Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 19

Ang bayan na tanggulan.

19 Pagka (A)ihihiwalay ng Panginoon mong Dios ang mga bansa, na lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at hahalili ka sa kanila, at iyong tatahanan ang kanilang mga bayan, at ang kanilang mga bahay;

(B)Ay maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin.

Ikaw ay maghahanda sa iyo ng daan, at pagtatluhin mong bahagi ang mga hangganan ng iyong lupain, na ipinamamana sa iyo ng Panginoon mong Dios, upang matakasan ng bawa't nakamatay tao.

(C)At ito ang bagay ng nakamatay tao, na tatakas doon at mabubuhay: sinomang makapatay sa kaniyang kapuwa ng di sinasadya, at hindi niya kinapopootan ng panahong nakaraan;

Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopa't mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya'y mabubuhay:

(D)Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan.

Kaya't iniuutos ko sa iyo, na sinasabi, Maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan.

At kung (E)palakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang;

Kung iyong isasagawa ang buong utos na ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon mong Dios, at lumakad kailan man sa kaniyang mga daan; (F)ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong bayan sa iyo, bukod sa tatlong ito:

10 Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng Panginoon mong Dios, at sa gayo'y maging salarin ka sa iyo.

11 Nguni't kung ang sinoman ay (G)mapoot sa kaniyang kapuwa, at pag-abangan niya siya, at siya'y tumindig laban sa kaniya, at saktan niya siya ng malubha, na anopa't mamatay; at siya'y tumakas sa isa sa mga bayang ito:

12 Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y mamatay.

13 (H)Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya; kundi (I)aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala, upang ikabuti mo.

Batas tungkol sa lindero at sa saksi.

14 (J)Huwag mong babaguhin ang lindero ng iyong kapuwa, na kanilang inilagay ng una, sa iyong mana na iyong mamanahin, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin.

15 (K)Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap.

16 Kung ang isang sinungaling na saksi ay tumindig laban sa kanino man upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa,

17 Ang dalawang taong naguusapin ay tatayo sa harap ng Panginoon, (L)sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom sa mga araw na yaon;

18 At (M)sisiyasating masikap ng mga hukom: at, narito, kung ang saksi ay saksing sinungaling, at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid;

19 (N)Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: (O)sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

20 At maririnig niyaong mga natitira at matatakot, at hindi na sila magkakamit pa ng gayong kasamaan sa gitna mo.

21 At ang iyong mata'y huwag mahahabag: (P)buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.

Mga Awit 106

Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.

106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
(D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
(F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Isaias 46

Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.

46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (A)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.

Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.

Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at (B)lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, (C)na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:

At hanggang sa katandaan ay (D)ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.

Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?

Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, (E)at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; (F)sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.

Pinapasan nila siya sa balikat, (G)dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: (H)oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.

Inyong alalahanin ito, at (I)mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.

Inyong alalahanin ang mga (J)dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, (K)at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

10 (L)Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, (M)Ang payo ko ay mananayo, (N)at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit (O)mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, (P)aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:

13 Aking inilalapit ang (Q)aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay (R)hindi magluluwat: at aking ilalagay ang (S)kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

Apocalipsis 16

16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi (A)sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok (B)ng kagalitan ng Dios sa lupa.

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok (C)sa lupa; at (D)naging sugat na masama at mabigat sa mga taong (E)may tanda ng hayop na yaon, at (F)nangagsisamba sa kaniyang larawan.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok (G)sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; (H)at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok (I)sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; (J)at nangaging dugo.

At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, (K)Matuwid ka, (L)na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

Sapagka't ibinuhos nila ang dugo (M)ng mga banal at ng mga propeta, (N)at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

(O)At narinig ko ang (P)dambana na nagsasabi, Oo, Oh (Q)Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok (R)sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

At (S)nangasunog ang mga tao sa matinding init: at (T)sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; (U)at hindi sila nangagsisi upang siya'y (V)luwalhatiin.

10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok (W)sa luklukan ng hayop na yaon; (X)at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap (Y)at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

12 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok (Z)sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo (AA)ang tubig nito, (AB)upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13 At nakita kong lumabas sa bibig (AC)ng dragon, at sa (AD)bibig ng hayop, at sa bibig (AE)ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na (AF)gaya ng mga palaka:

14 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, (AG)na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa (AH)pagbabaka (AI)sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

15 (Narito, ako'y pumaparitong (AJ)gaya ng magnanakaw. (AK)Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

16 At tinipon sila (AL)sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na (AM)Armagedon.

17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas (AN)sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

18 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na (AO)lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

19 At ang dakilang (AP)bayan ay nabahagi sa (AQ)tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, (AR)upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.

20 At tumakas ang (AS)bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.

21 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay (AT)lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang (AU)mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978