Add parallel Print Page Options

30 Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng (A)lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, (B)at sila'y ibabang mga buháy sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na (C)minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon.

31 (D)At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka:

32 At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang (E)lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pagaari.

33 Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buháy sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan.

34 At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.

35 At apoy ang (F)lumabas na mula sa Panginoon, at nilamon ang dalawang daan at limang pung lalake na naghandog ng kamangyan.

Read full chapter