
(Y)Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis:
Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya,
At niwalang kabuluhan ang (Z)Bato na kaniyang kaligtasan.
16 (AA)Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios,
Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.
17 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios,
Sa mga dios na hindi nila nakilala,
Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang,
Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.
18 (AB)Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka,
At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.
19 At nakita ng Panginoon, at (AC)kinayamutan sila,
(AD)Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae.
20 At kaniyang sinabi, (AE)Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas;
Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi,
Na mga anak na walang pagtatapat.
21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios;
Kanilang minungkahi ako sa galit (AF)sa kanilang mga walang kabuluhan:
At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan:
(AG)Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.
22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit,
At nagniningas hanggang sa Sheol,
At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito,
At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.
23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
(AH)Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:
24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init,
At ng mapait na pagkalipol;
(AI)At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila,
Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.
25 Sa labas ay pipighatiin ng tabak.
At sa mga silid ay kakilabutan;
Malilipol kapuwa ang binata at dalaga,
Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.
26 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo,
Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila;
27 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway;
Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali,
Baka kanilang (AJ)sabihin, Ang aming kamay ay tanghal,
At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.
28 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo,
At (AK)walang kaalaman sa kanila.
29 (AL)Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito,
Kung nababatid nila ang kanilang wakas!
30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo,
At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo,
Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato,
At ibigay sila ng Panginoon?
31 Sapagka't (AM)ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,
Kahit ang (AN)ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma,
At sa mga parang ng Gomorra:
Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo,
Ang kanilang mga buwig ay mapait:
33 Ang kanilang alak ay (AO)kamandag ng mga dragon,
At mabagsik na kamandag ng mga ahas.
34 Di ba ito'y natatago sa akin,
Na natatatakan sa aking mga kayamanan?
35 Ang panghihiganti ay (AP)akin, at gayon din ang gantingpala,
Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa:
Sapagka't (AQ)ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit,
At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 (AR)Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (AS)magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod;
Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala,
At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.
37 At kaniyang sasabihin, (AT)Saan nandoon ang kanilang mga dios,
Ang bato na siya nilang pinanganlungan;
38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain,
At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog?
Bumangon sila at tumulong sa inyo,
At sila'y maging pagkupkop sa inyo.
39 Tingnan ninyo ngayon, na (AU)ako, sa makatuwid baga'y ako nga,
At walang dios sa akin:
(AV)Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay;
(AW)Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling:
At walang makaliligtas sa aking kamay.
40 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit,
At aking sinasabi, Buháy ako magpakailan man,
41 (AX)Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak,
At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan;
Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway,
At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin.
42 (AY)At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod,
At ang aking tabak ay sasakmal ng laman;
Sa dugo ng patay at ng mga bihag,
Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan;
Sapagka't (AZ)ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod,
At (BA)manghihiganti sa kaniyang mga kaalit,
At (BB)patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.
44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.
45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:
46 At kaniyang sinabi sa kanila, (BC)Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.
47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; (BD)sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.
Si Moises ay pinasampa sa bundok ng Nebo.
48 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi,
49 (BE)Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:
50 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, (BF)gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan:
51 Sapagka't (BG)kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel.
52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.
AIN.
121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (A)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (B)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (C)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (D)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
PE.
129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (E)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(F)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (G)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (H)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (I)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (J)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
TZADDI.
137 (K)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (L)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (M)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (N)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (O)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(P)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
Ang pagtatapat ng kahinaan ng bansa.
59 Narito, ang kamay ng Panginoon (A)ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
2 (B)Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
3 Sapagka't ang (C)inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4 Walang dumadaing ng katuwiran (D)at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; (E)sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6 Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
7 Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, (F)at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: (G)sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (H)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (I)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (J)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.
13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at (K)paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.
Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.
15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.
16 (L)At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na (M)wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang (N)ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (O)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (P)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
19 Sa gayo'y (Q)katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na (R)parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
20 At isang Manunubos ay (S)paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
21 At tungkol sa akin, (T)ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang (U)aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
7 (A)Huwag kayong magsihatol, (B)upang huwag kayong hatulan.
2 Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: (C)at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.
3 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
4 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?
5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.
6 (D)Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain.
7 (E)Magsihingi kayo, (F)at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
8 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
9 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;
10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang (G)inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?
12 Kaya nga (H)lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: (I)sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.
13 Kayo'y magsipasok sa (J)makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
15 (K)Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
16 (L)Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan?
17 Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama.
18 Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.
19 Bawa't punong kahoy (M)na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.
20 Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.
21 (N)Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y (O)nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
24 Kaya't (P)ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang (Q)taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:
25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.
26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
28 At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, ay nangatilihan (R)ang mga karamihan sa kaniyang aral:
29 (S)Sapagka't sila'y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978