Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 25

Batas sa paghatol at sa pagkamatay ng asawa.

25 Kung magkaroon ng (A)pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang (B)mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:

At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,

(C)Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.

(D)Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.

(E)Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang (F)kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

At mangyayari, na ang panganay na (G)kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang (H)ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.

At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa (I)pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

Kung magkagayo'y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya'y tumayo at sabihin niya, (J)Ayaw kong kunin siya;

Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at (K)huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw (L)magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.

10 At ang kaniyang pangala'y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.

11 Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim:

12 Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay; ang iyong mata'y (M)huwag manghihinayang.

13 (N)Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba't ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit.

14 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba't ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit.

15 Isang tunay at tapat na panimbang magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: (O)upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

16 Sapagka't yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay, sa makatuwid baga'y yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay (P)kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios.

Si Amalec ay lilipulin.

17 (Q)Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto;

18 Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios.

19 Kaya't mangyayari, na (R)pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay (S)iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.

Mga Awit 116

Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.

116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
(E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
(F)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(G)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (H)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
(I)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(J)Sa lupain ng mga buháy.
10 (K)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (L)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (M)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (N)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (O)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (P)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (Q)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (R)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Isaias 52

Ang Sion ay tinawagan upang umalis sa pagkabihag.

52 Gumising ka, (A)gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, (B)Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli (C)at ang marumi.

Magpagpag ka ng alabok; (D)ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: (E)magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (F)Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una (G)sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan.

Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan (H)ay natutungayaw na lagi buong araw,

Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na (I)yaon, na (J)ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.

Anong pagkaganda (K)sa mga bundok ng mga (L)paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, (M)na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, (N)Ang iyong Dios ay naghahari!

Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.

Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; (O)sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos (P)ang Jerusalem.

10 Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na (Q)bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng (R)lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios.

11 (S)Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, (T)kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.

12 Sapagka't kayo'y (U)hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; (V)at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod.

13 Narito, (W)ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, (X)siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.

14 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha (Y)ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),

15 (Z)Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; (AA)ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay (AB)kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.

Apocalipsis 22

22 At ipinakita niya sa akin ang (A)isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,

Sa gitna ng (B)lansangang yaon. (C)At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon (D)ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.

At (E)hindi na magkakaroon pa ng sumpa: (F)at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;

At makikita nila ang (G)kaniyang mukha; at ang (H)kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.

(I)At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila (J)ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.

At sinabi niya sa akin, (K)Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay (L)nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.

(M)At narito, ako'y madaling pumaparito. (N)Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.

At akong si (O)Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, (P)ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.

At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.

10 At sinasabi niya sa akin, (Q)Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; (R)sapagka't malapit na ang panahon.

11 Ang liko, ay (S)magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.

12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang (T)aking ganting-pala ay nasa akin, (U)upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.

13 (V)Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.

14 Mapapalad (W)ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa (X)punong kahoy ng buhay, (Y)at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.

15 Nangahas labas (Z)ang mga aso, at ang mga (AA)manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.

16 Akong si Jesus ay nagsugo ng (AB)aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. (AC)Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na (AD)tala sa umaga.

17 At ang Espiritu at ang (AE)kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. (AF)At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.

18 Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios (AG)ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:

19 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng (AH)Dios ang kaniyang bahagi (AI)sa punong kahoy ng buhay, at (AJ)sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.

20 Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, (AK)Oo: ako'y madaling pumaparito. (AL)Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus.

21 Ang biyaya ng Panginoong (AM)Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978